PAMILYANG ASWANG

110 9 0
                                    

PAMILYANG ASWANG
Isinulat ni Alex Asc

Nagluluksa pa rin ako, dahil sa isang malagim na aksidenti. Aksidenting tumapos sa masayang pagsasama namin ni Inay at ni Itay. Bigla na lamang nagkabanggaan ang sinasakyan naming pampasaherong jep at sa isang dumptruck. Halos lahat ng pasahero ay namatay at himalang nabuhay pa raw ako. Ngunit nagtamo naman ako ng habang-buhay na kapansanan. Naputol ang isa sa mga paa ko, habang ang isa naman ay napilay na rin, kaya't habang buhay na raw akong magiging lumpo.

Ako si Kael. Kinse anyos na. Kasalukuyan sanang nag-aaral ngunit kailangan kong ihihinto. Dahil wala nang gagastus pa sa akin. Walang umako sa akin mula sa mga kamag-anak ko. Walang kapatid si Inay, mga pinsan lamang at si Itay naman ay mayroong nag-iisang kapatid ngunit sa gubat naman daw naninirahan.

Dumating si Tita at ang asawa niya. Aniya, nais daw niya akong isama sa kanila. Wala na raw akong silbi at wala ng kakayahang maghanap-buhay. Kaya't doon na lang daw ako sa kanila, kaysa nandito sa mga pinsan ni Inay na wala namang paki sa akin.

Aamponin daw nila ako at ituturing na parang tunay na anak. Sumama naman ako sa kanila.

Naging mahirap sa akin ni pagbibiyahe dahil kita ko ang hirap na dinaranas sa akin ni tita at tito. Medyo napapansin kong galit si tito Ador, kaya't nahihiya na agad ako. Lalo pa ng dumating kami sa may bukana ng gubat. 'Di kalaonan ay dumating ang isang matangkad na lalaki, upang tulungan yata si Tito na buhatin ako.

"Jimsen, ito ang pinsan mo, si Kael." "Kael, ito naman si Jimsen, anak namin." Nakangiting turan ni Tita. Nagalak ako at bumakas ang kasiyahan sa damdamin ko. Hindi ko akalaing mayroon pala akong maaabutan na pinsan, na halos kasing edad ko lang. Ngayon ko nga lang siya nakilala, e.

"Jimsen? Insan... masaya akong nakilala kita," aniya ko. Ngumiti lamang siya, wari pilit na pagngiti. Agad kong inabot ang kamay ko. Nakipagkamay naman siya.

Malayo-layo rin ang nilakbay namin mula bukana ng kagubatan. Napakalayo pala ng bahay nila. Nakakapagtaka at dito pa sila nanirahan. Mag-isa at walang kapitbahay.

Simpli lang ang bahay nila. Isang kubo na may tatlong silid. Mukang masaya naman ang pamumuhay nila rito. Dahil pagod ang dalawa sa biyahe ay tila natulog na iyon sa kanilang silid.

Ako nama'y naghahanda ng aking mga damit. Itinigil ko iyon at gumapang upang puntahan si Jimsen. Pagdating sa sala ay nakasara na rin pala ang pintuan ng silid ni Jimsen. Nagpasya na lamang akong bumalik sa bago kong silid.

Mula bintana ng aking silid ay nakatanaw ako sa labas. Muling bumabalik sa alaala ko ang masasayang sandali kasama si Inay at Itay. Namumu o na naman ang luha sa aking mga mata. Napakasakit talaga ng nangyari.

Nakatulogan ko na ang sama ng loob. Pagkagising ko ay gabi na rin pala. Gumapang ako palabas ng silid. Nakasara pa rin ang dalawang pintuan.

"Tita?" tawag ko, pero walang sumagot. Sa isip-isip ko ay baka tulog pa rin sila. Medyo nagugutom ako kaya't hinakbang ko na ang kalapit na kusina.

Sakto at may kanin naman at may parang lutong karne. Sumandok at nagsimula na akong kumain. Habang kumakain ay tila kakaiba ang lasa ng karne na iyon. Ngayon ko lang natikman iyon sa buong buhay ko. Pero dahil gutom, ay nakarami pa ako.

"Jimsen!" Nakatatlong tawag ako bago ako pagbuksan ni Jimsen ng pintuan.

"Ano ba! Napakaingay mo!" galit niyang wika habang nakatayo sa harapan ko. Naibaba ko na lamang ang paningin ko. Bigla niya akong pinagsarhan. Hindi ko akalaing ganoon pala siya.

Matutulog na sana ako nang may kakaibang tinig akong nauulinigan. Hindi 'yon huni ng maliliit na hayop, kundi parang 'yung mga aswang sa pelikula. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang pangit na nilalang na naglalaway at nakatanaw sa akin. Bigla kong naisara ang bintana at nagtalukbong na.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 11Where stories live. Discover now