IP6

82 8 3
                                    

-Ravi-

"Good morning Ma'am Ravi" bati sa akin ng mga empleyado ko ng pumasok ako sa shop.

I've own Messy Sweets, my shop has chocolate chips, pastries, cake or costumized cakes. May mga delivery din kami na pwedeng magdala ng order nila.

Two years after I bought my own house, I've been able to build this shop. At first maliit palang siya. Puro pastries lang ang meron. Ang empleyado ko lang noon ay tatlo. Isa sa counter, isa sa pagkuha ng orders at isa yung katulong ko sa pag gawa ng pastries.

Magaan lang ang trabaho pa namin noon dahil nagsisimula palang kami pero pagkalipas lang limang buwan ay nakilala na ang shop ko. May page na din ang shop kaya mas marami na ang customer namin na nagpap-deliver.

Lumago ang shop ko at may second floor na ito. Bukod sa pastries ay may coffee, shake at juice na din. Ang mga employee ko at dumami na din kaya hindi na ako tumutulong sa kanila. Minsan nalang at minsan din ay ako ang nagtuturo sa kanila na panibagong pastries.

Mainam at lahat ng empleyado ko ay napagkakatiwalaan ko. Maganda ang tratuhan namin dito. We always celebrate some special occasions and holidays. We also celebrate their birthday and I give some small present to them. Simula nung umpisa hanggang ngayon ay walang umalis sa kanila. Nadagdagan dahil may ibang nag aapply kahit janitor o janitress lanf dahil wala silang trabaho kaya kinukuha ko sila. I've been there. I know what they feel. Alam ko kung gaano kahirap ang walang trabaho kaya hindi ako nagdadalawang isip na kuhanin sila.

Sila ang bago kong pamilya. At masaya akong kasama sila.

"Good morning din" I greeted them back. It's still early yet my employees were doing their job.

Tumulong din ako sa pag gawa ng mga patries and chocolate chips para my stock.

Masaya akong ginagawa 'yon kasama sila. Hindi ko napansin ang oras kaya ng magtanghali ay inaya ko na silang kumain. Masaya din kaming kumain at nagkwentuhan. This small scenario in my day makes me alive and breathe.

Hapon na pero may mga customers pa din. Marami pang tao sa shop kaya Hindi napapahinga ang empleyado ko.

Napansin ko isa kong empleyado na nakaupo na habang hawak ang mop. Isa siyang janitress ko may katandaan na. Kumuha ako ng juice at lumapit sa kaniya. Nagugulat siyang tumayo

"Ma-am sorry po. Magtatrabaho na po ako" aligagang Sabi niya

"No. Sige umupo ka muna. Ito ang juice" Sabi ko at inabot sa kaniya. Alangan niya pang kinuha 'yun kaya nginitian ko siya.

"May katandaan na kayo. Bakit nagtatrabaho pa kayo?" Sabi ko. Nakaupo kami at nakaharap ako sa kaniya.

"Hindi p'wede ma'am. Hindi kami mabubuhay" Sabi niya. Mapait akong mapangiti sa sinabi niya. Just how hard for them to live everyday thinking how did they survive and what will gonna happen tomorrow.

"Bakit naman?" Tanong ko

"Ako nalang ang bumubuhay sa mga anak ko. Pumanaw na ang asawa ko. At hindi ko naman papayagang hindi makapagtapos ng pag aaral ang mga anak ko" humugot ako malalim na paghinga sa sinabi niya.

"Kaya sobrang pasasalamat ko ho nang sabihin niyo noong gagawin niyo scholar ang dalawa kong anak. Maraming salamat Ma'am" nakangiti pang sabi niya. Kitang kita ko ang sinseridad sa boses niya kaya hinawakan ko ang kamay niyang nakalapag sa lamesa

"Maswerte ang mga anak niyo dahil mahal na mahal niyo sila" Sabi ko

"Sobra ma'am. Sila ang buhay ko. Nabuhay ako ng masaya simula ng dumating sila sa buhay ko. Kahit pa gaanong kahirap ang buhay namin, kapag naririnig ko silang tumawa ay lumulundag ang puso ko" nakangiting Sabi niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko ng mahulog ang kanina ko pang pinipigilang luha

My Intersection Point Love Story(COMPLETED)Where stories live. Discover now