"Tell me first your product" saad nya.

"Oo muna." turan ko.

Napakamot sya sa gilid ng kilay nya habang natatawa.

"Okay." sagot nya at muntik pa kong pumalakpak sa saya dahil naisahan ko ang isang scammer!

Bubwelo sana ako ng salita pero parang nataranta sya.

"Don't tell me, droga ang ino- online nyo?" sobrang oa ng reaction nya.

"Gago ka? Papasampal kita sa Nanay ko ng matauhan ka.... homemade chocolate bars ang product namin." sabi ko.

"O paano ako makakatulong sa inyo dun?" tanong nya.

"Magla- live ka tapos gagamitin natin yang galing mo sa pang scam at yang pagmumukha mo... tapos sasabihin mo lang 'pa- mine na lang po sa may gusto. Comment down below!' ganyan ba." masayang saad ko habang nilalagyan ng magandang feedback ang papel nya. Mukha naman syang mabait at kung magwawalanghiya naman sya sa trabaho dito ay mabilis lang sya maaalis.

Parang naging problemado naman sya ngayon.

"Hindi kaya sakalin ako ng mga magulang ko kapag napanuod nila ako?" tanong nya.

"Hindi yan. Saka sisikat ka naman doon. Saka malay mo maging proud pa sila sayo dahil may marangal kang ginagawa." sabi ko at doon sya napatawa na may kasama pang mura kaya binato ko sya ng isang ballpen na dala ko. Bunganga nito!

"Nababaan ka ba sa sweldo mo dito at nagagawa mo pang mag online business?" usisa nya.

"Hindi noh... talagang kaaliwan lang ni Mama ang iniisip ko dahil dalawa lang sila sa bahay ngayon. At ibig kong makatulong sa kanila para kumita sila kahit maliit habang nasa bahay. Nahihiya kase sila na tumanggap sa amin." sagot ko habang nagsusulat ng magagandang feedback sa kanya. Napatango tango sya.

"Kamusta ang pagrerender mo ng overtime dito?" tanong ulit nya.

"Huh? Nasa contract ko na hanggang 4pm lang ako dito at wala akong overtime...." sagot ko ulit dahil alam ng may ari kung bakit hanggang 4pm lang ako sa trabaho dahil sa kondisyon ko.

Halos mamatay na ko sa takot kapag sasapit na ang paglubog ng araw na syang dahilan ng pagdilim ng paligid.

Hindi safe ang pakiramdam ko kapag ganoong oras na at hindi ko kasama ang pamilya ko.

"Wow! Puro ka kalokohan dito tapos hindi ka pa nagrerender ng overtime...panalo." nakakagagong saad nya na kinatingin ko sa kanya.

"Huwag kang mag alala dahil alam ng mag asawang Altamirano kung bakit hanggang 4pm lang ako...teka nga bakit ikaw na ngayon ang nag iinterview sa akin? Ayos ka...." simangot ko.

"You knew the Altamirano couple but you didn't know their daug--- haist never mind! Okay fine, I'll do that for your Mother. Just for your Mother ayoko ng assuming..." mayabang na saad nya.

Tanga ba sya anong iaassume ko?

Maganda ang credentials nya at mukhang matalino sya kaya alam kong matatanggap pa din sya dito kahit ibagsak ko sya ngayon at saka atleast may makakatulong na kami ni Mama.

"Okay naman magpasweldo si Mama yun nga lang hindi ganun kalakihan pero hindi ka na pwedeng magbackout dahil nakaoo ka na sa akin." sabi ko.

"May isang salita ako at hindi ako scammer gaya ng paratang mo." simangot nya.

"Good!" nakangiting balik ko.

Kaia's POV

Bakit si Callen lang ang alagain sa amin? Ang dami nyang katangahan sa katawan? Sinong normal na tao na ikaw ang may ari ng negosyo tapos matri-tripan mong mag exam at magpa interview para paglaruan yung mga staff nyo?

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now