Chapter 1: I Brought Home A Man

530 22 4
                                    

ARTEMIS LARCENA

"Class dismissed!" napamulat ako ng mata nang marinig kong i-anunsyo 'yon ng professor namin. I was sleeping the entire hour and was only waiting for him to say that.

I immediately got up and walked towards the door, ganon din ang ginawa ng ibang mga classmates ko. Bago ako makalabas ay napansin ko pa ang tingin ng professor sa'kin.

"Ang aga mong nagising, Miss Larcena," he sarcastically remarked.

"Thank you for waking me up, prof.," I said, smiling at him.

Hindi ko na lang pinansin ang masamang tingin niya at walang lingon-likod na lumabas mula sa classroom.

Hindi pa man ako nakakalayo sa classroom ay may narinig na akong tumatawag na sa'kin.

"Artemis!" sigaw ng isang lalaking naka-uniform. My brows automatically shot up when I heard him call my name.

Do I know this guy?

"Pwede ka bang makausap? Privately." aniya.

Sinuyod ko muna siya ng tingin bago sumagot, "Can't you say it here? Nagmamadali ako."

He looked decent, his hair is combed neatly and cute rin siya.

I stared at him. He's fiddling with his fingers while looking at the ground coyly. Napansin ko rin ang pamumula ng mga tenga niya.

If I would rate his looks, it would be 6.5/10, he barely passed.

Sorry, but your looks are not enough for me to give up the sales in the supermarket today. Malapit na akong mamulibi dahil sa bituka ng pinsan ko so I always do the shopping whenever there are sales.

Matapos kong mag-quit sa dati kong trabaho, wala na akong ibang pinagkukunan ng pera kundi ang savings ko kaya naman kailangan kong magtipid. Paubos na rin kasi ang grocery namin dahil napakatakaw ni Addie.

"G-ganon ba? Ah, h-here! Hihintayin ko ang reply mo!" While stuttering, he forcibly gave me an envelope then immediately ran off.

Tumingin naman ako sa kamay ko. Is this . . . a love letter? It has a heart seal and at the back, my name was written on it. I thought things like these only happen in shoujo mangas. May gumagawa pa pala nito sa panahon ngayon?

I smiled at his cute antics. This is the first time I received a love letter from a guy kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Mostly, the guys who say they like me, approaches me in a straightforward manner; so receiving a love letter is a first.

Isinuksok ko ang envelope sa loob ng bag ko. Then I went straight to the school's parking lot and drove my car to the supermarket.

Hindi ako nagtagal doon. I just bought the necessary things we need at home and quickly went back to my car. Marami-rami rin ang nabili ko. Ubos na lahat ng pagkain sa fridge kaya naman bumili na ako ng pamalit. If Addie were the one to do the grocery shopping, siguradong sasakit lang ang ulo ko. Masyadong magastos ang babae na 'yon samantalang wala namang ambag sa gastusin sa bahay.

Nilagay ko muna ang mga pinamili ko sa trunk pagkatapos ay dumiretso ako sa driver's seat.

Papaandarin ko na sana ang sasakyan nang may mapansin ako. My eyes narrowed at a familiar smell. Awtomatikong naging alerto ang katawan ko. May isang taong natutulog sa front seat ng kotse ko.

Kailan pa siya nandiyan? I didn't even notice his presence until I sat down. I guess not only my strength is deteriorating, but also my keen senses.

Napakunot noo ako sa lalaking nakaupo sa front seat. I was sure that I locked my car so how did he get inside?

My Amnesiac AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon