"Really?It means marunong ka din kumanta kagaya ni Sky?"

He looked at me with his usual smirk.He's confident when he nodded.

"Uhuh,kantahan kita pag chorus na.Gusto mo?"
He offered.

"Sure!"
Sagot ko pagkatapos tumikhim siya.

Magaling siyang sumayaw tapos marunong kumanta?idagdag mo pa ang talino niya!Ewan ko pero excited akong marinig ang boses niya.

When the chorus starts he started singing.

"I should be over all the butterflies but I'm into you, I'm into you
And even baby our worst nights
I'm into you, I'm into you..."

My lips parted.Feel na feel niya talaga niya ang kanta habang kunwaring mina-microphone niya ang nakakyuyom niyang kamay.Ang isa naman niyang kamay ay nasa manibela.Namangha talaga ako sa boses niya.

Namangha ako sa kaniyang boses,hindi dahil maganda ang boses niya kundi dahil muntik ng masira ang tenga ko.Napapikit na lang ako ng mariin at tinakpan ang dalawang tenga.

Elperes!

"Parang awa mo na.Tumigil ka na!Nandidilim paningin sa'yo."
Galit kong sabu.

Napangiwi ako sa kaniya.Akala ko kase maganda ang boses niya kase ang confident niya.Hindi parin siya natigil sa pagkanta.Nagsisisi na akong sumangayon ako.

"Why?Ganda kaya ng boses ko."
Nakangisi niyang tanong.Finally,tumigil na din.

"Ewan ko sa'yo!Hindi ka kagaya ng kakambal mong maganda ang boses mo,duh."inirapan ko siya.

"Napapatili ka ba ng kakambal ko habang kumakanta siya?" Tanong niya.

"Oo!"

"Mas lamang pa rin ako kasi sa ibang paraan kita papasigawin at patitiliin."
Nakangisi niyang sabi.

Agad ko siyag hinampas sa braso.Bastos!Ang kitid kitid talaga ng utak nito!

"Oo na ang galing mo!Ang ganda ng boses mo pero 'wag mo ng ulitin tangina ka."
Nagkibit balikat akong nakatuon sa kalsada.

Lulunukin ko na lang ang yabang niya para matigil na siya.

"Dirty."

I turned to him.

"Malinis kaya ako."

Tinitigan niya ako.

"Don't spit bad words."
Sagot niya kaya nanliit ng mga mata ko.

"Hindi ako santo.Akala mo naman hindi demonyo e nagmumura ka rin naman!"

"Hindi bagay sa'yo."suplado niyang wika.

"Edi sorry!Kala mo naman hindi din nagmumura."
Nakanguso kong sabi at humalukipkip.


Nakarating na kami sa labas ng condo ko kaya pinarada niya ang kotse.Pinagbuksan niya din ako ng pintuan.

"Salamat!"galit kong pagsasalamat kaya natawa siya.

"Sungit!Pero gusto pa rin kita."

Inirapan ko lang siya.Heh!

"Nga pala paki bigay 'to kay Sky,please."
Nakangiti kong sabi.I blinked three times para mag papa-cute sa kaniya.

"Okay."
Nakasimangot niyang sagot.

Nanliit ang mga mata ko.

"Huwag mo 'yang kainin ah!Kay Sky 'yan..."
Pagbabanta ko.

Now,his lips smiled playfully.

"Yeah,I won't eat all of them."
Tinalikuran na niya ako at sumakay na sa kotse niya.

Aba't!

"Elperes!"
Inis kong sigaw pero hindi na niya yun narinig dahil umalis na siya.

Napailing na lang ako at pumasok na sa condo ko.Nag half bath muna ako at nagbihis.Bumungad din ang mga text nila Chess sa messenger ko.Kinamusta nila ako.

Nagulat ako  dahil bumungad ang mensahe ni Sav sa'kin.We're not even textmate kaya nagtaka ako.Dali-dali ko 'yong pinindot.

Sav:

Sup Sasha,can I have a favor?

Sandali akong napaisip bago ko nireplyan.

Me:

Sure!

Kita ko namang online siya kaya mabilis siyang nakasagot.

Sav:

Mas mabuti yatang pag-usapan natin 'to sa personal.Let's meet at the coffee shop if 'di ka busy?

Me:

Wala naman akong masyadong gagawin kaya okay lang.

I changed my clothes at niligpit ang mga kalat ko.Sabi ni Sav na 5:30pm daw kami magkikita.Malapit na din naman kaya nagtungo na ako sa coffee shop.

"Salamat manong."
Sabi ko sa driver at pumasok sa entrance ng coffee shop.

Nilingon ko ang buong paligid baka mas nauna pa si Sav kesa sa'kin.Nakita ko siya kaya agad akong lumapit.Nang nakita niya ako ay ngumiti siya sa'kin.

"Late ba'ko?"
Natatawa kong tanong.Natawa din siya at umiling.

"Bago lang din ako nakarating dito."
Umupo ako kaya magkaharap na kami.Umorder muna siya ng aming kape bago siya nagsalita.

"Sasha,can you help me?"
Panimula niya.

Kumunot ang noo ko.

"Para saan ba?"
I asked.

"Tungkol 'to kay uhm,Skie,I mean si Sky."

Natahimik ako.Gusto kong sabihin na may gusto din ako kay Sky.Na gusto ko ding mapasaakin siya.

"S-sige ba!" Ngumiti ako ng mapait.

Lumiwanag ang mukha niya.

"Talaga?Salamat.Ikaw lang talaga ang masasabihan ko kasi yung kaibigan kong si Reese,busy.Mahal ko talaga siya..."

Naawa ako kay Sav dahil kita ko sa mga mata niya na mahal na mahal niya talaga si Sky pero kung tutulungan ko siya,she'll end up hurting her self.

May girlfriend na si Sky.Ayaw ni Sky na masaktan si Sav kaya palihim ang relasyon nila.




The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now