"Baby, medyo takot ako" sabi ni Suzy sa gf niya. At napataas naman ng kilay si Jieun sa narinig niya. "Aww, don't worry baby. Hug kita promise" sabi nito at napangiti naman si Suzy sa harapan ni Rosè.


"Ang clingy pala ni Unnie? Nakakapanibago." bulong ni Chaeyoung liit kay Mina at Momo. "True, nanibago nga ako. Hindi naman siya ganyan dun sa dalawa niyang ex" pag sangayon ni Momo at natawa naman si Mina sa tabi nila.


"Excuse me" cold na sabi ng isang babae, dahilan para mapalingon silang lahat. Nagsitawanan sila ng makita nila si Irene na pinapa alis yung babaeng nasa harapan niya at dire-diretso naglakad kung nasan si Lisa ngayon.


"May gusto ba si IU Unnie kay Lisa?" bulong na tanong ni Momo kay Mina, na ngayon ay nanonood kay Irene na biglang niyakap si Lisa. "Yup, halata naman. Hindi naman magiging ganyan ka possessive si Irene Unnie ng wala lang" cold na sabi ni Mina at kinuha niya yung phone niya dahilan para magkatinginan si Momo ay Chaeyoung.


"Selos."


Pagkasakay nila sa rides ay nagkunwaring natatakot siya para mayakap siya ni Rosè. Masaya naman siya dahil alagang alaga siya ng gf niya na ngayon ay busy na icheck siya at tanungin kung okay lang ba siya.


"Okay lang yan Joy, tiis na lang." bulong ni Yerim sa kaibigan niya. Maya maya ay nagulat sila ng biglang may lalaking tumatakbo at palapit na lumapit sakanila.



Sungjae??


"Hello, sorry natagalan ako dun sa parking lot" sabi ni Sungjae na hingal na hingal. At napatingin naman tuloy si Rosè sa dalawa. Napansin naman ni Jisoo yung kakaibang tingin ng kaibigan niya pagdating ni Sungjae na kausap ngayon si Joy.


"Baby? Nakikinig ka ba?" tanong ni Suzy sa gf niya. "Y-yes sorry. Ano nga ulit yun?" tanong niya sa gf niya. "Nagugutom ka na ba? Baka gusto mo na kumain?" tanong sakanya ni Suzy. "Medyo, ask natin sila kung kakain na ba tayo." Sabi nito at tinanong naman nila yung mga kaibigan nila.


"Mga dalawa o tatlong rides pa Rosè, tas kain na tayo keri lang ba?" tanong nila Tzuyu at tumango naman siya. Sa totoo lang hindi pa naman siya gutom talaga iniisip niya lang si Suzy na baka gutom na dahil galing sa shooting.


"Hey, Unnie nandito ka pala." nakangiting bati ni Sungjae kay Suzy. "Yup, ikaw rin eh. Humabol ka pa" masayang sabi ni Suzy. "Syempre, masama pakiramdam ng Joy ko, ayoko siya maging si sadness" masayang sabi ni Sungjae at napatingin naman sakanya si Rosè.


"Okay, parang lalong sumasaya to ah" bulong ni Chaeyoung kay Tzuyu na kasabay niya ngayon maglakad. Napatawa naman tuloy sila at napatingin sila Seulgi na natatawa rin.


"Hon, ikaw ba tumawag kay Sungjae?" tanong ni Jisoo sa gf niya. "Si Irene Unnie." sagot nito at nagulat naman si Jisoo sa sinabi niya, pero at the same time ay nag eenjoy na rin. Napansin niya rin na nag s-space out na yung kaibigan niya at hindi makapag focus sa girlfriend niya.



"Anong ginagawa mo Chaeng?" bulong niya sa sarili niya habang naglalakad.





"Anong ginagawa mo Chaeng?" bulong niya sa sarili niya habang naglalakad

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.
Idols (Suzy x Rosè)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن