"May sinabi ka?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi masyadong narinig dahil sa lakas tumawa ng iba. Wala namang nakakatawa roon. Ang babaw ng kaligayahan ng mga tao rito.

"Wala naman. Bakit?”

“Ah, wala. Akala ko kasi may sinasabi ka.”

Ibinalik ko ang aking atensyon sa harapan.

"Okay, Ms. Manzano. Gusto ko sa susunod na araw, pagpasok mo sa klase ko, ay mas maayos at desente na ang suot mong damit. Kung hindi, hanggang pintuan ka lang. Hindi kita tatanggapin. Naintindihan mo ba, Ms. Manzano?” Tumango naman siya at saka palihim na umirap.

Tsk. Mukhang may pagka-bratty nga ang isang ‘to ah.

“Ayaw ko lang na umabot sa punto na may mabastos sa inyo rito kaya ayusin niyo ang pananamit niyo.” Dagdag na sabi nito.

"Opo, ma’am!”

“Mabuti. Sige, pwede kanang magpatuloy sa pagpapakilala.”

Tumikhim naman ang isa bago nagpatuloy at umayos ng tayo.

"Ako nga po pala si Stacey Manzano, labing pitong taong gulang at ang aking ambisyon sa hinaharap ay maging magaling na modelo!” Sabay pose na ikinatawa ng lahat. Napailing naman si ma’am na hindi na talaga natutuwa sa kanya. Yung iba kung makatawa akala mo’y nanunuod ng comedy eh.

‘Yung totoo? Okay pa ba sila? Bukod kay ma’am, kami lang din ni Jamie ang hindi natawa.

“Mga estudyante, tahimik!” Galit na saway ni ma’am. Parang maamong tupa naman silang huminto sa pagtawa.

“May nakakatawa ba sa sinabi at ginawa ni Ms. Manzano?!” Walang umimik. “Unang araw pa lang sinusubukan niyo na ako ah. Ms. Manzano, bumalik kana sa iyong upuan!”

"Gosh. She’s really embarrassing!" Dinig kong komento ni Jamie kaya napatingin akong muli sa kanya.

"Huh? Embarrassing? Sino?" Tanong ko. Bigla-bigla na lamang kasi siyang nagsasalita eh. Baka may nakikita talaga ‘to na hindi ko nakikita.

Sagot niya habang nasa babaeng nagpakilala ang tingin.

“Cousin?” At doon ko lang napagtanto. Magpinsan sila?! Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na pinsan niya ang mukhang espasol na ‘yon.

"Alam kong mahirap paniwalaan kasi tignan mo naman, kung ganda lang, parang iba ang dugo niya ‘di ba? Tapos ang arte niya pa. But yeah, ayaw ko man aminin pero pinsan ko ang brat na yan dahil magkapatid ang mama ko at ang papa niya. Jamie Manzano Francisco."

“Ahh,” tanging nasabi ko sa haba ng sinabi niya. Nakaka-speechless lang. Mahirap naman kasi talagang paniwalaan.

Tumingin ako sa gawi ng pinsan niyang si espasol na kausap na ngayon ang mga kaibigan niya yata. Pero seryoso, magpinsan ba talaga sila? Parang ang layo naman. Bukod kasi sa may pagkahappy-go-lucky si Jamie ay friendly rin siya, at mayroon din akong nakikitang cold aura. Pero itong pinsan niya ay napakalayo sa kanya, may pagka brat at mukhang masama ang ugali.

Hey, don't get me wrong guys ah. Hindi naman sa judgemental ako pero parang ‘yon kasi ang nakikita ko, kapansin-pansin, at isa pa may pagka-observant kasi akong tao minsan kaya pagpasensyahan niyo na. First impression lang kumbaga, and I hope this impression of mine towards her won’t last. I hope she can prove me wrong.

"Magandang umaga sa lahat, ako nga po pala si Marie Joy Escandaloso. Labing anim na taong gulang at ang ambisyon ko po sa hinaharap ay maging kontrabidang artista sa mga palabas." Pagpapakilala ng isa pa.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Место, где живут истории. Откройте их для себя