" Anong sabi mo--"

"Okay. Maghanda na kayo, nandito na tayo" napahinto kami sa sinabi ng teacher sa unahan.

---

" Mayumi!" napalingon ako sa sigaw ni Amanda. Katatapos lang namin lumibot sa historical mansion. Agad hinanap ng mata ko si bansot.

" Psst!" tawag ko. Napatingala naman sya. May hawak hawak syang papel. Siguro inutusan nanaman sya ng adviser namin!

" Mayumi!Sorry ha, di muna ko makakasama ngayon" hingal na sabi nito. Napasimangot naman ako!

" Hindi hahaha okay lang" sinsabi ko na nga ba. Hindi pwedeng magkasama ang ibang section. Siguro mamaya sa Wicked Magic City kami magkakasama!

" E-ehem" tch. Nandito na pala si bansot. Nakangiti ko namang hinarap si Amanda.

" Amanda, eto nga pala si bansot"ngiting sabi ko.

" B-bansot?" takang tanong ni Amanda! P-patay! Unti- unti akong napalingon kay bansot pero kinilabutan ako nang makita ang itim na awra sa kanya!

" Ha-ha-ha Amanda! Ikaw ah!Kung ano-ano naririnig mo!" tarantang sabi ko! Ramdam na ramdam ko ang lakas ng awra sa likod ko! Mama!!!

" Pero---"

" Thomas, si Amanda, friend ko" agad kong puto kay Amanda q! Mayumi umayos ka! Huhuhu!

" Grabe ka Mayumi! Friend lang? Hehehe! Hi Thomas! Ako nga pala si Amanda Tolentino! Bestfriend ni Mayumi. Nice to meet you!" masiglang sabi nito. Tiningnan ko naman si bans---

" Thomas. Thomas Garcia. President ng 9-Ruby. Nice to meet you" ani ni Thomas. Shemay! Ganto ba sya kiligin!? N-namumula!

" Sorry Thomas, Mayumi! Mauna na ko. Chinachat na ko ng friends ko eh. Kailangan ko na raw bumalik" malungkot na sabi nya.

" Hindi okay lang. Diba, Thomas?" ngiting sabi ko saka siniko si Thomas! Tulaley eh!

" A-ahh oo. Magkikita parin naman tayo mamaya" ani nya. Napangisi naman ako. Bat kaya ang hina ng boses nya ngayon? Boses ipis na eh!

" Ha? Oo naman! Nag-usap na kami ni Mayumi! Sige ha! Nice to meet you ulit! Mayumi! Una na ko!" ngiting sabi nya saka kumaway samin. Maganda talaga si Amanda. Ngiti palang nakakatunaw na (wow). Kaya di na nakakataka na magustuhan sya ng lahat. Lalo na ni bans---

"Ng-ngeee!? B-bat ganyan ka!"inis kong sabi sa kanya! Namumula kasi sya pero ang sama ng tingin sakin!

" May kasalanan ka pa sakin---" saka akma nya kong hahabulin! Waaah! Save me!

" W-wait bansot! Maghunos dili ka! Hindi ko sinasadya! Pramis! Mamatay ka man!" taranta kong sabi. Biglang umihip ang maitim na hangin at nakita kong nanlilisik ang mata ni bansot! G-ginalit ko na sya! Agad akong napatakbo! Pero sa kasamaang palad may nabangga ako!

" S-sorr---"

" Mayumi" ani nito. Napatingin nman ako sa kanya. Naistatwa nalang ako sa kagwapuhan ng lalakin toh! Eto talaga ang depinisyon ng gwapo!

" Iii--kaw!!! Oh? Kin! " sigaw ni bansot. Agad akong nagtago sa likod ni Kin! Prince Charming! Save me!

" Sorry ngayon lang. By the way, what happen? Tinatakot mo nanaman ba si Mayumi?" oh yes baby! Save me!

" Tch! Hindi no." inis na sabi ni bansot.

" Mayumi, tell me. Totoo ba yung sinabi nya?" umalis ako sa likod nya at hinarap sya. Grabe, alalang alala talaga sya sakin!

" Hin--- O-oo!"bwisit! May patalim pa ata sa tagiliran ko!

" Hmmm. Okay sige. Pero sasama parin ako mamaya. I'll make sure na magiging okay ka kasama toh." seryosong sabi ni Kin. Kuminang naman ang mapupungay kong mata at pinagdaop ko ang palad ko!

" T-talagaaa?"pa-cute kong tanong

"Mmm. Sige na, mauna na ko. Kita nalang tayo mamaya" ani nya saka tumakbo paalis!Sinundan ko naman sya ng tingin saka kumaway.

" Thomas! Mayumi! Sumakay na raw kayo! Aalis na!" sigaw ng kaklase namin sa likod.

" Ang mahuli, panget!" ngising sabi ni bansot saka mabilis na tumakbo!

" Madayaaa!" sigaw ko saka mabilis na nagtatakbo!

---

" Hahaha! Akala mo ah!May pahamon hamon ka pang nalalaman!"asar ko kay bansot. Kasalukuyan kaming nakapila papasok sa Sea Park.

" Mahaba kasi biyas mo kaya naunahan mo ko!" nakangusong sabi nya pa habang bagsak ang balikat. Dinamdam nya talaga pagkatalo nya!

" Wag kang mag-alala! Kahit pangit ka at pangit ugali mo, ilalakad parin kita kay Amanda!" paniniguro ko sa kanya saka sya tinapik sa likod.

*ubo* " A-anong sabi mo!?" inis na sabi nya. Kinuha ko naman ang cp ko saka binuksan ang selfie camera.

" Wow! Bansot, picturan mo ko dito!" excited kong sabi saka nag-pose sa tabi malaking dilaw na sawa sa aquarium.

" Tch. Bilis!"inis na sabi nya saka mabilis na nagpindot!

" Oh!" saka nya mabilis na binigay ang cp ko at naglakad paalis!




Ano yon? Yun na yon?!

Agad kong tiningnan ang picture.

-.-

Blurred.

---


Maraming beses ko pang kinulit si bansot para kunan ako ng picture. Ang kaso kung hindi blurred, naka-zoom naman sa pagmumukha ko! At ang nakakainis sa lahat half body lang ang kuha nya! Half body pero yung bewang hanggang paa lang ang kuha! Siraulo! Ang galing talagang mamikon ni bansot.

---

Thank u!

Ang Poste at Ang DuwendeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt