Kabanata 6

79 28 284
                                    

LOVE ME TILL THE END |CS#3
Kabanata 6

"Pen sa'n ka?" Napangiti ako habang nakatingin kay Tin na tumigil sa paglalaro ng volleyball. Natigil din si Matt sa paglalaro at tumingin sa akin.

"Oo nga, saan ka?" si Matt.

"Ah sa may faculty ng cookery. Magbi-bake."

"Na naman? Hindi kaya pagalitan ka na ng mga senior natin?" Ngumiti ako't umiling sa kaniya.

"Hindi naman siguro, magbi-bake lang naman ako Tin." Tumango naman siya sa akin.

"Okay sige. Lagi ka namang nagbi-bake ro'n. Kilala ka na, laro na ulit ako Pen!" Kumaway naman ako saka dali-daling pumunta sa kusina ng school namin. Dito ako madalas tumambay, nag-iisip kung anong magandang i-bake.

Kumuha ako ng mga sangkap at ni-ready lahat yun sa lamesa para hindi na ako mahirapan. Nang maayos ko ang lahat ay nagsuot ako ng apron at nagsimulang paghaluin ang mga sangkap. Kasalukuyan akong naglalagay ng harina sa bowl nang biglang may pumasok sa kusina't naging dahilang upang matapon ang harina't nalagyan ang mukha ko kaya napaubo-ubo ako.

"Oh! Hi ganda!" Kumunot ang noo ko't tiningnang mabuti ang pumasok. Nakaupo na siya at sumisilip sa maliit na bintana ng kusina na parang may tinataguan.

"Sino ka?" Bumaling na siya sa akin, akala ko'y sasagutin niya ang tanong ko ngunit ngumiti lang siya sa akin at muling tumingin sa bintana na parang may chini-check at nang mukhang makampante siya't muli niya akong nilingon saka tumayo't lumapit sa akin.

Sunod-sunod ang paglunok ko habang siya'y patuloy pa rin sa paglapit sa akin hanggat sa tumama ang likod ko sa matigas na bagay kaya napadaing ako. Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil nasa harapan ko na siya.

"S-Sino ka?" pag-uulit ko sa tanong ko.

Muli siyang ngumiti't nanlaki ang mata ko nang yumuko siya at biglang hinaplos ang ilong. Napalunok tuloy ako sa laway ko ng wala sa oras.

"Kentrey," saad niya. Nagtama ang tingin namin sa isa't isa ng iangat ko ang ulo ko habang nakakunot ang noo saka ko hinawakan ang ilong kong hinaplos niya.

"A-Ano.."

"May ​harina ka sa ilong. Inalis ko lang." Naiilang akong tumango sa kaniya.

"Salamat." Muli siyang ngumiti sa akin at nagtungo sa mga gamit ko't mukhang chini-check niya pa kung anong ginagawa ko.

"Anong bini-bake mo?" nakangiti pa ring tanong niya, kaya ngumiti na rin ako sa kaniya at lumapit sa gawi nito.

"Cake, gagawa ako ng cake." Bumilog ang bibig niya habang tumatango-tango.

"I like sweets." Lumaki ang mata ko dahil sa narinig ko galing sa kaniya habang nakangiti pa rin. Para bang sa inakto ko'y nakarinig ako ng magandang balita't first time lang ito sa buhay ko.

"Talaga? I love to bake!" ganadong sabi ko. Isinandal naman ni Kentrey ang kamay niya sa lamesa habang ang buong atensyon niya'y na sa akin, dahilan kung bakit naiilang ako habang kumukuha ng panibagong harina.

"Bakit ka nakatingin?" tanong ko matapos kong ilagay ang harina sa bowl.

"Wala lang, titingnan ko ang skills mo." Tumawa ako saka nagpatuloy sa ginagawa ko. Sa bahay kasi hindi naman p'wedeng lagi akong nagbi-bake lalo na't bawal sa mga kasama ko sa bahay ang sobrang matamis, kaya grabe na lang ang tuwa ko ng malaman kong mahilig pala ang lalaking ito sa matamis.

Love Me Till The End (Centeo Series #3) Where stories live. Discover now