Nakakainis,wala siyang pake sa buhay ko.
Napipilitan siyang sumunod sa sinabi ko.Nang puno na ang baso ay agad ko itong nilahok.Napapikit ako ng mariin dahil sa hatid nito sa'king leeg.

"Kuyang bartender,akin na lang 'yang isang bote!ang liit po ng baso niyo!"

Hindi siya nakinig.Kalaunan ay sumigaw ulit ako.

"Kuya!Vodka please!" Humagikgik ako

Narinig ko rin kasi sa kanila na matapang daw iyon!Ma-try nga.

"Masyadong matapang ang Vodka para sa'yo,"
Isang seryosong boses ang narinig ko.

Bumaling ako sa kaniya na namumumgay ang mata.Pinilit kong nilinaw ang aking mata para makita ang mukha ng lalaki.

"Sino ka ba?Ano bang pake mo?"
Iritado kong saway at bumaling ulit sa harap.

"Who's Drew?Sino yung lalake kanina?"
Tanong ng lalaki.

Kumunot ang noo ko.Sino si Drew?Wala akong kilalang Drew.Ah,ewan ko ba!

"Baka aso niyo 'yan." Sagot ko habang tinawag ulit ang bartender na abala sa isang costumer.

"Vodka...vodka...I want vodka please."
Nakapikit ko iyong sinabi.

Napailing ang bartender habang nilagyan ako sa baso.Iinumin ko na sana nang biglang may humawak sa braso ko.

"Ano ba!" galit kong sugaw.

"You shouldn't drink,Valdico.Ibigay mo 'yan sa akin!"

Bakit siya galit?Bakit niya alam ang pangalan ko?Sino siya?

"Sino ka ba,ha?Stalker ba kita?Akin 'to!kumuha ka ng sayo!"

Binawi ko ang braso at iinom sana pero kinuha niya.Inis akong napatingin sa lalake.Nanliit ang mata ko,masyado na ding malabo ang paningin ko pero pamilyar ang mukha nito.

If I'm not mistaken,

"S-sky?"
Tagad ko.Bakit siya nandito?Ayaw ko siyang makita.

"Bakit ka nandito?"
Dagdag ko pa.

Tahimik lang siyang nakatingin sa'kin.

"Alam mo ba kanina?umiyak ako dahil sa'yo!" Mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Hindi naman ako nagkakaganito noon pero bakit ang hapdi?Sasabihin ko na sana na may gusto ako sa'yo pero...pero narinig ko yun.May mahal ka na,"
Napiyok ang boses ko namumungay na din ang mga mata ko.

Para akong batang umiiyak sa harapan ng nakatayo ngayon sa harap ko.

"Stop crying,"
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko pero tinabig ko iyon.

"Hindi pwede hangga't hindi mo ako gustuhin pabalik!"

"Valdico..." Nanghihinayang niyang tawag.Pinunasan ko ang luha ko.

"Edi huwag.Kung hindi mo'ko gusto,umalis ka na lang dito."

"Tahan na..."

Sa sobrang inis,tumayo ako at nagmartsa sa dancefloor dala-dala ang baso.Sasayaw na lang ako.

Nadala ko pa 'yung baso kaya nilagok ko yun.Natatamaan na din ako kaya medyo wala na rin 'yung hapdi sa dibdib ko.
Natigilan ako nang may humapit na kamay sa bewang sa likod ko.

"Hi Miss beautiful.May I join you?"
Bulong ng isang lalake.

"Okay."
Wala sa sarili kong sagot.

Masaya akong sumasayaw kasama ang lalaki.Malagkit siyang nakatingin sa akin at akmang hahalikan ako pero may biglang sumuntok sa kan'ya.

I gasped.

"Don't you ever touch her!Fuck you!"
Kita ko ang galit sa mga mata niya at lalong nandilim ang mga paningin niya ng tinitigan niya ako.

"I'll take you home.Tigilan mo na 'to."
Bakas ang tono niya ang inis.

"Paano ako titigil e—"

Hindi niya ako pinatapos dahil bigla niya akong hinalikan,mapusok na halik ang iginawad niya.Tila sabik na sabik siya sa labi ko.Parang uhaw na uhaw na siya.This is my first time!Wala na rin ako sa sarili.Ewan ko ba kung saan ako nalalasing,sa ininom ko ba o sa mga nakakaadik niyang halik.

Kahit na hindi ako marunong humalik ay sumasabay lang din ako sa alon ng halik niya.His soft lips touches mine,ang sarap sa pakiramdam.Nilagay ko ang dalawang braso ko sa kaniyang leeg para mas maabot ko pa siya habang ang kamay niya ay nasa bewang ko na.

Napatigil ako sa paghalik ng may maramdaman akong kakaiba sa tiyan ko.


"T-teka lang..."
At doon ako sumuka sa damit niya then I suddenly collapsed.




The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now