Chapter 38

9K 285 18
                                    

PAGPASOK ko sa loob ng bahay namin dito sa Isla Contejo, kagaya ng inaasahan, tahimik ang buong bahay. Malamang ay nasa trabaho pa si Kuya kaya mukhang mag-isa na naman akong kakain ng hapunan sa hapag.

Paakyat na sana ako sa hagdan ngunit ang tunog ng takong ng sapatos ang nakapagpatigil sa akin. I immediately turned my head to the dining area.

"Fleury! Nandito ka na pala, Naku, tamang-tama, the dinner is ready. Let's eat!"

Laglag ang panga ko at nanlalaki ang mga mata. Hindi ko alam kung namamaligno ako o ano. Totoo ba 'tong nakikita ko?

"M-Mommy?"

She smiled at me. "Come here! What are you waiting for? Hindi ka pa ba nagugutom?" Tumingin siya sa kusina na pinanggalingan niya. "Conrad! Halika na! Narito na si Fleury, kumain na tayo!"

Ilang sandali ay lumabas si Daddy mula sa kusina dala-dala ang isang bowl ng kanin. Kaagad niya akong binigyan ng isang magaang ngiti bago inilapag ang hawak na bowl sa hapag kainan.

Gulat pa rin akong nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko maintindihan kung bakit nandito sila — nakikita ko at nagsasalita. I mean... t-they're dead... right?

Just... what the fuck? Anong nangyayari?

Mayâ-mayâ'y lumapit sa akin si Mommy at hinila na ako patungong hapag. Nagtagal ang titig ko sa kaniya. Ang ganda-ganda ng ngiti niya. Parang ang saya-saya niya at ang tahi-tahimik ng buhay. When I turned to look at Daddy again, I was also seeing the same thing. They looked so carefree. Like they didn't have any problem at all.

"M-Mom, Dad... w-why are you here?" I tried to ask because seriously, I was so confused right now. "I mean..."

Mommy chuckled and looked at me lovingly.

"Because we missed you. We're so happy to see you again." She held my hand. "Aren't you happy to see us?"

Mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila at muling nanumbalik ang pangungulila ko. Muli kong naalala kung paano sila nawala. Walang araw na hindi sila dumaan sa isip ko. Walang araw na lumipas na hindi ako nangulila sa kanila.

Kaya ngayong nandito ulit sila. Nakakausap ko. Nakikita ko. Nararamdaman ko. Para akong mas ginanahang mabuhay pa. Sana manatili na lang sila rito. Huwag na sana silang umalis. Huwag na sana nila akong iwan ulit.

"I'm happy..." My tears fell nonstop. "Very happy."

Hindi ko na napigilang yakapin si Mommy at mas damhin pa siya. I handed out my hand to Daddy so he could come closer. Nang makalapit siya ay niyakap ko rin siya.

"I miss you b-both," humihikbing saad ko.

Bumitiw si Mommy sa yakap upang hawakan ang magkabilang pisngi ko. Naroon pa rin ang magandang ngiti sa kaniyang mga labi.

"Oh, my baby..." she uttered. "We're just here to tell you that we miss you so much... and that you are always appreciated by us. Always remember that the things you did in the past doesn't matter anymore. It doesn't define who you are right now, alright?"

"Forgive yourself, hija. You may have done or said awful things before, but everyone can change."

"And we saw how you've changed over the past years." Mommy wiped my tears away. "We are so proud of the person you have become. So set yourself free, anak. Free yourself from the past. Forgive yourself."

Kahit anong punas niya sa mga luha na naglalandas sa pisngi ko ay nadadagdagan lamang iyon. Malambot niya akong tinitigan hanggang sa unti-unting namuo ang luha sa mga mata niya.

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon