I sighed with satisfaction.

I really love this profession. I love teaching and I can't wait to see my student be a future artist, engineer, lawyer, doctor, or who knows one of my students is the future President of the country.

"Okay, Class our activity for today ay gumawa kayo ng letter ng taong gusto nyong pasalamatan."

"Ilan po lettel," bulol na pagkakasabi ni Cardo.

"Let-ter," pagtatama ko

"Teacher pagba-gumawa kami ng letter ibibigay namin sa gusto naming pagbigyan?" Tanong ni Richard.

"Oo ibibigay nyo yan, after," Sagot ko dito.

"Paano pag-yung letter na gusto naming ibigay hindi namin alam kung saan ang bahay. May letter po akong gustong ibigay sa isang tao kaso hindi ko po alam kung paano ibibigay. Kayo po ba ang magbibigay nito Teacher?" Sunod sunod na tanong ni Ana.

"Kung alam ni teacher ibibigay ko ito," Announcement ko sa kanila.

"Talaga po Teacher?" Excited na wika ni Archangel.

"Oo naman pero yung alam lang ni Teacher," paalala ko sa kanila. Baka mamaya e, sa famous celebrity pala gustong pagbigyan ng bata.

Matapos ang halos limang oras na klase ay pina-uwi ko na ang mga bata. Half day lang kasi ang mga ito.

I smiled as scanned their letter. Binasa ko ang lahat ng kanilang sulat.

Dear Meyor,

Napakunot naman ang noo ko nang mabasa ang pangalan ng pagbibigyan ni Archangel

Sino si Meyor?

Hindi ko ini-expect 'to. Muli ay pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Dear Meyor,

I lab u .

Salamat po sa pangkaboboyan na bigay nyo kay Tatay dahil po doon my tabaho na tya. Sobrang saya ko po nung una ako makasakay sa balsa na minanaheno ni Tatay. May tabano na si Tatay May makakain na kami araw2x Gusto ko din Pong maging Meyor kagaya nyo balang araw.

I lab u po ulit

Archangel,

Napangiti na lang ako ng matapos mabasa ang sulat ni Archangel. Mukhang si Mayor ang tinutukoy nya na pagbibigyan nya. Ang pagkakaalam ko kasi ang Tatay nito ay isang mangsasagwan sa Aviero Canal. Ang Aviero Canal ay dating maduming ilog pero simula ng may bagong Mayor na naupo ay napalinis ito at ngayon nga ay naging tourist spot ng Ciudad de Aviero na ngayon ay isa sa pangunahing pangkabuhayan ng mga tao sa siyudad.

Kinuha ko ang cellphone ko ang hinanap sa internet ang itsura ni Mayor. Sa tatlong buwang paninirahan ko kasi dito sa Aviero ay never ko pang nakita ang mukha ni Mayor hindi kasi ito kagaya ng ibang Mayor sa bansa na akala mo ay commercial model kung makalanda ng mukha nila sa mga tarpaulin na proyektong nagawa nila.

Mayor of Aviero.

I type, ilang saglit lang ay bumungad na sa akin ang napakaraming artikulo na naglalaman ng impormasyon tungkol dito.

Mayor Zeus Dimitri Consunji- Tan is the current Mayor of Aviero and the only son of the CEO and founder of Tan Company the leading food and beverage processing company of the Country. He is also the second grandson of the founder of Consunji Empire the leading real state company in the country.

"Zeus ko po!"

Este susmaryosep!

Wala sa sariling nasambit ko na lang. Napakayaman naman pala ni Mayor.

Muli ay pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Nalaman kong 29 years old pa lang ito at nakapagtapos ng kursong Political science at nagkaroon ng master degree na public administration, naging president council noong Grade school at College, naging konsehal din ito sa Aviero bago kumandidatong Mayor.

Aba ang galing! Hindi kagaya ng ibang politiko na basta tumakbo lang para pampabango ng pangalan kahit walang background at alam sa pamumuno.

Muli ay pinagpatuloy ko ang pagbabasa, nagsulong pala ito ng dalawang makabagong ordinasa nung konsehal palang ito na tanging ang Aviero lamang ang may meron sa buong bansa. Ito ang Anti- Signange of Public works at Freedom of transparency of local Budget. Ngayon alam ko na kung bakit wala kong nakikitang mukha ng politiko na nakasabit sa kung saan dito sa Ciudad de Aviero. Samantala ang Freedom of transparency of local budget kung saan isasapubliko ang cost of project sa Aviero.

Dahil sa nabasa ay na-excite akong makita si Mayor wala kasing picture nya itong nabasa kong article. Ano kayang itsura nito? Dahil doon ay nagbukas ako ng isa pang tab at naghanap ng picture ni Mayor.

Bumungad ang larawan nito sa munisipyo na nakasuot ng barong na may background pa na logo ng bayan ng Aviero.

Daebak! Ang gwapo pala ni Mayor.

Muli ay nag-scroll ako at ang ibang picture naman ay kuha ng na ngangampanyan palang sya habang nakasuot ito ng dark blue polo shirt na may tatak na number 2 at sa ibaba nito ay nakalagay ang apelyido nito.

Muli ay nag-scroll hanggang sa

Susmaryosep!

Bumungad sa akin ang larawan ng lalaking naka- topless na may suot ng itim na denim pant. Nakayuko ito nakasuot ng

cap kaya hindi ko makita.

May abs si kuya!

1,2,3,4,5,6 bilang ko.

6 pack of pandesal.

I shook my head. Picture lang ni Mayor ang hinahanap ko pero, Bakit naman ako napadpad sa ganitong page?

I-e-exit ko na sana ito sa pag-aakalang mali ang napindot ko nang mabasa ang pangalan sa ibaiba.

Zeus Dimitri Consunji- Tan.

'Susme! Pangalan ni Mayor'

It was captured 10 years ago.

Bigla'y nakaramdam ako ng pananakit ng ulo kaya binaba ko ang cellphone.

Grabe nanghihina ako pagnakakita ng abs. Charot!

Protect meWhere stories live. Discover now