What if, wala na pala talaga siya? Kasi wala akong ibang maisip na way para magtago pa si Favian. Wala nang patong sa ulo niya. Wala na sa panganib ang buhay niya. So, bakit? Bakit hindi namin siya makita? Nasaan siya?

"Ako din, Daphne. Sa totoo lang, napapagod na din ako pero ayaw kong mawalan nang pag-asa hangga't wala pang patunay na wala na si Favian."

"He's alive. Don't say that." Sabi ko pa kahit na ako mismo ay may pagdududa na rin.

"Pero, hindi naman masamang umasa 'di ba? Gawin natin 'to para kay Fiona. Promise, last na talaga 'to. Kapag palpak pa rin, pangako ititigil na natin ang paghahanap sa kan'ya."

Gusto ko sanang tumutol pa pero may parte pa din sa akin na gusto na lang talagang sumuko kasi natatakot ako sa katotohanan. Parang mas gusto ko pang isipin habang buhay na nawawala si Favian kesa malaman ang katotohanan na wala na siya.

I let out a sighed again. "Okay. Let's schedule it tomorrow. Marami kasi akong gagawin ngayong araw na 'to."

"Thank you, Daphne" She then smiled at me.

Do'n natapos ang usapan naming dalawa ni Trixie. Hindi rin siya nagtagal at nagpaalam na din dahil may pupuntahan pa daw siya kaya naiwan na naman akong muli sa kwarto ko. Sinusulit ang mga natitirang minuto ng pahinga ko. 

Nang tumunog ang orasan ko ay saktong nakagayak na rin ako. I look at myself in front of the large mirror. Obligated din akong magsuot ng kasuotan na naangkop sa akin kaya kahit ayaw ko talagang napapasuot ako ng gown. Ewan ko ba! Feeling ko tuloy araw-araw akong nasa prom. Nakakaloka. Sino ba kasing nag-pauso nito?! I'm also wearing the golden crown with three ruby diamonds na simbolo nang pagiging maharlika ko. Napatawa ako sa sarili, pekeng maharlika lang pala. Well, might as well as panindigan na lang. 

This is so corny! Pero oras na naman para harapin ko ang obligasyon ko bilang Reyna ng Agartha. Napabuntong hininga na naman ako bago lumabas ng kwarto ko. I keep my face straight habang naglalakad patungo sa silid kung saan naghihintay na sila sa kin.

Every single one of them greeted me with a bow. Diretso akong umupo sa trono ko at pinasadahan ng tingin ang buong kwarto. Himala at tatlong nilalang lang ang nasa harapan ko ngayon, kadalasan kasi ay anim sila. Sa gilid ko ay ang robot na dama na taga-rekord ng mga sasabihin at mga utos ko at sa bawat sulok ng kwarto ay may mga kawal na nakabantay.

I look at the oldest, sign for him to talk and I'm gonna listen.

"Magandang umaga, Mahal na reyna. Naparito ako ngayong araw para ibalita sa inyo na madaming palayan ang apektado ng tagtuyot sa bandang Sutton. Dahil dito madami ang nawawalan ng pagkabuhyan at umuunti ang suplay natin ng bigas."

"Magpapadala ako ng dalawa sa pinakamagaling na salamangkero para solusyonan ang tagtuyot. Asahan niyo na masosolusyonan ang problema na 'yan sa loob lamang ng isang linggo." Pinal na sabi ko. 

"Maraming salamat, mahal na Reyna." Bumakas naman sa mukha ng ministro ang kasiyahan.

Gusto ko mang ngitian din siya pabalik ay hindi ko magawa. I have to look cold because that's what Trixie told me to become. Kapag kasi naging mabait ako ay mahirap na. Hindi lahat ng tao o nilalang ay pwedeng pagkatiwalaan. Sunod kong tiningnan ang katabi niya, ngayon ko lang nakita ang nilalang na 'to na may anyong kabayo sa itaas na parte ng katawan at sa baba naman ay anyong tao. Kung tama ako, tikbalang ang tawa sa nilalang na 'to.

Nagsimula siyang magsalita pero wala akong maintindihan dahil ibang linggawahe. Nilingon ko ang robot na dama na nasa gilid ko. Otomatiko niyang sinalin sa salita ang sinasabi ng tikbalang. Binasa ko 'yon mula sa screen.

"Krimen? May nagaganap na krimen sa siyudad  ng Arkala at hindi magawan ng aksiyon ng mga kapulisan dahil hindi matukoy kung sino ang salarin?" Pagkumpirma ko. Tumango ang tikbalang. Napakunot ang noo ko at mabilisang nag-isip ng solusyon.

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now