Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat at sa pagkapahiya. Tatayo na sana ako ng tuwid nang bigla nitong hilahin ang pulso ko at mas lalong inilapit ang aking mukha sa mukha nito.

Agad akong pinamulahan ng pisngi lalo na ng makita ko ang ngisi sa medyo maputla nitong labi.

Agad ko namang hinila ang aking kamay at lumayo rito ng kaonti. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pamumula ng aking pisngi.

"G-gising ka na p-pala Ginoo. K-kumusta na ho a-ang pakiramdam n-niyo? May m-masakit po ba k-kayong nararamdaman?" nanginginig ang boses ko habang sinasabi ko 'yon. Mas lalong nag-init ang pisngi ko nang mas lalong lumaki ang ngisi nito.

"I fvcking missed you, doll." Bigla namang kumabog nang malakas ang puso ko nang marinig ko ang malalim at paos-paos nitong boses na mas lalong  bumagay sa kanya. Namula na naman ako nang maisip ko 'yun.

Magtatanong na sana ako kung ano ang ibig niyang sabihin nang bumukas ang pintuan at pumasok si Papa. Inayos ko naman ang pagtayo ko at tumingin kay Papa na siyang nakatingin pala sa 'ming dalawa.

"Gising ka na pala. May iba ka pa bang nararamdaman? Maya-maya ay darating na ang nurse na magaasikaso sa 'yo habang wala ako," seryoso nitong sabi habang mariing nakatitig sa lalaking hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.

Nang ibalik ko ang aking tingin sa lalaki ay nanlaki ang mata ko nang makita ko itong seryosong nakatingin sa gawi ko imbis na sa ama ko.

Napakurap-kurap naman ako at agad na tumingin kay papa na ngayon ay mas lalong nakakunot ang noo habang nakatingin sa lalaking nasa kama. Agad naman akong kinabahan dahil sa namumuong tensyon sa loob ng kwarto.

Agad naman akong tumikhim at nagtagumpay naman akong kunin ang kanilang atensyon.

"A-ah Mister, kung hindi niyo po mamasamain ay ano ho ba ang inyong pangalan at bakit po kayo may tama ng bala nang makita kita sa harapan ng aming bahay?" Lihim naman akong nagpasalamat dahil hindi na ako nautal katulad kanina.

"Just call me Kalas, doll." Ngumiti naman ako sa kanya at bahagyang yumuko. "And sorry for the trouble that I've caused you, baby. It's nothing." Nalaglag naman ang aking panga dahil sa sinabi niya.

Agad naman akong nataranta nang makita ko ang madilim na mukha ni Papa at parang handa na nitong lusubin si Kalas.

Kaya agad akong lumapit sa kinaroroonan papa at hinawakan ang nakayukom nitong kamao. Kinabahan naman ako dahil sa nakakamatay na tingin ni Papa na ipinupukol sa lalaking nasa kama habang ang lalaki naman ay matiim na nakatingin sa aking direksyon na dahilan kung ba't mas lalong dumilim ang mukha ni Papa.

"Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo lalaki. Kung gusto mong makalabas ng buhay rito sa pamamahay ko ay ayos-ayusin mo ang mga pinagsasasabi mo," madiin na sabi ni papa habang matalim na tinitingnan si Kalas na hindi pa rin inaalis ang kaniyang tingin sa 'kin.

Kaya tiningnan ko naman ito tsaka mahinang umiling. Napakunot naman ang noo nito kaya hindi ko namalayan na kinagat ko ang aking labi. Dumilim naman ang ekspresyon nito bago umiwas ng tingin sa akin kaya napabuntong hininga naman ako.

Hindi naman nagsalita si Kalas at walang ekspresyon itong tumingin sa ama ko. Nabasag ang kanina pang tahimik at mabigat na atmospera nang may kumatok sa pinto at pumasok si Ate Delia.

Yumuko naman ito saglit at tumuwid na ng tayo. Nang makita niya ako ay agad itong ngumiti sa 'kin. Ngumiti naman ako pabalik at kumaway nang bahagya. Ngayon ko na lang kasi siya nakita dahil umuwi ito sa probinsya nila noong isang linggo.

"Sir Marco nandiyan na po ang nurse na hinihintay niyo. Naroon po siya sa sala at hinihintay kayo." Tiningnan niya muna ng matalim si Kalas bago ito lumabas ng kwarto.

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Where stories live. Discover now