Ang Katapusan

1 0 0
                                    

Kumalap na ang kadiliman ng gabi at hindi makasilip ang kabilugan ng buwan sa kapaligiran sapagkat ito ay natatabunan ng makakapal na ulap na tila ba ay nagbabadyang umulan. Ngunit hindi dahil hindi naman mahangin ang paligid.






Patuloy sa pagtakbo ang isang matanda sa gubat. Kahit pagod at sugatan ay nagpatuloy itong lumayo. Nakatakas siya sa kamay ng mga malulupit na mangkukulam ng kadiliman. Tinangka siyang patayin ng mga ito. Bago pa man iyon ay gumawa siya ng paraan para makatakas. Puot at galit ang kanyang naramdaman sa kataksilan ng mga itinuring na kaibigan. Habang siya ay nasa gubat, sinimulan niya ang ritwal upang walang bakas na maiiwan sa kanyang dinaraanan. Paunti-unti ay naramdaman niyang bumibitiw na ang buhay ng kayang katawan at ilang saglit pa ay haharapin na niya ang katapusan ng ka yang buhay. Ang buhay na puno ng paghihirap na inakala niyang magbabago pa. Dahil lamang sa iisang lalaki, matatapos ang kanyang buhay. Nagmamadali siyang makakalap ng may buhay upang maisalin ang kanyang kaluluwa bago pa man mahuli ang lahat. Dinukot niya ang kanyang puso at pinagpatuloy ang ritwal na kanyang nasimulan. Narating niya ang kalagitnaan ng kagubatan at Doon ay natagpuan niya ang isang sanggol. Sanggol na binawian na rin ng buhay ilang minuto lamang. Isa iyong pagkakataon na hindi na niya pinalagpas pa. Dinukot niya ang puso ng sanggol at kinain ito saka niya ibinaon ang kanyang puso sa dibdib nito. Sa pagtatapos ng ritwal ay binawian na rin sya ng buhay at humandusay sa tabi ng sanggol.






Kumulog at dahan-dahang sumiwang ang buwan at nagliwanag ang paligid kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan.

Started in the EndWhere stories live. Discover now