25. Honesty is the best policy

4K 340 29
                                    

|| Eivel ||

I was startled when the wall behind me closed. Napatitig ako rito na bakas ang pagtataka sa mukha. Para bang hinayaan lang ako ng mga pader na makalabas bago magsara.

Tuluyan na 'kong nakalabas sa maze na 'yon. . . actually, hindi ko masabi kung isa nga ba 'yong maze.

Hindi ko mapigilang matakot at kabahan kapag napalilibutan ako ng mga pader at walang labasan. Pero hindi ko maintindihan kung bakit. . .

No'ng nasa loob ako, sa umpisa lang ako kinabahan at hindi nagtagal ay nagawa kong maging kampante.

For the first time in my life... I was not scared in little spaces. As if an angel was guiding me to the exit.

Tumagal ng ilang segundo akong nakatulala bago ako magkibit-balikat. Imposibleng mangyari 'yon.

Kahit siguro ang guardian angel na nakatoka sa 'kin ay iniwan na rin ako. Sarili ko lang ang pwede kong pagkatiwalan at asahan.

After all, there is 0% chance that there is someone who'll deeply care for me.

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa mahabang pasilyo. Tanging ang tunog ng takong ng sapatos ko ang nagsisilbing ingay at ang mga torches na nakakabit sa bawat pader ang nagsisilbing ilaw ko.

Kunot noo akong tumigil sa paglalakad nang bumungad sa akin ang isang malaking pinto sa gitna ng pasilyo. I heaved a sigh, kung ano man ang nasa likod ng pintuan na 'to ay paniguradong doon tatakbo ang larong papasukan ko.

I'm ready to face anything behind the door. Mahigpit kong hinawakan at pinihit ang doorknob at sinalubong ako ng liwanag. Naningkit ang mga mata ko para makapag-adjust sa liwanag sa loob ng silid.

When I was able to focus my eyes, I was frozen in my place. Dahan-dahan kong inilibot ang tingin ko sa paligid at hindi ko magawang makapaniwala sa nakikita ko.

It's a. . . freaking classroom. . . 

Mabilis akong natauhan at nakuha ang atensyon ko nang marinig ko ang tunog ng sapatos na naglalakad sa loob. Mabilis kong nakilala ang lalaking naglalakad na nasa likod ang dalawang kamay.

He's wearing a half-pleated kilt wound around his body with a pleated section drawn to the front. He's also wearing a thick eyeliner. And on the top of that, he has a nemes.

A pharaoh.

"Congratulations for making this far, or rather, congratulations to your teammate." He sounds gentle.

My forehead furrowed as I gave him a confused look. Anong klaseng bati 'yon?

Naglakad siya papunta sa gitna ng classroom kung nasaan ang teacher's desk. Nasa pyramid pa rin ba kami?

"Let's get this over with. What's the challenge?" deretsong tanong ko.

Wala akong panahon para mag-aksaya ng oras at laway sa kaniya. Kailangan ko itong tapusin nang mabilis para magawa na naming mapuntahan ang sphinx.

"I understand," nakangiti niyang sagot.

May kinuhang chalk sa loob ng drawer ng teacher's table ang pharaoh bago siya magsimulang magsulat sa pisara. Nanatili akong nanonood sa ginagawa niya habang pinagmamasdan siya mabuti.

I kept my distance just in case.

Tunog ng chalk na sinusulat sa blackboard ang tanging ingay sa loob ng silid. Natigilan ako sa pwesto ko nang matapos sa pagsusulat ang lalaking nasa harapan ko at umusog siya sa gilid para makita ko ang sinulat niya.

'Honesty is the best policy.'

Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang nabasa. Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago ako mapaismid at mapailing.

"Are you kidding me? What am I supposed to do with that?" Pagmamang-maangan ko.

"The exact meaning of it, Miss Eivel."

I was taken aback by his answer. Mabilis na tumalim ang tingin ko sa kaniya. Sa lahat ng mga nakaharap namin ng mga kasama ko, ito ang unang beses na may tumawag sa pangalan ko kahit hindi pa 'ko nagpapakilala.

Nagsimulang maglakad pabalik-balik ang pharaoh sa harapan ko habang nasa likod ang magkabilang kamay. Sa kabilang banda ay hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko mula kanina.

"You see, the settings or places where the players at, right now, are the places that are either where you can show your strength the most. . ."

"or the places where you're the weakest."

My eyes squinted, processing what he said. "So you're telling me, I'm in a place where I'm the strongest?" sarkastikong sagot ko.

Kumurba ang labi ko sa isang ngisi habang pinapanood siyang maglakad. How stupid of you to think that you can beat me when it comes to academics. I'm a genius-

Tila naglaho ang ngisi ko sa labi nang balikan ako ng isang ngisi ng lalaking kaharap ko. Pasimple niya 'kong sinulyapan.

"Oh, let's see about that."

Mariin akong napakagat sa ibabang labi bago mapaismid. Mahigpit ang pagkakasara ng kamao ko.

Hindi ko gusto ang tingin niya sa 'kin. Ayoko ng tingin na para bang minamaliit ako. Ayoko. . .

"Well, the Sphinx is the smartest among all of the Game Generals. It's natural for us, who work for him, have the abilities and skills as well."

Pinagmasdan ko siyang kumuha muli ng kung ano sa loob ng drawer ng teacher's table.

"We know everything about you, Miss Eivel."

Naglabas siya ng dalawang maliit na whiteboard at mga markers. Tumaas ang kanan kong kilay habang magkakrus ang mga kamay.

"What are we going to do? A recitation?" I scoffed. "If you really do know me. . . you should know that-"

"Close enough, Miss Eivel," pagsingit niya sa 'kin.

Nahinto ako sa pagsasalita nang sumabat siya sa sasabihin ko. Naglakad siya patungo sa 'kin para iabot ang whiteboard at markers na agad ko ring kinuha.

"I know you excel in all subjects, Miss Eivel. . . so how about,"

"This time. . ."

"You're the subject?"

Hindi ko kaagad napagtanto ang sinabi niya. Tuluyang naglaho ang mga ekspresyon ko sa mukha nang matauhan ako sa narinig.

For a second, I can't think of anything to say. Humigpit ang pagkahahawak ko sa marker bago iritadong tumingin sa pharaoh na kaharap ko. I looked at him dead in the eye.

"Do I look like I'm kidding here?" walang kaemo-emosyon kong sambit.

Wala man lang bakas ng takot o kaba sa mukha ng lalaking kaharap ko. Bagkus ay nagawa niya pang inosenteng ngumiti.

"I'm serious, Miss Eivel."

Umupo siya sa teacher's table na kahelera ko. Doon ko napansin na kusang nabubura ang kaninang nakasulat sa pader at napalitan ito ng salitang 'question 1'.

Napaismid na lamang ako bago kumuha ng isang upuan papunta sa pwesto ko at umupo ako sa gitna, katapat ng pharaoh.

"You're really underestimating me." Pilit akong ngumiti at kalmadong magsalita kahit sa loob ko ay naiirita na 'ko.

"I'm telling you. . ."

"I know myself better than anyone. . . there is 0% chance that I'll lose."

✘✘✘

Game Of Life: Volume 1 (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now