Kabanata 33- Tear catcher

713 18 6
                                    

"Miya, umuwi ka muna," napahilamos ako sa aking mukha.

Nandito kami ngayon sa dining area. Nakaupo sa aking tapat si Hanz na katabi ni Miya. They offered a glass of water but I refused.

"Dito lang muna ako..." pilit niya na kinatango ko nalang.

Napahilot ako sa sintido ko bago ipatong sa lamesa ang aking siko. I don't know what to do next and I don't want to do anything because I'm exhausted.

"Hayaan mo hanggang ngayong month nalang din ang contract ni Tamara sa Cole clothing. I'll never renew it. Lagi niya rin kasi inaaway si Chacha," Hanz uttered, softly.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. I don't want to hear even her name. I'm pissed because of her childish act. Wala naman akong gagawin na masama kung talagang sila ni Magen. I'm not that desperate anymore to beg for his love. Kung kami ay kami! Kung sila ay sila! I don't need to sugarcoat anything just to ease this feeling. I'm dissappointed and I admit it. Magen dissappoint me again.

"Bakit ka nandito?" mahinahon kong tanong kay Hanz.

Sumandal siya sa backrest ng upuan at pinagkrus ang braso. He just shrugged his shoulder like he doesn't have a reason at all.

"Nakita ko kasi 'yung mga articles na nagkalat sa internet. I'm just checking you and I think you're not okay..."

Tumango lang ako, this is the one thing that I've learned. That I don't need to cover my face with a mask. If it's hurts then let it be. Hindi ko pala talaga kailangan na sabihin lagi sa ibang tao na ayos lang ako kahit na alam ko namang hindi.

"Nagtext sa akin 'yung manager ni Tamara. Parang alam niya 'yung kalokohan na ginawa ng alaga niya. He wants to meet Heart para raw mapag-usapan," Miya inform us while looking at her phone.

I shook my head "Hindi na kailangan na magkita. If Tamara hates me then let it be. Wala akong pakialam sa mga sasabihin nila. Just act like the issue didn't exist," sagot ko na dahilan ng pagtitig nila sa akin.

Hindi nalang muli ako kumibo. I really needed what I saw and what was going on. I don't have to fix anything because I know it doesn't matter if I just fix it.

"Nakakausap mo ba si Chacha sa shoot? Tinatanong niya ba ako?" mahinang tanong ni Hanz na para bang alanganin pa.

Kinunutan ko siya ng noo dahil sa tanong niya. "Mukha ba kaming close no'n? Hindi nga ako kinakausap no'n kasi feeling ko na-gi-guilty parin sa ginawa niyong dalawa," napairap ako nang makita ang disappointment sa kaniyang mukha.

"H'wag mo naman siyang awayin ha? She's kind and caring person so---"

"Seriously Hanz? Tingin mo ba aawayin ko 'yon dahil sa ginawa niyo dati? Look... it's not a big deal to me anymore. You cheated and I accepted your apology. Siguro mayro'n talagang tao para sa atin kaya pinaglayo tayo..." natatawang sabi ko at pinakatitigan siyang maigi. "Ano'ng mayro'n sa inyo ni Mauve? Ang alam ko ay sila ni Wave na ex-boyfriend ko rin," takang tanong ko.

Parehas ba kami ng natitipuhan lagi ni Mauve? Or parehas kami na natitipuhan ng mga lalaking 'to. Well, hindi ko naman itatago na ang ganda ganda rin ni Mauve plus the kind and caring pero tingin ko ay nagawa niya lang 'yun sa akin dahil sa isang rason... nagmamahal. Nagawa niya 'yon dahil alam kong nagmamahal siya. Sa paraan ng pagtingin pagsulyap niya kay Hanz ay alam kona pero pinili ko na magbulag-bulagan.

"I don't know..." seryosong sagot niya dahilan ng pagtinginan namin ni Miya.

"Ang alam ko sila na ni Wave kasi kalat narin sa internet tapos no'ng nakaraang linggo nakita ko na hinatid ni Wave si Mauve sa shoot no'ng cosmetic products," dagdag ni Miya.

LET ME IN TEARS (COMPLETED)Where stories live. Discover now