"Wow, umurong 'yong ihi ko. Promise, parang pang-teleserye 'yon," ani Allestair.

"Ang sabihin mo, movie. Anong teleserye? Minsan parang hindi matino 'yan, pero mabait naman," dagdag ni Jiovanni sa sinabi ni Allestair.

Sa aming pagpapatuloy ay may nakasalubong kaming kalesa na may sakay na magkasintahan. Narito na kami sa Vigan. "'Yan talaga ang bubungad sa akin dito?" Napabuntong-hininga si Jiovanni.

"Bakit? Ano ba'ng gusto mong makita rito, UFO?" mapang-asar na sagot ni Allestair. Kunot-noo namang humarap si Jiovanni sa kaniya.

"Hayaan mo na, nawalan kasi ng girlfriend," bulong ko kay Allestair. Agad namang inilapit ni Jiovanni ang kamay niyang nakaambang mamimitik. "Aray! Totoo naman 'yon, ah," reklamo ko nang pitikin niya ako sa tainga.

"Hinaan mo kasi, hindi 'yong rinig na rinig ko ang ibinubulong mo," pagsusungit niya.

"Oh, magtatalo pa, bakit hindi na lang tayo sumakay sa kalesa mamaya? Tatlo tayo, kasya naman tayo, 'di ba?" suhestiyon ni Allestair.

"Kailangan natin 'yong large-sized kalesa," mabilis kong dagdag sa sinabi niya. Mabilis ding lumapit ang kamay ni Jiovanni sa tainga ko sabay pingot dito.

Nakangiti akong tumawa at 'di pinansin ang masakit kong tainga. Itinuro ko ang tumbler kaya iniabot naman iyon sa akin ni Allestair. Kasalukuyan akong umiinom nang binigla ni Jiovanni ang pagpreno. Halos maligo ako ng malamig na tubig. Bumuhos ang kalahati ng laman ng tumbler ko sa akin.

"May lubak kasi, 'di ko napansin, ayan tuloy, natapunan ka," tatawa-tawang sabi ng bugok naming driver.

Inosenteng lumingon si Allestair sa daan. "Wala namang lubak, ah. Maayos 'yong daan, kahit tingnan niyo pa," aniya.

Nagkatinginan lang kami ni Jiovanni at pareho kaming natawa kay Allestair.

"Uto-uto ka naman kasi. Naniwala ka talaga na may lubak?" Napakamot na lang si Jiovanni sa ulo.

"Medyo oo, medyo hindi. Ngayon, kayo na ang bahalang mag-isip kung oo o hindi. Gets niyo ba ang sinasabi ko?" magulong sagot ni Allestair na sinundan pa niya ng tanong.

"Ang sagot sa tanong na 'yan, hindi ko alam," nang-uutong sagot ni Jiovanni.

"Ang daldal mo, tutulian kita, sige," si Allestair.

Pagkatapos n'on, nagtuloy-tuloy ang biruan nilang dalawa pero hindi ako nakisali. Hinayaan ko lang silang dalawa na magtalo. Basta ako, nakadungaw lang sa bintana. Masasayang ang pagpunta namin dito kung hindi ko susulitin.

"Kill joy talaga kahit kailan!" malakas na parinig ni Jiovanni.

Hindi ako kumibo. Inaatake yata ako. Introvert na naman ako. I have this trait na hindi namamansin kapag naka-focus ako sa ibang bagay lalo na kapag may inoobserbahan ako o kaya naman ay nalilibang ako.

Out of nowhere, parang na-hypnotize ako. Medyo nagdilim ang paningin ko at wala akong ideya kung bakit nangyayari 'to. Shocks! Bakit biglang kumirot ang ulo ko? Pinilit kong 'wag sumigaw dahil ayaw kong may nag-aalala para sa akin. I used to be an introvert before, which made me act like this until now.

"Shit!" Aksidente akong napasigaw nang mas kumirot pa ang aking ulo.

Sabay na napaharap sa akin sina Allestair at Jiovanni. "Ano'ng nangyayari sa 'yo?" natatawang tanong ni Allestair.

Nag-full stop agad si Jiovanni at tumakbo papunta sa passenger seat. Alam kong alam niya na hindi normal itong nangyayari sa akin dahil mas kilala niya ako kumpara kay Allestair.

Pagbukas niya ng pinto ay bigla akong napapikit. Ramdam na ramdam ko ang kirot at sakit ng ulo ko. Hinawakan ako ni Jiovanni sa balikat at bigla akong nakarinig ng boses ni Blythe.

"Tulungan mo ako!" Tila nagmamakaawa ang babaeng may-ari ng boses na iyon.

"Sinusumpong na naman siya ng panibagong episode ng imagination niya," malumanay na sabi ni Jiovanni kay Allestair.

Pagkatapos n'on ay nakatulog na ako at gaya ng dati, buhay na buhay pa rin ang diwa ko kahit nananaginip na ako.

May isang babaeng tumatakbo habang buhat-buhat ang isang basket. Muntik na namin siyang masagasaan, pero mabuti na lang at nakapagpreno kaagad si Jiovanni. Nang makita ko ang mukha ng ale, tila nangungulila siya at malungkot. Halo-halo ang emosyong makikita sa kaniyang mga mata.

Nag-unahan kaming bumaba at nagpunta sa kaniya. "Okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Jiovanni sa ale. Tumango siya kaya nawala ang bigat sa aking dibdib.

"Salamat," aniya nang tulungan ko siyang tumayo. Pero bigla siyang napaupo sa sobrang gulat, na hindi namin alam kung ano ang dahilan.

Inalalayan siya ni Jiovanni na tumawid sa kalsada. Inabutan niya kami ng tig-iisang tinapay na nasa loob ng kaniyang basket. Paninda raw niya ang mga 'yon kaya hindi na namin tinanggap. Ganitong-ganito ang nangyari nang makita namin ang lalaki kanina. Coincidence lang siguro.

"Hindi po, paninda niyo po 'yan. Tulong po namin 'yon, hindi niyo po kami kailangang bayaran," paliwanag ko saka ibinalik sa basket ang mga tinapay.

Ngumiti siya sa akin at saka naglakad paalis. Pagbalik namin sa sasakyan, biglang may mabilis na kotse na bumangga sa akin.

"Kielvinson!" sigaw ni Jiovanni.

"Ano'ng nangyari?!" Napasigaw rin ako sa gulat.

"May nasagasaan ba tayong ale?!" Nanlalaki ang mga mata ni Allestair.

"Shit, shit, shit! Teka, bababa ako," nagmamadaling sabi ni Jiovanni bago bumaba ng sasakyan.

Hindi ko nagawang bumaba ng sasakyan dahil napaisip ako nang malalim. Sumunod na rin naman si Allestair para tulungan ang ale.

Sobrang gulo, bumabalik na naman ang mga panaginip kong ganito. Kasalukuyan kong napapanaginipan 'to, at nang magising ako, nangyayari ang panaginip ko sa kasalukuyan-muntik naming masagasaan ang ale. Napailing ako para pigilan ang sarili ko na mag-overthink.

Bumaba na rin ako at nakitang itinatayo na ni Jiovanni ang ale. Natigil ako sa paglakad nang makita ko na ang babae at ang ale sa panaginip ko ay iisa. Pareho ng suot at hitsura-lahat. Lumapit ako sa babae ngunit kapansin-pansin ang pag-atras ni Allestair.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Jiovanni nang biglang umalis si Allestair at tumakbo palayo. Naiwan si Jiovanni kasama ang ale samantalang tumakbo naman ako para habulin si Allestair. Pumasok siya sa isang lumang bahay na kapareho ng bahay nila sa panaginip ko noon. I'm literally back. Sa bahay na ito nangyari ang lahat ng masama at mapait na dinanas ni Allestair, na nakita ko sa panaginip ko.

"Kuya!" Narinig ko ang malakas niyang sigaw habang umaakyat ako sa hagdan.

Mabagal akong naglakad papunta sa kuwarto kung saan siya naroon. Nakita ko na nakabukas ang cabinet na pinagtaguan niya noon. Nagkalat ang mga tela at mga damit sa kuwarto. Humahagulhol siya at tila nangungulila sa kakambal niya. Ilang minuto rin siyang naghahanap ng kung ano sa loob ng cabinet na iyon habang nasa likuran niya ako. Pinagmasdan ko na lang siya.

Nakakaawa at nakahahawa ang paghikbi at pag-iyak niya. Isang minuto pa ang lumipas, nakita na niya ang damit na hinahanap niya. Alam ko na damit iyon ng kakambal niya dahil niyakap niya iyon nang napakahigpit kasabay ng pagbuhos ng kaniyang luha.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Nanginginig siya at patuloy sa pagluha kaya umupo na rin ako sa sahig at tumabi sa kaniya. Naiintindihan ko kung bakit ganoon na lang ang pagluha niya dahil nakita ko kung anong klaseng nakaraan ang mayroon siya.

"Damit 'to ni... ni kuya," pahikbi-hikbi niyang sabi sa akin. "Inilagay niya noon dito sa cabinet para kapag nagtago ako, mayayakap ko siya kahit sa pamamagitan lang ng pagyakap ko sa damit niya," aniya.

Tinapik ko ang kaniyang balikat para mapagaan ang loob niya kahit sa simpleng paraan lang. Pagkaraan ng ilang sandali, tumayo na siya at pinulot ang iba pang mga damit na nakakalat sa sahig, halos lahat ay punit-punit. Naglakad siya palabas ng kuwarto dala ang mga damit na kinuha niya.

"Tara na, hahanapin pa natin siya." Bumaba na si Allestair at sinundan ko naman siya, pero biglang may nagsalita sa likuran ko. Boses ng isang lalaki ang narinig ko.

"Allestair? Ikaw ba 'yan?"

The Night We Met in IntramurosWhere stories live. Discover now