CHAPTER THREE

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hmm," nangingiti akong tumango. Wala pa man ding ilang minuto ay napakarami na niyang nasabi. She's cute!! "Do you want to eat or drink something? What do you want to have?"

Akmang sasagot si Jamie nang bumukas ang pintong salamin. Agad doong nagawi ang atensyon ko na ikinakunot ko ng noo.

"Daddy!" Masayang anas ni Jamie, agad din siyang lumapit ksy Mr. Stellvester. "Ang bilis n'yo naman?"

"Hmm, we just talked a little." Kibit-balikat na anas ni Mr. Stellvester. Dumako naman ang paningin ko sa boss ko, muntik pa akong mapatalon nang makitang nakatingin siya sa akin!!

Those deep, blue eyes! Ahh help.

Hindi ko alam kung gaano katagal, kung paanong nakatingin lang ako sa asul na mata ng boss ko. Ilang beses din akong lumunok dahilan nang pagngisi niya.

I'm thirsty..

"Aren't you gonna leave my office too, Ms. de Rosas?" Nakapikit ako ng umiling, inalis ko ang sarili ko sa mahabang pantasya. Peke akong umubo at saka ko inilibot ang paningin sa opisina, wala na sila Mr. Stellvester!! Mukhang hindi ko napansin ang pag-alis nila dahil nahulog na naman ako sa asul na mata ng Italyano kong boss. Nakakahiya!!

"I am going to leave too, Sir. I'm sorry." Sa kabila ng pagkataranta ko ay nagawa ko pa ring magsalita ng diretso. Ngunit napakalakas ata ng pakiramdam niya dahil ngumisi siya. Pakiramdam ko ay tinatawanan niya ako sa isip niya. Tch. Nakakahiya talaga.

"Hmm," iyon lang ang sinabi niya. Nanginginig ang tuhod ko sa hindi ko mapangalanang dahilan. Tumalikod ako sa kaniya at saka ko pilit tinungo ang glass door. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin na mas lalong nakadagdag sa kabang nararamdaman ko. Bakit ako kinakabahan? Gosh.

Maybe because I like him or because I have this sexual desire towards him. Darn.

Nang mahawakan ko ang handle ng pinto ay ilang segundo pa akong tumigil, naghihintay sa sasabihin ng taong alam kong nasa likod ko lang. Ngunit isang minuto na ata ang lumipas pero hindi pa rin siya nagsasalita. Marahil ay imahinasyon ko lang na may gusto siyang sabihin. Siguro ay dahil sa pagpapantasya ko sa kaniya kaya kung ano-ano na lang ang nai-imagine kong gagawin niya na sa totoo lang ay napaka-imposible... o hindi?

Lakas loob akong umikot, dahilan nang pagsinghap ko nang mapagtantong sobrang lapit lang ni Mr. Mancini sa akin!

Dammit. I am really drowning. Wala naman siyang ginagawa pero dalang-dala ako. This is so unfair, Mr. Leandro Mancini!

"Ah, what are you doing to me, Veronica?" With deep voice, he asked me, running his hand through his black hair. Sobrang sarap sa pandinig kapag binabanggit niya ang pangalan ko. Samantalang kapag sa ibang tao ay hindi ko nakikitaan ng espesyal sa tuwing naririnig ko ang 'Veronica'.

Napasinghap ako kasabay nang pagsandal ko sa pintong salamin nang isang hakbang lang ay mas lumapit siya sa 'kin. Tangin malalim na paghinga at tunog ng wall clock ang namumutawing tunog sa buong tahimik na opisina. "W-What did I do?" Naiiling na tanong ko. Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit 'yon ang tinanong ko, samantalang sa paraan pa lang nang pagsasalubong ng paningin namin ay nasisigurado kong nagkakaintindihan kami.

Paano? Hindi ko rin alam.

"You want me." Puno ng kasiguraduhang anas niya. Walang bahid na tanong na para bang alam na alam niya kung anong tumatakbo sa isip ko o kung ano mang nararamdaman ko.

Muling dumagundong nang malakas ang dibdib ko nang mas lumapit pa siya sa 'kin. Mas naamoy ko ang panlalaki niyang pabango na halos yakapin na ako.

"Yes," halos wala nang boses na sagot ko, "I do." I do want you.

Master of my InfernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon