Kabanata 3

81 28 181
                                    

LOVE ME TILL THE END | CS#3
Kabanata 3

Tomorrow, morning. .

PUNONG puno ng ingay ang umaakupa ngayon sa ground, nagi-inspect ngayon ang mga teacher sa gamit namin kung may mga dinala ba kaming ipinagbabawal nila. Ngayon na kasi ang field trip namin, wala kaming idea kung ano ano ang mga gagawin kaya mas lalo akong nakakaramdam ng excitement. Ang suot ko ngayon ay long sleeve na dirty white at pinarisan ko ito ng stripe na palda. Naglagay din ako ng clip sa gilid ng buhok ko't bumagay naman iyon.

Habang nag-iintay kami sa teacher na magchi-check ng mga gamit namin, naisipan muna namin nila Tin na kumuha ng pictures at makipag-asaran sa mga kaklase namin. Panay ang tawa ko dahil nagtatalo si Tin at Matt kung sino ang tatabi sa akin, may mga kaklase rin akong nakikisali sa pagtatalo ng dalawa kaya lalo akong natatawa dahil na rin sa kakulitan nila.

"Ako ang tatabi kay Pen!" bulyaw ni Tin habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa kaniyang bewang at salubong ang kilay.

Ngumuso si Matt. "Sa'kin siya tatabi," tugon niya. Napailing-iling na lang ako sa kaingayan nila hanggat sa kami na nga ang sunod na pinuntahan ng mga teachers namin para isa-isahing i-check ang mga bags namin. Matapos non ay pinasakay na kami sa bus, sa huli ay si Matt ang nakatabi ko.

"Inaantok ka ba? Tulog ka muna Pen, p'wede mo kong sandalan kapag inaantok ka."

"Salamat Matt, medyo napagod ata ako sa tinapos ko kagabi."

Kumunot ang noo niya saka ito humarap sa akin. "Anong ginawa mo?"

"Ah! Actually 'di pa tapos, may tatapusin kasi akong group works para sa cooking club namin." Napatango-tango si Matt saka niya tinapik ang balikat niya.

"Tulog na, gigisingin na lang kita kapag nandoon na tayo."

"Ah huwag na—" Nanlaki ang mata ko nang isandal niya ang ulo ko sa balikat niya. Dinungaw ko siya, ngumiti lang siya sa akin na parang sinasabi niya na ayos lang sa kaniya.

"Magpahinga ka na Pen, alam kong pagod ka."

Napangiti ako bago ko dahan dahang ipinikit ang mga mata ko't hinayaan ang sarili kong maging kumportable sa kung anong posisyon ng katawan ko ngayon.

Ilang oras din ang tinagal ng tulog ko, bali ilang oras din ang nagdaan bago namin tuluyang marating ang distinasyon namin. Gaya ng sabi ni Matt ginising niya nga ako. Nang makababa kami sa bus ay pinapila muna kami para ayusin ang mga magkakasama sa kwarto, tapos nagkaniya kaniyang kuhaan ng pictures dahil sa ganda ng view ng mga bundok dito.

Abala ang lahat sa kung anong mga ginagawa nila, si Matt ay nakikipagjamming sa mga iba pa niyang kaibigan. Habang si Tin naman ay nakikipaglaro ng volleyball. Tapos ito ako, gumagawa ng group report namin. Dinala ko talaga 'to para matapos ko na. Unti na lang naman kaya sure akong makakapag-enjoy pa ako mamaya.

"Busy?" Natuon ang atensyon ko sa nagsalita. Sa paglingon ko ay doon ko nakita si Kentrey na may dala-dalang pagkain. Inilapag niya ang dala-dala niyang puto at ice tea sa gilid ko bago siya naupo.

"Ano 'to?" ako.

"Pagkain, baka gutumin ka kasi." Naibaba ko ang mukha ko dahil bigla na lang nag-init ang mukha ko. Sana naman 'di niya nakita 'yun.

"Bakit ka nakayuko? You don't like puto? I can't get a ne—"

Inangat ko ang ulo ko dahilan para matigil si Kentrey sa pagsasalita.

Love Me Till The End (Centeo Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon