Nakarami na kami ng rides. Kanina nasa swing kami kaya hiwa-hiwalay. Sunod don sa kabayo-kabayo hahaha di ko alam yung tawag don. Gusto kasi don ni Amanda. Tapos sa bumpy cars. Sila ni Amanda tas kami ni Kin. Syempre si Bansot ang nagdadrive tas nag-insist din ako na ako na magda-drive. Syempre ayun nanaman ang asaran! Binangga nya yung car namin at syempre di ako nagpatalo at binangga ko rin sila ni Amanda! Ang lakas ng tawa ni Kin! Sigaw ng sigaw naman si Amanda! Tapos sa falling tower naman, isa sa extreme rides na nasakyan namin. Takot na takot si Amanda pero pinilit namin sya! Hayon pagkababa nanginginig! Sayang naman kasi yung moment noh!


Mayamaya nag-ayang bumili ng maiinom si Kin.

" Sama!" ani ko. Ngumiti naman sya sakin at tumango.

" Ano sa inyo?" tanong nya kila Bansot at Amanda.


" Water lang sakin" ngiting sabi ni Amanda.

" Coke lang" sagot naman ni Bansot. Tumango tango naman si Kin saka ako tinanguan at nagsimulang maglakad. Lumingon pa ko kay bansot at nakita kong tensyonado sya. Haha bahala sya!


---


" Ikaw, ano sayo?" tanong nya habang nasa tapat na kami ng bending machine. Grabe! Ano to, ginto? Ang mamahal nang tinda dito ha!

" Tu-tubig nalang" ani ko. Grabe nakakahiya, konti lang ang pera ko. Maya-maya inabot nya na sakin ang tubig.

" S-salamat" ani ko. Ngiti lang ang sinagot ni Kin.

Habang naglalakad pabalik naisipan kong tanungin si Kin.

" Kin, pano pala kayo nagkakilala ni bansot?" napahinto sya sa paglalakad at nanlalaking mata syang napalingon sakin! Omy! I forgot! Grabe! Baka isipin nyang bully ako! Bawas points!


" Bansot talaga? Hahahah!" tawa nya. Tss hehe. Isa din tong bully eh, kunwari pa.


" Haha! Nasanay lang!" pagdadahilan ko. Natawa nalang uli si Kin at umiling iling.


"Classmate ko sya nung grade 7. " ngiting sabi nya. Ah kaya pala.

" I envy him pa noon kasi, he's so atlethic. Daming sinasalihan na sports club. Tapos ako, mahina ang katawan, patpatin hahaha" natatawa nya pang kwento. Napangiti naman ako. Ang taray naman ni bansot! Ang atlethic ha!


" Hoy wag ka nga! Kahit patpatin ka, gwapo ka naman!" grabe ka teh! Bat parang nilaklak mo lahat ng enervon?! Nawala ata lahat ng hiya mo sa katawan ha? Leche ka! Ipreno mo yang bibig mo!


" Hahaha! Di ko alam kung maiinsulto ako o hindi eh!" natatawa ulit na sabi nya. Napatakip tuloy ako sa bibig! Bawas points ulit!


" Uhm eh pano yun? Bat nakakasali sya eh maliit sya?" kaswal kong tanong. Nagtataka rin kasi ako.

" Sino? Si Thomas? Nako, wag mong ismulin yon. Para sakin, mas higante pa syang gumalaw kapag nasa court na. Sobrang taas ng respeto ko sa taong yun"sinserong sabi nya habang nakangiti.


Nakakaguilty naman. Palagi ko kasi syang tinatawag na bansot gayong mas marami syang nagagawa kesa sakin. Yung tingin ni Kin habang sinasabi ni nya yun ang naparealize sakin na there's more into him, kay bansot.



Nalaman ko rin na halos lahat ng sport sa school sinalihan nya at madalas nag-e-excell sya sa larangang yun! Nakakabilib at the same time nakakainggit!





" Tara don tayo!" excited naming sabi ni bansot! Pagkatapos nang kwentuhan kanina agad kaming pumunta sa one of the most extreme ride dito sa Wicked Magic City! Nakita pa naming napapalunok si Amanda at Kin!


Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now