SUNDALONG ASWANG

140 11 0
                                    

SUNDALONG ASWANG
Isinulat ni Alex Asc

Isang grupo ng mga sundalo ang kasalukuyang pumupunta sa isang kuta. Isa umanong kuta ng mga rebelde. Maraming hindi kapani-paniwalang impormasyon ang nakalap ng pamunuan ng military tungkol sa bandidong grupo na iyon.

Ang mga rebelde raw doon ay mga aswang. Kung kaya't hindi raw sila basta-basta namamatay. Hindi rin basta-basta napapasok ang kanilang teritoryo. Ang mga sumusubok ay nabibigo. Marami nang failed mission ang isinakatuparan ng mga sundalo.

Kailangan nang matuldokan ang kasamaan ng naturang grupo. Marami silang atraso sa pamahalaan. Kabilang na roon ang pagpapasabog ng mga bomba sa ilang bayan.

Nanggugulo umano ang mga rebelde, dahil sa hangarin nilang hindi maibigay ng goberno.

Kasalukuyang nakikipagbakbakan sa mga rebelding iyon ang pangkat ni Leutenant Edwin Caraga. Inabot na sila ng gabi pero hindi pa rin humuhupa ang gyera.

Nanlaki ang mga mata ni Edwin. Kitang-kita ng pares niyang mga mata. Natamaan ang isa sa mga rebelding iyon. Sapul sa ulo mula sa sniper ng kanilang kasama ngunit pagkaraan lamang ng ilang saglit ay biglang tumayo ulit. Iwan ba niya kung namamalikmata siya o hindi.

"Sir, mga aswang po talaga ang mga iyan! E, hindi tinatablan ng mga bala, e," sumbong ng kaniyang kasama. Ayaw isuko ni Lt. Edwin ang laban. Malaki ang pagnanais niyang maibagsak ang mga iyon.

Napuno na ng nakakabinging ingay ang kapaligiran. Palitan ng putok mula sa malalaking armas. Hindi humuhupa ang laban, dahil sa mga rebelding aswang na walang kamatayan.

Kumalat na ang karimlan sa paligid. Saka pa lang napagtanto ni Edwin na nauubos na sila, na kailangan nilang umatras.

"Cease fire!" Nagsitigilan sa pagpapaulan ng bala ang mga natitirang sundalo.

"Kailangan nating umatras, hindi natin sila kaya! Hindi sila maubos-ubos!" Humakbang na ang mga sundalo. Nang magsiluksuhan ang mga nilalang patungo sa kanila.

Nagulat ang mga sundalo, dahil ang mga taong patungo sa kanila ay mga nakauniporme ng pangsundalo. Sa una, nagalak sila dahil akala nila'y dumating ang kanilang re-enforcement. Ngunit nagtaka na sila sa liksi ng galaw ng mga iyon.

Nang makalapit sa kanila ay saka nila namukhaan ang mga iyon. Mga aswang, mga sundalong aswang. Nakakatakot ang mga itsura nila. Wari hayok sa laman. Tumutulo pa ang kanilang mga laway.

Niratrat ng mga sundalo ang mga aswang. Ngunit hindi natutumba, patuloy lamang sa paglapit. Hanggang sa marating ng mga aswang ang mga sundalo. Pinagkakagat na silang mga sundalo. Pinaglalapa, pinagpipistahan.

Napuno ng palahaw ang paligid dahil sa lagim na nagaganap.

Ipinatawag ng General Director ng Army ang grupo ni Colonel Feliciano Robles. Matunog na ang pangalan ng grupo kahit noon pa man. Isa silang special team dahil sa galing nila sa pakikipagdigma.

Maraming mission ang naging succesful sa grupong ito. Nasa labing dalawa ang bilang nila. Magkakaibang lugar ang kinadedestinohan nila, ngunit maaari silang maipon kapag isasabak na sila sa laban. Isa silang uri ng special forces.

Kabilang sa kanila si Staff Sergent Alvin Magdalo. Baguhan siya sa grupo. Request siyang mapabilang sa kanila, dahil na rin sa taglay nitong katapangan.

Matagal nang inaasam ni Alvin na ma-assign sa lugar na iyon. Nais niyang hanapin ang kaniyang utol na kapwa niya sundalo. Isang lider ng isang pangkat na ipinadala rin doon. Isa sa mga kakosa ng magiging tagapumuno nila na si Colonel Feliciano.

Isa ang kaniyang utol sa mga naunang nakasagupa ng pinaniniwalaang aswang. Walang nakabalik ni isa sa grupo na iyon.

Ngayon ay masayang-masaya si Alvin sa pagkakasali sa grupong iyon.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon