"May gusto ka pa bang bilhin?" Baling ko sa kaniya. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Bigla siyang umayos ng pagkakatayo at sumeryoso ang tingin.

"What was it?" Tanong niya. Mukhang wala sa sarili ang isang ito.

"I was asking you, if you need anything else." I smiled at him.

"You know that you are more than enough." Ngumisi siya pagkasabi noon. Flashing his perfect set of white teeth.

"Tigilan mo ako, Ellie, we are on the supermarket." Alam ko na ang tumatakbo sa isip niya, na kung nagkataong nasa bahay lang kami, paniguradong may mangyayari.

"Ang dami mo nang binili, wala naman ako next week at nasa ospital ka halos araw-araw." Komento niya na bumalik sa kaserysohan niya.

Aalis siya next week, at matatapos na rin ang six months contract.

"Stocks." I replied. Lumakad na ako at naghanap ng idadagdag sa grocery cart. Naramdaman ko ang pagsunod niya habang tulak ang cart.

***

After our grocery, Elliot drove somewhere. Halos isang oras na kami sa byahe nang maisipan kong magtanong.

"Saan tayo pupunta Ellie." I asked him.

He gazed at me and said. "You'll find out later." Then he flashed again his perfectly set teeth for a smile. Napakagwapo niya lalo kapag ngumingiti. Sa taong kagaya niyang madalang ngumiti, nakakagaan ng loob sa tuwing makikita mong may ngiti sa labi niya. Muli kong naalala ang sinabi ni Mamita, na ako ang nagpabalik sa mga ngiti ni Elliot sa labi.

Kahit sa ilang buwan na nagsama kami ay napangiti ko siya. Nakramdam na naman ako ng lungkot at pagsikip ng dibdib nang maalalang matatapos na ang lahat sa susunod na linggo. Nasa ganoon akong pg-iisip nang magsalita si Elliot.

"We're here." Napatingin ako sa kaniya at sumilip sa labas. Pinilit ko ang ngumiti.

"Nasaan na ba tayo?" Nasa mataas na bahagi kami, dahil tanaw sa labas ang City lights.

"We will have our dinner here. Let's go." Lumabas na si Elliot, inayos ko muna ang sarili ko at sinilip sa camera ng cellphone ko ang itsura ko kung ayos. Pinagbukas ako ni Elliot ng pinto.

"Let's go, baby." He said. "Don't worry, you are beautiful." Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Ako beautiful?

"Come on!" Tumayo na ako at inabot ang kamay ni Elliot na nakalahad sa harap ko. Inalalayan niya ako pababa ng pick up niya.

Naka-abrisyete ako sa braso niya hanggang sa makapasok kami sa loob ng isang eleganteng restaurant.

"Good evening, Ma'am and Sir." Bati sa amin ng isang babae.

"Good evening." Seryosong bati ni Elliot.

"Do you have a reservation, Sir?" Tanong ng babae.

"Yes." Sagot ni Elliot. "For Miles Zaragoza." Sumulip ang babae sa listahan. Kasama kaya namin ngayon si Miles?

"This way, Sir." Giniya kami ng babae sa pupwestuhan namin. Ipinaghila ko ni Elliot ng upuan, pang dalawahan naman ito. Pero curious ako kung bakit kay Miles nakapangalan ang reservation.

"Kasama ba natin si Miles?" Tanong ko sa kaniya nang makaupo na siya.

"Nope." Mabilis na sagot niya habang sinipat ang menu.

"E bakit sa kaniya ang reservation?" Usisa ko pa habang tinitignan ang menu.

"He suggested the place, so I asked him to book us here." Tumingala ako at hindi ko napigilan ang tumawa.

Elliot's Bed Warmer : ZBS 2Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt