Mabilis akong tumakbo para hanapin si bansot. Baka anong pang gawin non eh! Bakit feeling ko, kasalanan ko?!




Napunta na ko sa garden, pero wala sya. Wala rin sya sa gym! Mas dinoble ko pa ang talas ng paningin ko dahil sa liit nya posibleng di ko sya makita agad! Instant kwago na ko neto! Hayys bansot! Magpakita ka na! Mag-be-bell n--







Ding~Ding~Dong~Ding*





Speaking of bells! Hala sya! Bell na! Nakabalik na ba sya sa room? Puntahan ko kaya? Hindi na ko nag-isip pa at mula sa gym tinakbo ko ang ilang dipang hallways at floors makarating lang sa room. Sumilip ako mula sa bintana sa labas ng room. Buti di ako napapansin ng mga kaklase ko. Kararating lang ni ma'am C3, Math teacher namin. Bansot! Asan ka na ba?! Pati sa room wala sya! Grabe! Pag ako mas lalong bumagsak, sya talaga sisihin ko!





Mabilis akong tumakbo kung saan. Minsan binabagalan ko at baka masita pa ako, mahalata pang nang-ditch ako ng class. Habang naglalakad napapabuntong hininga na ako dahil narin sa pagod. Leche ka bansot! Makita lang kita, sasapakin ulit kita!





Isa nalang ang lugar na di ko pa napupuntahan pero alam kong posible nyang puntahan. Sa rooftop!





Agad akong tumakbo paakyat sa fifth floor. Hingal na hingal ako nang makarating sa pinto at pagbukas nito. Agad akong pumasok at inilinga ang paningin ko.








Sana nandito ka na...








Pero laking pagkadismaya ko nang wala akong makitang duwende dito. Napaupo nalang ako sa pagod! Naiinis na talaga ako!!!





" HUMANDA KA TALAGA SAKIN PAG NAKITA KITAAA! HAAA!" sigaw ko sabay takbo palabas! Salubong na salubong na ang kilay ko habang tumitingin sa paligid!





Hingal na hingal akong napasandal sa locker. Nasa pinaka dulo na ako ng hallway kung saan puro lockers na hindi naman nagagamit ang nakalagay.




" Putek, sana pala pumasok nala---" bigla akong napahinto sa pagsasalita at napasinghap nang may nakita ako gumalaw na bagay sa pagitan ng dalawang locker!





A-ano yun?! Ang aga-aga! Tirik na tirik ang araw?! Tas may multo! Imposible!





Agad kong hinubad ang isa kong sapatos at pumwesto na parang may hawak akong baril. Bago nya pa ako mapatay, uunahan ko na sya! Advance kaya toh!




Dahan-dahan akong lumapit pero nanlaki ang mata ko nang may nakita akong paang gumalaw!



" AHHH!!!" sigaw ko saka binato ko sa direksyon ng paa ang sapatos ko!





" Aray!" sigaw ng kung sino! Teka?





Agad akong lumapit at laking gulat ko ng makita si bansot na nakasiksik sa pagitan ng dalawang locker!





" Mayumi?!" gulat na sabi nya. Bigla naman akong na- highblood ng makita sya!





" Leche ka! Kanina pa ako hanap ng hanap sayo!" galit na sabi ko at akmang susugurin sya palapit pero muli nyang isiniksik ang sarili nya sa pagitan ng dalawang lockers!




" Ano ba bans---"






" Gusto kong mapag-isa" nakatungo at diretso nyang sabi. Bigla kong naalala yung eksena kanina.





" B-bans---"





" Tch. Isa ka rin eh. Bakit ba hanggang ngayon ganyan parin ang tawag mo sakin?!" galit na sabi nya at tumingala. Nakita ko ang malungkot at sakit sa kanyang mga mata. Napaiwas ako ng tingin.





" S-sorry---"






" Umalis ka na. Gusto kong mapag---"





" Ano ka ba?!" galit kong sabi. Nakakainis! Hindi naman sya ganito eh!





" Bakit ka ba nagkakaganyan Thomas?! Nang dahil lang ba sa sinabi ni Amanda?! Ano ka babae? Ang hilig mong magdrama!" inis kong sabi. Mas lalong tumalim ang tingin nya sakin!





" Bakit? Babae lang ba ang pwedeng magdrama? Ang pwedeng masaktan? Tao ako kaya ko to nararamdaman poste! Hindi mo kasi naiintindihan! Ilang babae na ba nambasted sakin?! Ilan na ba ang nagsabing di pa sila handa pero nagkaroon ng boyfriend na mas matangkad pa sakin! Ang mas nakakainis pa, bukod sa hindi na nga ko matangkad para sa babaeng gusto ko, pati personality ko, palapak din! Dalawang magkaparehas na rason kung bakit ako inaayawan! Nakakainis! Kung bakit pa kasi ako pinanganak na---"






Napatigil sya dahil sa malakas na sampal ko!





" Ano bang nangyayari sayo! Hindi ka naman ganyan ha?! Hindi ganyan ang bansot na kilala ko!" sigaw ko sa mismong mukha nya! Nanlaki naman ang mata nya. Dinukot ko ang kwelyo nya at saka sya tiningnan ng diretso sa mata.





" Ang bansot na kilala ko, maliit man pero walang inuurungan! Ang bansot na kilala ko pinagmamayabang nya na President sya ng klase namin! Ang bansot na kilala ko ay huwarang leader!" gigil na sabi ko! Nanlalaki lang ang mata nyang nakatingin sakin.





" M-Mayumi"





" Ang bansot na kilala ko... Magaling sa sports. Lahat yata ng sports kaya nyang mag- excell!Matalino! Kahit na maliit sya, mataas naman ang respeto sa kanya ng mas matangkad sa kanya at ang ultimate crush kong si Kin!"





" M-Mayu---" mas hinigpitan ko pa ang kapit sa kwelyo nya.





" At higit sa lahat..." hinto ko saka huminga ng malalim.







"Ang bansot na kilala ko, gwapo"ngiting sabi ko. Mas lalong nanlaki ang mata nya! Nakakainis! Oo aaminin ko na! Gwapo talaga si bansot! Purihin na dahil totoo naman!





" Susuko ka nalang ba nang ganun ganun nalang? Tandaan mo bansot, hindi porket maliit ka, wala ka nang magagawa. Meron kang kakayahan na wala ang ibang tao. Kaya, tumayo ka na dyan!"






" T-teka! Mayumi! Bitiwan mo na ko! Nasasakal na ko!" inis n sabi nya! Gulat naman akong napabitaw sa kanya! Mayamaya tumayo sya at saka pinagpag ang pwetan nya at ibang parte ng uniform nya.





" Tch."ngising tingin nya sakin.Kinunutan ko naman sya ng nuo.





" Di ko alam na may maganda rin palang masasabi ang isang posteng katulad mo, Mayumi" ani nya. Kinuyom ko naman ang kamao ko! Asar!





" Leche ka! Matapos kong sabihin lahat yun, ganyan lang ang sasabihin mo sa---"






" Pero..." pagputol nya sakin. Nanlaki naman ang mata ko.






" Salamat gumaan ang pakiramdam ko" sinserong sabi nya saka ngumiti ng totoo. Ngumiti ng sinsero at hindi napipilitan lang. Ngumiti ng totoong nagpapasalamat.





Natulala ako! Literal na natulala!





Aaminin ko! Parang syang nagliwanag sa ngiting yun! Para syang anghel pag ngumingiti! Kapag kasi pilit na ngiti, para nga syang adik na ewan. Tapos pag tumatawa naman sya, parang nang-aasar! Kaya etong ekspresyon nya na ata ang manda kong nakita sa mukha nya.





" Ano pang tinatayo-tayo mo dyan?!" ani ni bansot! Hindi ko namalayang wala na pala sya sa harap ko kaya napalingon ako.





" Samahan mo ko sa labas. Ililibre kita"





---

Sankyuu

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now