Huminga naman ako nang malalim dahil kanina pa ako nagpipigil ng hininga. Nakita ko namang sumunod na si Ate Delia at sinarado nito ang pinto.

Ilang segundo pa akong nakatitig sa nakasarang pintuan nang may tumikhim na alam kong galing sa lalaking nakaupo na ngayon sa puting kama. Agad ko naman itong nilingon at alanganing ngumiti rito.

Napakunot noo naman ito at sumenyas na lumapit ako. Nagaalinlangan man ay namalayan ko na lang ang sarili ko na lumalapit papapunta sa kanya.

Nagulat naman ako nang bigla niya akong hinila kaya napaupo ako sa gilid ng kama. Dumikit ito sa akin kaya bahagya ko itong itinulak para hindi na siya makalapit pa.

Ngunit hindi man lang siya natinag kaya sobrang lapit na namin sa isa't-isa. Napaiwas naman ako ng tingin dahil naiilang na ako sa mariin nitong pagkatitig sa 'kin. Tatayo na sana ako nang bigla niya akong yakapin sa bewang. Nanlalaki naman ang mga mata ko dahil sa sobrang gulat.

"A-anong ginagawa m-mo K-kalas? B-bitawan mo nga a-ako baka m-makita tayo ni p-papá," nauutal kong sabi habang pinipilit na alisin ang braso niya sa bewang ko.

Hindi ito nakinig at mas nanlaki ang mga mata ko ng bigla nitong ilagay ang baba niya sa balikat ko. Nanayo naman ang aking mga balahibo dahil sa ginawa niya. Tuluyan na akong naistatwa ng maramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa gilid ng aking leeg.

"You are fvcking mine, baby. I won't let you out of my sight this time. You are trapped with me, forever," namamaos nitong bulong sa aking tenga at dinilaan ang likod ng aking tenga.

Napatili naman ako nang mahina dahil sa kiliti na naramdaman ko. Namula naman ako nang marinig ko ang mahinang halakhak nito sa aking tabi.

Mag sasalita na sana ako nang marinig ko ang papalapit na boses ni Papa sa pinto. Nataranta naman akong napatayo at muntik pa akong mapaupo sa sahig mabuti na lang at nahawakan agad ako ni Kalas sa bewang.

"Careful baby."

Mabuti na lang at nakalayo na ako kay Kalas na ngayon ay matiim na nakatitig sa 'kin. Inayos ko naman ang damit kong medyo nagusot at hinaplos ang buhok ko habang nakayuko.

Muli na namang namayani ang katahimikan nang binasag ito ng isang mahinhing boses na galing sa babaeng kasama ni papa papunta rito. Mukhang ito ang tinutukoy na nurse ni papa dahil sa suot nito.

Napatingin ako dito at pinagmasdan ang hitsura nito. Para itong isang modelo dahil sa tangkad nito at sa morenang balat na talaga namang bagay rito. At ang mukha nitong parang may lahing banyaga.

"It's so nice to meet you Mr. Russo. My name's Odette, your personal nurse at the moment. And it's my pleasure to work under you, Sir." Hindi ko alam pero parang tunog pang-aakit ang pagkakasabi niya nito kay Kalas.

Iniling ko naman nang mahina ang aking ulo dahil kung ano-ano na lang ang naiisip ko.

Sinundan ko naman ito ng tingin ng lumapit ito kay Kalas at ini-alok nito ang isang kamay sa harap ni Kalas na hindi man lang tinapunan ng tingin dahil nakatuon lang ang mga mata nito sa 'kin.

Tiningnan ko naman ito at isinenyas gamit ang mata ang kinaruruonan ni Odette na nasa harap niya. Ngunit parang wala lang itong nakita dahil patuloy pa rin ito sa pagtitig sa 'kin.

Ako na ang nahihiya sa mga pinaggagagawa niya.

Sobra na akong nahihiya dahil simula pa lang no'ng pumasok ako sa kwarto nito ay hindi na maalis-alis ang tingin niya sa 'kin.

Unti-onti namang ibinaba ni Odette ang kamay nito dahil mukhang walang planong makipagkamayan si Kalas sa kanya. Tila nahihiya naman itong bumalik sa tabi ni papa dahil sa inasal ng lalaki. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa inasal ni Kalas kanina.

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Where stories live. Discover now