Napa-awang ang labi ko.

"Jersey, I know I royally fucked up before but I—"

"Sorry," sabi ko. Huminga ako nang malalim. "Ilang beses ka ng humingi ng tawad sa nangyari dati," dugtong ko at saka tumitig sa kanya. "Pero hindi mo naman kasalanan lahat. May kasalanan din ako. Choice ko na hindi sabihin sa 'yo agad iyong sa—" Agad akong napa-hinto at napa-buntong hininga.

Tumingin ako sa kanya.

"Nikolai... walang nangyari sa amin ng tatay mo... Naniniwala ka ba sa 'kin?" tanong ko sa kanya. Alam ko na magkaka-balikan kami... pero alam ko rin na bago mangyari iyon, dapat ko munang malaman na naniniwala talaga siya sa akin—na walang kahit na anong nangyari sa aming dalawa ng tatay niya. Kasi kapag hindi, alam ko na mauuwi lang din sa dati...

Iyong hahawakan niya ako.

Tapos mapapa-hinto siya.

Kasi iyon at iyon lang din ang maaalala niya.

Ayoko lang sumubok ulit kami tapos mapapa-tigil dahil sa parehong dahilan.

"Yes," sabi niya. Hindi ako nagsalita. Naghintay ako sa susunod na sasabihin niya. "Yes but... can we not discuss that now?"

Umiling ako. "Kapag hindi natin pinansin... mauulit lang 'yung dati."

"Do we have to discuss that now?" Tumango ako. "Why?"

"Gusto ko lang na maging maayos tayo."

"Aren't we okay now?"

"Hindi ko alam."

"We're fine now."

"Pero hindi kagaya nung dati."

Tumingin siya sa harap niya. Inilagay niya iyong mga kamay niya sa manibela at humigpit ang hawak niya roon. "A lot of things changed, Jersey, of course we're not like before," tahimik na sabi niya. "I'm a lot calmer now—you're more... self-assured in a different kind of way. We're both different, but still the same. I still love you, but it's different now."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"I talked about our break-up."

"Kay Vito?"

Natawa siya. "No," agad na sagot niya. "I love my friends, but they're the last person I'd ask for advice when it comes to you."

Bahagyang napa-awang ang labi ko.

At natawa.

"Grabe ka naman."

Naka-ngiti iyong mga mata niya. "I admit, academically speaking, they're better—"

"Matalino ka rin," mabilis na sabi ko sa kanya dahil ayoko na iniisip niya na bobo siya.

"I'm fine," sagot niya na naka-ngiti. "I don't care if they're smarter—I'd rather be luckier in other aspects," dugtong niya at saka tumingin sa kamay ko. Huminga ako nang malalim at inabot ang kamay niya. Naramdaman ko iyong marahang pagpisil niya roon.

"I'm sorry if I can't talk about that now," mahinang sabi niya. "But when I'm ready, trust me, you're the only person that I'll discuss that with."

Hinigpitan ko iyong hawak sa kamay niya.

"Hindi sa therapist mo?"

"Nah... I don't discuss family matters with other people—even with my therapist."

Umangat ang kilay ko. "E bakit sa 'kin?"

Parang sumikip iyong dibdib ko sa paraan ng pagtingin niya. Ang lalim. Parang kaya niyang basahin iyong pinaka-tatago kong mga sikreto.

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon