Kabanata 32- Done

777 17 0
                                    

Umiwas ako ng tingin at bumuntong hininga. I heard my cousins' giggles like they want what they heard. Tinutukso nila ako gamit ang tingin nila sa akin kaya mas lalo akong namula. Hindi na ako umimik kasi ayaw ko na patulan ang mga pang-aasar nila. I know that this time I can't win. They're good at teasing me to Magen at kahit baliktarin kopa ang lamesa na ito ay hindi ako mananalo.

"Gan'to, paunahan na makarating sa dulo ta's kailangan makuha 'yung red na ribbon na nakapatong sa dulo pero..." pagbitin ni Lami. "Kailangan na by partner then yung isa ay siya ang lalangoy ta's 'yung isa naman ay pabigat lang gano'n. So, papasan or kakapit 'yung isa sa likuran nung lalangoy.

I don't want that idea since they're looking at me and Magen. They look like a push over.

"I don't want to---"

"Ang kj!" sabay sabay nilang sigaw.

Narinig ko ang tawanan ng mga magulang namin. I just take a deep breath and nodded. Alam ko kung sino ang ipapartner nila sa akin dahil humawak na agad sila sa mga kapatid nila. Me and Magen is their target.

"For the prize..." Tito Solomon uttered and smiled. "Just make a wish... sabihin niyo lang ano'ng gusto niyong bagay at bibilhin namin," nagsigawan ang mga pinsan ko sa narinig.

I smiled too, gusto ko magpabili ng designer dress. The game started... naglakad na ang mga pinsan ko pababa ng swimming pool. Alanganin na tumingin sa akin si Magen para bang hindi alam kung ano ang gagawin. I don't want to be his partner but I might destroy the happy atmosphere. Minsan lang kami magkasama-sama and it's a waste if I didn't join.

"Let's go..." mahinang sabi ko tama lang para marinig niya.

Nakapalit na ang mga pinsan kong babae ng rash guard at sila Chave naman ay topless lang at nakasummer short. May mga napapabaling pa sa amin. Walang pag-aalinlangan kong hinubad ang t-shirt ni Magen at mabilis na tumalon sa swimming pool dahilan ng sigawan namin. Nag-angat ako ng tingin kay Magen na naghubad din ng t-shirt at dahan-dahan na bumaba. My eyes darted at his biceps. It looks hot... so hot!

"Gusto mo ba manalo?" tanong niya.

Hindi ko siya pinansin nang naglakad siya palapit sa akin. Hanggang balikat ko ang tubig pero sa kaniya ay halos sa dibdib lang. He lowered himself so I can lift on his back. Ilang beses pa akong napalunok. Paano kung marinig niya ang tibok ng puso ko? Kahit likod niya ay ang attractive.

"Pumasan kana, kaya naman kita. Kaya kitang pasanin... kahit buhay mo ay kaya kong pasanin," he huskily whispered.

Wala akong pag-alinlangan na tumalon at sumampa sa kaniyang likuran. He was good at this, well, his broad shoulder screams a lot pero bakit kailangan may kasamang sweet words pa?! Humawak ako sa balikat niya but he let my arm hug his neck. Basa kami pero bakit parang napapaso ako sa balat niya? Bakit parang ayaw kona bumaba? Bakit parang gusto ko nalang na manatili kaming ganito?

"Honey, hold me tight," he manly uttered.

Nagsimula na ang laro, I was laughing when I saw Denver can't even move while Sele is busy slapping him. Lami is the one na nagsuswimming at ang nakapasan sa kaniya ay si Neejan na nagpapapogi lang. Lami look stress while doing her tricks. I made a middle finger at Chave when he grabs my hair.

"Bullshit, Chave!" mabilis na angal ni Magen na dahilan para matawa ang pinsan ko.

Ngumuso lang ako, hindi naman masakit. Tanga lang talaga 'tong pinsan ko habang si Hailey ay bored na nakatingin sa dulo nitong swimming pool dahil nabagal na ang paglangoy ni Chave. Napapikit ako nang sumisid na si Magen. We swam, I just encircled my arm on his neck while kicking the water. Sa paraan ng pagtama ng aking balat sa kaniya ay parang kinukuryente ako. It's giving me goosebumps.

LET ME IN TEARS (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant