MANGKUKULAM + ASWANG

173 11 1
                                    

MANGKUKULAM + ASWANG
Isinulat ni Alex Asc

Ginabi ng uwi si Mang Ramos mula bukid, nang mahinto siya dahil sa lalaking nakatayo na sa harapan niya. Bungisngis iyon at matalim ang titig sa kaniya.

"Hoy! Anong tinitingin-tingin mo?" sita niya pero sa isang iglap ay bigla na lamang lumitaw ang mga  pangil ng lalaki. Humaba ang mga kuko, umitim ang mukha at naging mabangis ang anyo nito.

"Diyos ko! Aswang!" sambit ni Mang Ramos. Tumakbo siya ng mabilis habang isinisigaw ang salitang 'Aswang'. Naabutan agad siya ng lalaki at walang awa siyang pinaslang.

Tumitilamsik pa ang masasaganang dugo ni Ramos habang kinakagat ng lalaki ang baha-bahagi ng katawan nito. Natumba na iyon ngunit hindi pa rin tinitigilan ng lalaki. Sinunggaban ng lalaki ang tiyan ng matanda at nilantakan ang mga lamang-loob. Saka lamang natigil ang aswang ng mapansin niyang paparating na ang mga tao.

Iyon ang mga kapitbahay ni Mang Ramos na may dala-dalang iba't ibang sandata panlaban sa aswang. Mabilis na nagpalukso-lukso ang aswang hanggang sa tuluyang makalayo.

Ganoon na lamang ang sindak at panlulumo ng mga tao nang madatnan nila ang nakakaawang sinapit ng bangkay ng matanda. Halos naubos ng nilalang na iyon ang bituka ng matanda.

Ibinurol agad ang matanda. Tipon na tipon ang mga tao roon habang pinag-uusapan ang aswang. Nagtataka ang mga tao kung sino iyon at saan galing? Unang pagkakataong may ganoong nilalang na napadpad sa kanilang pook.

"Mga kababayan! Walang ibang dapat sisihin kundi ang mga mangkukulam. Sila lang naman ang maaaring gumawa nito!" paninisi ng kapated ng matanda.

"Pero hindi naman sila aswang. Baka mamaya magkamali tayo ng paratang," pag-aalanganing sagot ng tiyahin nito.

Hindi nila maaaring sisihin ang mga mangkukulam dahil wala silang sapat na ebidensya. Isa pa, nagtagumpay na sila sa balak noon na palayasin sa kanilang bayan ang mga mangkukulam. Sa ngayon ay naninirahan lamang ang grupo ng mga mangkukulam sa kabundukang bahagi ng bayan ng Placenta.

Palalagpasin na sana ng mga tao ang nangyaring lagim. Subalit muli na namang naaktuhan ang lalaking aswang sa kapaligiran. Kamuntikan nang makakuha ng bata, kung hindi lamang napasugod ang mga kapitbahay ng mag-ina. Nabitawan ng aswang ang bata at mabilis na lumayo.

Dahil sa pagkakaulit nang panggugulo ay napagpasyahan ng mga tao na magmatyag upang hindi na maulit ang nangyaring lagim. Kung sakaling muling lulusob ang pinangalanan nilang aswang ay saka nila papatayin.

Bumuo sila ng grupo ng mga kalalakihang magsasalit-salitan upang magbantay sa gabi.

Kasalukuyang naka-onduty nang gabing iyon ang limang kalalakihan. Gamit ang pedicab ay nagroronda sila sa kanilang pook. Paikot-ikot, hanggang sa pagsapit ng hating gabi. Sandali silang huminto nang may maramdaman silang kaluskos. Binunot nila ang kanilang mga baril. Itinutok sa pinanggagalingan ng ingay habang humahakbang, nang bigla ay lumukso patungo sa kanila ang isang lalaking aswang. Sunod-sunod ang pagpapakawala nila ng kanilang bala. Marami ang tumama sa aswang. Bumagsak iyon mula sa pagkakatalon. Agad nilapitan ng mga bantay. Patay na nga habang anyong nakakatakot pa rin ang itsura. Isa pa ring aswang. Kinabukasan ay nagbalik sa normal ang itsura nito.

"Iyan 'yong may pakana ng kamatayan ni Tatay Ramos!" anang isa sa mga bantay. Ipinarada nila sa buong lugar ang bangkay gamit ang sasakyan. Upang mamukaan ng mga tagaroon kung sino iyon. Ngunit walang isa man sa kanila ang nakakakilala.

"Hindi 'yan taga-rito! Baka taga labas!" anang isang babae.

"Lalong hindi rin ito kasapi sa lahi ng mga mangkukulam!" anang matandang lalaki.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 11Where stories live. Discover now