I e-end ko na sana pero nagsalita ulit siya.

"By the way,sino iyan?Hmmm?"
May bahid na inis ang tanong niya.

Kumunot ang noo ko at nilingon lingon pa ang paligid.Nakatingin ba siya sa amin?Parang stalker naman ang Elperes na'to!

"Wala ka ng pakealam do'n.Bye na nga!"
Sigaw ko sa harapan ng phone at binabaan agad.

"Bye Drew!Ingat!"

Umiling naman siya.

"Kakain din ako diyan.Hindi pa kase ako kumakain e,sabayan na kita."
Kumidhat pa siya at inakbayan ako papunta sa loob.

Naabutan ako ni Tita which the owner here.Walang masyadong tao kase umaga pa.

"Sasha, nandito ka na pala!"

"Good morning po Tita,sorry po late ako." paumanhin ko.

"Hindi ka naman late,tamang-tama nga ang pagdating mo dito."

Dahang-dahan akong tumango dahil napagtantong nagsinungaling si Cloud!

"Boyfriend mo?"

Agad akong umiling.

"Hindi po, actually kakain din po siya dito."

"Hi po." Drew smiled at Tita.

"Ang gwapo naman ng batang ito.Umupo kana doon, hijo."

Sinulyapan niya muna ako bago umalis at umupo sa bakanteng upuan.

Pinakilala niya ako sa mababait at approachable na ka-trabaho ko.Tinuruan niya rin ako kung paano patambuhin ang pagiging waitress.Sa experience na ito,hindi naman masyadong mahirap dahil simple lang ang gagawin kapag natuto ka na.

"Ang dali mo namang matuto.Saktong-sakto wala si Emma ngayong araw kaya pwede ka ng magsimula ngayon para mahasa ka."

Hindi ako makapaniwalang agaran akong makakapag-simula ngayon!Tama nga si Elperes!

Todo ngiti naman akong lumapit kay Drew.

"What's your order,Sir?"

Pinasadahan niya muna ang suot kong black apron na may logo ng resto.Ngumiti siya.

"One—"

"Waitress!I'm hungry!"
Naputol ang sinabi ni Drew nang may sumigaw na isang costumer sa likod.

Nalaglag ang panga ko dahil nakita ko si Elperes.

"Gutom na ako!"
Protesta pa ni Elperes habang nakatingin sa'kin.

"Ako pa ang nauna sa kaniya."
Singit ni Drew.

Galit niyang tiningnan si Drew.
"Hindi!"

Lumingon siya sa akin.
"Don't mind your friend.Entertain me first."
Utos niya.

Bumaling ako kay Drew.

"Drew,sorry ah.Pagpasensyahan mo na siya.Isip bata kasi."
Bulong ko but Drew grabbed my wrist.

Napalunok ako.

"No,that guy is rude.H'wag ka diyan."
Pagpaparinig ni Drew.

Biglang tumayo si Elperes para hilahin ako.Napatayo din si Drew which turns out na dalawa silang hila-hila ang magkabilang braso ko.

"Elperes,may iba namang waiter na available pa!" Saway ko.

"No.Ikaw ang gusto ko."

Napaka immature niya!Gagawa ba sila ng eksena dito?!

"Sino ka ba sa kaniya?"
Tanong niya sa kaibigan ko.

"I'm his trusted friend.Ikaw sino ka ba?!"
Tanong pabalik ni Drew.

"Her crush.Ano papalag ka?"
Matigas na sagot ni Elperes.

"Ano ba!Tumigil nga kayo!"
Awat ko sa kanila.

Pinagtitinginan na kami!

"Isa-isa lang okay?Oo na!Dalawa ko kayong pagsisilbihan.Pero dapat iisa lang kayo ng table."
Utos ko at pinaupo ang dalawa.

Ngayo'y magkaharap na sila at parang nagpapatayan na ng tingin.

Napailing-iling na.lang ako.Mga isip bata

Binigyan ko sila ng menu.Kagaya ng tinuro ni Tita sa'kin kanina.

"Ano ba order niyo?"

"Macaroni at lemonade na lang."
Ani Drew.

"Kutsilyo.So that I can kill him when he's flirting with you."

Ang hilig niyang mam-bwesit!Tinaliman ko siya ng tingin.

"Umayos ka!

" Belgian waffles."

"Okay,babalik din ako at wag na wag kayong mag-aaway..."
May pagbabanta sa tono ko.

Inabot ko na ang listahan ng in-order nila.I entertained some of the other costumers.After a few minutes ay luto na din.Gosh,nakakatakam.

Hindi pa pala ako kumain!
It was a relief na hindi sila nag-away.

"Eto na po."
I gave them what they ordered.

"Thank you,Valdico."
"Thank you,Sasha."
Sabay nilang sabi kaya matalim naman silang nakatingin sa isa't-isa.

"Have you eaten yet?"
Cloud asked.Umiling ako.

"Kakain ako mamaya."

"Bawal kang magutom."

"Hindi—"

Hinila niya ako paupo sa tabi niya.

"Kain."

"Elperes, waitress ako dito.Bawal akong—"

"Say ahh." Ani niya na parang wala lang ang sinabi ko.

"Elperes,hindi ako bata!"

"Please?"

Napakagat ako ng labi.Why is he like this?I took a deep breath at sinunod siya para natahimik na.Hindi kase magpapatalo.



The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now