Chapter 19

7.9K 302 85
                                    


TUWANG-TUWA akong tiningala ni Mommy habang bumababa ako sa aming hagdan. Pilit lamang akong ngumiti at pinasadahan siya ng tingin. She was wearing an elegant, all white Filipiñana. Her hair was in a clean bun and she looked glamorous.

"Ang ganda-ganda mo!" she exclaimed when I finally reached her direction.

I was wearing a cream cocktail dress. It was a silk, sleeveless halter neck. Our stylist choose to straighten my hair. Nakahati ito sa gitna at nakaipit lang sa magkabilang tainga ko.

"You look gorgeous, too, Mom."

She jokingly rolled her eyes on me. "Hmp! Nambola ka pa! By the way, don't forget that Zaviar will be there--"

Bumuntong hininga ako. "Mom, stop na. If he doesn't really wanna talk to me anymore, let's just respect it. I get it. He got hurt and he's really mad at us right now. Maybe someday he can finally forgive us. Huwag na lang po muna nating ipilit sa ngayon."

Kahit gustong-gusto ko pa ring makausap si Zaviar ay napagtanto kong mas mabuting respetuhin ko na lamang muna ang paglayo niya. I should just give him time and space. Maybe someday, he'll finally forgive me for what I've done. Maybe someday, he'll talk to me again.

I've realized that my betrayal was still fresh for him. He wasn't healed yet and time would definitely heal his anger towards me. I should just wait and be patient until he's ready to forget and forgive.

"You girls are so beautiful!" Daddy went to us.

I smiled and and hugged him. He kissed me on my temple as well as Mommy. Nakasuot siya ng Barong pati na rin si Kuya na bumababa na ngayon ng hagdan.

"Syempre! Dapat kaming dalawa lang ang pinakamaganda ro'n, ano! Baka matalbugan ako ni Celestina, mahirap na."

Napailing-iling na lamang ako kay Mommy. Tuluyang nakalapit si Kuya at inakbayan ako.

"Mom, kahit ikaw ang pinakamagandang kandidato ro'n, kung palpak ang speech mo, wala rin."

Inismiran ni Mommy si Kuya.

"Pinag-isipan ko nang mabuti ang speech ko, anak. Pinuri pa nga 'ko ng political adviser ko at halos sabitan ng medalya. At buti nga'y hindi ako katulad ng ibang mga politiko na may taga-gawa ng speech."

Bahagya kaming natawa nila Daddy.

"Oh, well, we all wish you good luck," si Dad. "We all know you can outshine every candidate in there, honey."

Nang handa na ang sasakyan ay agad na kaming sumakay roon. Ilang minuto lamang ang biyahe patungong Munisipyo. Pagdating namin doon ay naroon na ang iilang kandidato at mga politiko. May mga monoblocks sa harap ng stage. Punong-puno rin ng security ang kapaligiran.

Tulad namin ay nakapormal din ang mga politikong naroon. Karamihan ay Filipiñana at Barong din ang suot. Huminto kami sa pagsunod kay Mommy nang may kamayan siyang isang senador. Ipinakilala niya kami bago siya sandaling nakipagkuwentuhan.

Inilibot ko naman ang mga mata ko sa paligid habang hinihintay kung kailan matatapos ang pakikipag-usap ni Mommy. I blinked twice when I saw Vice Mayor Celestina talking to some politicians, as well. I looked around near her in the hope of seeing Zaviar.

And there I saw him. He was talking to his cousins while his hands were inside his pockets. He was also wearing a Barong and he just looked so immaculately handsome. I couldn't deny that the well-respected, authoritative, and the youngest Councilor of Isla Contejo was such a breathtaking view.

He suddenly roamed his eyes around until it landed to our direction, particularly to me. I tried to smile, but he remained serious. His jaw clenched a bit before taking his eyes off me. I sighed as I felt my heart being squeezed.

Iginiya na kami ng isang staff sa mga upuang nakatalaga para sa amin. Nakita kong napatingin sa akin si Zaviar ngunit mabilis ding nag-iwas ng tingin. Hindi ko na inalis ang tingin ko sa kaniya kahit na nakaupo na kami. Nang iwan niya ang mga pinsan niya ay sinundan ko siya ng tingin.

Nakita kong naglakad siya papunta sa isang babaeng nakatalikod na may mga kinakausap. Bahagyang kumunot ang noo ko nang hawakan niya sa baywang iyong babae. Mas lalo pang nagdikit ang mga kilay ko nang noong magbaling sa kaniya ang babae ay nakita kong si Elsie iyon.

Iyong papansin at pabebeng Elsie na hinampas ako ng garlands noon!

Niyakap niya sa Zaviar. Ngumiti naman si Zaviar at hinagod ang likod niya. Hanggang sa nag-uusap na lang sila ay hindi pa rin tinatanggal ni Zaviar ang kamay niya sa baywang nito. Mag-uusap lang nakakapit pa sa baywang? Anong arte 'yon? Sila na ba, ha? Sila ba?!

Napakurap ako nang makita ko ang pagalapit sa kanila ni Vice. Nakatingin ito sa akin bago nagbaling kay Zaviar at hinampas ito sa braso gamit ang pamaypay nitong dala. Kita ko kung paano kausapin ni Vice ang anak na tila sinesermonan. Pairap kong iniwas ang mga mata ko mula sa kanila.

Humalukipkip na lamang ako at nakasimangot na hinarap ang stage. Maya-maya'y nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-upo ng mga Contejo sa kabilang row ng mga upuan. Hindi ko naiwasang mapatingin habang nakasimangot pa rin. Zaviar's cold eyes immediately welcomed me. He raised his brow at me before taking a seat. I pouted a bit and just looked away.

Nagsimula na ang program. Puro pagpapakilala sa mga kandidato sa darating na eleksyon ang naging panimula hanggang sa dumating ang tamang oras para sa kani-kanilang speech.

Halos makatulog ako sa aking upuan dahil nakakaantok makinig sa mga pinagsasasabi nila. Kung hindi ko lang hinihintay ang speech ni Mommy ay kanina pa ako tumayo at nagpalakad-lakad.

"Please give a round of applause to one of our running Vice Mayors, Laarni Salvatorre!"

Nilakasan ko ang palakpak ko nang sa wakas ay turn na ni Mommy. Nakangiti siyang umakyat ng state at tumayo sa podium. She was looking proudly and confidently at the audience with a smile on her face and an air of a true leader.

I was smiling from ear to ear while watching her from here. I felt like I wasn't her daughter, but just a mere supporter who was fan-girling. I felt so proud of her!

Maliit pa lamang ako ay naririnig ko nang sinasabi niya kay Daddy na gusto niyang tumakbo sa politika. Hindi pa siya sure noon kung anong itatakbo niya hanggang sa unti-unti niyang napagtanto kung anong gusto niyang maging.

At ngayong nakikita ko siya na unti-unti nang gumagawa ng aksyon para makamit iyon ay hindi ko maiwasang mas humanga pa sa kaniya.

"A pleasant day to everyone," panimula niya. "Before I start this speech, I wanna thank my family first for the never ending love and support. To my husband, Conrad, thank you for always lending time to help me in my candidacy. To my son, Ysmael, you're good in politics already and I'm sure you'll become a great leader someday."

She was looking at us while saying those things. She then looked at me with awe after she said what she wanted to say to Dad and Kuya.

"And to my unica hija, Fleurysa, my beautiful ray of sunshine. Thank you for being the best daughter. May you always be brave and strong. I love you--"

Ang puting-puting suot ni Mommy ay nabahiran ng dugo nang tatlong bala ng baril ang biglang lumipad papunta sa dibdib niya.

Mabilis na nabura ang ngiti sa mukha ko at napalitan ng gulat kasabay ng sigawan ng lahat ng tao sa paligid ko. Laglag ang panga kong pinagmasdan ang pagbagsak ni Mommy sa stage. Tila ako napako sa aking kinauupuan.

At the corner of my eyes, I saw Daddy ran towards the stage to attend to my Mom only to get shot in the head.

Tanging pagtayo ang nagawa ko habang laglag pa rin ang panga. Hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Everything was in a blurry and the only thing my eyes were seeing were the unmoved and lying bodies of my parents on the stage, covered by blood.

Rumagasa ang mga luha sa mukha ko at natulala na lamang sa stage. Si Kuya ay humahangos na umakyat doon upang tingnan ang kondisyon ng mga magulang namin.

My eyes went drowsy and my head started to get dizzy. My knees shook as my vision got eaten by darkness.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Raging Affection (Isla Contejo #1)Where stories live. Discover now