Nasanay na rin ako sa company ni Doc Patrick. Pero kahit naka-dalawang buwan na niya ako nililigawan hindi ko pa rin nararamdaman sa kaniya ang nararamdaman ko kay Elliot.

Si Elliot na naman! Lagi na lang siya.

Pagkatapos ng lunch break ay inabala ko ang sarili ko sa trabaho. Nag-focus ako sa trabaho at kinalimutan na nakita ko si Elliot kanina.

Patapos na ang shift ko nang utusan ako ni Mam Tess, na head nurse namin na kunin sa stock room ang supplies ng surgical masks at hand gloves, hindi raw kasi pumasok ngayon ang maintenance namin, kaya nakiusap na muna sa akin.

Papunta sa supplies room ay muli kong nadaanan ang conference room. Tumanaw ako sa pinto, nagbabakasakali lang akong makita ko siya.

Pero hindi ko naman siya nakita. Nagpatuloy lang ako sa pupuntahan ko.

Napakamot ako ng ulo nang makita ko ang supplies na kukunin. Tig limang box ng face mask at gloves. Hindi naitali pero naka-secure naman ng tape. Inipit ko iyon sa magkabilang  braso ko.

Sa liit ko ay halos natabunan na ako ng mga supplies na bitbit ko. Pero magaan naman kaya ayos lang.

Padaan akong muli sa conference room. Nang malapit na ako sa main door nito ay narinig ko ang pag-ingit ng pinto, pero hindi iyon ang umagaw ng pansin ko. That familiar natural and cologne scent. I knew who owned that.

I missed it...

Sa sobrang wala na ako sa focus habang lumalakad ay nahulog ko ang mga bitbit ko. Mabilis akong yumuko para damputin iyon. But I saw a set of familiar hands picking up the supplies.

"Are you okay?" Pakiramdam ko ay biglang huminto ng saglit ang mundo ko nang marinig ko ang boses na iyon.

I missed that...

Dahan-dahan kong inangat ang paningin ko. I met a set of grey eyes. Mababanaag sa mata niya ang gulat.

Biglang kumabog ng mas mabilis ang dibdib ko.

"Max, are you okay?" Ulit niya sa tanong niya. He called me, Max. Hindi na baby.

Ano ba Maxene? Anong ine-expect mo? Walang kayo!

Saway ko sa sarili ko.

"A-ayos lang ako. Salamat." Inalalayan niya na ako sa pagtayo at inabot ang mga nahulog na supplies. Buti ay nakakapit pa rin sa pagkaka-tape ang bawat box. Kaya madali ko muling nabuhat.

Tumango na ako sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad. Pero ang totoo isang bahagi ng puso ko ay gustong tumakbong pabalik sa kaniya para yakapin siya.

Iba ang itsura niya ngayon, nagpatubo siya ng bigote at balbas. Nagmukhang matured tuloy ang itsura niya.

Napabayaan niya ba ang sarili niya noong wala na ako? Naalala ko na ako ang nag-aahit ng bigote at balbas niya kapag day-off ko. Kapag busy raw siya ay nalilimutan niyang mag-ahit ng bigote at balbas.

Nang makalayo ako ng kaunti ay lumingon ako, nakatalikod na si Elliot. Nalungkot ako, kasi umasa ako na sinundan niya ako ng tingin o kaya naman ay sinundan niya ako para mag-usap.

Tama na ang ilusyon, Max! Kung may halaga ka sa kaniya matagal ka na niyang kinausap.

"Nurse Max! Ayos ka lang? Halos takpan ka na pala ng mga supplies na pinakuha ko. Sorry." Salubong sa akin ni Mam Tess.

"Ayos lang po, magaan naman." Nakangiting sagot ko.

"Out ka na, Nurse Max, paalam ka na sa masugid mong manliligaw." Kinikilig pang sabi niya.

Napailing na lang ako. Hindi ko pa rin alam kung paano sasabihin kay Doc Patrick na sa dalawang buwan ay hindi ko siya mapagbibigyan. Ayoko rin kasing umasa siya.

Elliot's Bed Warmer : ZBS 2Where stories live. Discover now