Kabanata 11

59 21 124
                                    


LOVE ME TILL THE END | CS#3
Kabanata 11

"Matt, puntahan natin si Kentrey.."

Agad siyang tumango at inihanda ang sasakyan habang ako nama'y nakatingin pa rin sa kalsadang dinaanan ng sasakyan ni Kentrey. Maski ako ay gulat, hindi ko alam kung totoo ba iyon at kung totoo man.

Bakit hindi niya nasabi sa akin?

Iyan ang unang nabuong tanong sa isipan ko ng mabasa ko ang article na iyon, bakit hindi niya sinabi iyon sa akin noong kami pa? Nahinto ako sa pag-iisip ng maiparada na ni Matt ang sasakyan niya sa harapan ko. Agad akong sumakay doon.

"Saan tayo?" tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot, wala akong clue kung saan pupunta si Kentrey. Tanging bahay niya lang ang alam ko.

"Sa condo ko na lang Matt."

"Ha? Bakit sa condo mo?"

Nilingon ko siya. "Magkatabi ang condo namin Matt, baka roon siya pumunta. Maski ako walang clue kung saan siya pupunta. Iyon lang ang tanging alam ko," mahabang salaysay ko. Tumango naman siya sa akin.

"Okay sige, pero paano kung wala siya ro'n?"

Napabuntong-hininga ako sa tanong niya. Hindi ko alam, hindi ko rin alam.

"Ewan ko, Matt.."

Ang pag-uusap naming iyon ay hindi na nasundan pa, tahimik na lamang kami habang nasa kasagsagan ng byahe. Nakatingin lamang ako sa bintana habang iniisip kung napa-pa'no na si Kentrey, si Matt nama'y nasa daan lang ang pokus.

"Pen, nandito na tayo." Tumango ako sa kaniya bago lumabas, muli ko lamang siyang hinarap ng bumukas ang bintana ng sasakyan niya.

"Hihintayin pa ba kita rito?" siya.

Nakangiti akong umiling. "Hindi na, hindi naman ata alam ng iba na rito siya nakatira. Saka 'di ba may byahe ka bukas? Baka malate ka, sisihin pa ako ng mga chicks mong flight attendant." Mahinang tumawa si Matt habang umiiling-iling sa akin.

Kunwari pa siya, totoo naman. Kapag talaga piloto, nagiging babaero. Mahina akong natawa sa naisip ko, naalala ko ang kaibigan ni Venus na si Ate Shyna. Paniguradong sasabihin non ay, "Ayos lang masaktan basta pogi ang mananakit."

"Oh sige na, mauuna na ako Pen. Ingat ka."

Ngumiti ako sa kaniya. "Hm, ingat piloto." Kumaway siyang muli sa akin bago paaandarin ang sasakyan niya.

Naiwan akong mag isa habang nakatingin sa condo ni Kentrey, may iilang tao na hindi ko alam kung si Kentrey ang pakay. Kapa-publish pa lang ng article mukhang 'di pa lahat ay nababasa iyon dahil anong oras na rin. Maganda na habang maaga pa ay mapuntahan ko na siya.

Nag-aalala ako sa kaniya.

Nagtungo ako ng parking lot para sana hanapin ang sasakyan niya ngunit wala iyon doon. Mukhang wala siya sa condo niya, hindi ko alam kung saan ko siya hahagilapin. Sinubukan ko siyang i-text pero wala akong natatanggap na sagot mula sa kaniya, lalo akong nag-aalala. Nagsimula akong maglakad-lakad nagbabaka sakaling makita ko ang sasakyan niya rito, mahaba na ang nalakad ko ngunit bigo pa rin akong makita siya.

Love Me Till The End (Centeo Series #3) Onde histórias criam vida. Descubra agora