Chapter 2

3 1 0
                                    

"Bayan ang lag naman dito." Reklamo ko

Asa bicol ako ngayon, sembreak kaya pinauwi muna ako dito ng mama ko. Wala kaming wifi dito kaya nag tatiyaga ako sa load kaso mabagal din ang signal, nag lalaro kase ako ng ml kaya grabe nalang ang reklamo ko.

"Oy last g na muna ako sobrang bagal talaga ng data ko, bawi nalang ako pag bumalik na ako jan." Sabi ko sa mga kakampi ko, sila logan lang din yun wala naman na akong ibang kinakalaro.

Natapos na ang game at tumambay muna ako sa facebook.

"Cyrus Villegas sent a friend request."

Hindi ko na pinansin yan kase di ko makita yung picture pero mukhang pamilyar saakin ang pangalan.

Pumasok na ako ng bahay para mag impake dahil mamaya lang din ay babalik na ako ng cavite, tapos na sembreak eh.

"May boyfriend ka ba ngayon?" Nakakagulat na tanong ng lola ko.

"Wala, study first ako la." Palusot ko

Well wala naman talaga kase so di rin ako nag sisinungaling.

"Tama yan, mag aral ka na muna. Wag mo na muna ako bigyan ng apo sa tuhod, baka sampalin kita." Biro ni lola.

"Nako la, ayoko ng bata, di ako mag aanak, I hate kids, sakit sa ulo." Sagot ko

"Sus kakasabi mo niyan mas lalo ka lang mabubuntis, kaya wag ka na muna mag boboyfriend! Mag tatapos ka pa para naman may nakapag tapos sa pamilya natin!" Sabi ni lola

Hindi nalang din ako sumagot, grabe talaga kase yung pressure sakin.

Panganay ako sa apat na magkakapatid, single mom lang si mommy at dahil panganay nga ako, pressure talaga. And the fact na walang nakapag tapos sa mga tito at tita ko, kaya grabe nalang ang ingat nila sakin. Di ko rin naman sila masisisi and ginagawa ko ang best ko para maging proud sila saakin someday kahit na may pagka matigas ang ulo ko.

Grade 11 palang ako ngayon, bakit kase may k-12 edi sana college na ako, edi sana malapit na malapit na akong maging teacher.

Sumapit na ang alas otso, at uuwi na ako sa cavite, 8 hours na biyahe din kaya gabi na ako umuwi para matulog lang ako buong biyahe. Well, dipende kung aantukin ako pero sana nga matulog nalang ako.

Nag chat ako sa aming gc.

[KatyaPascua]: Pauwi na ako mga tanga, wag kayong maarte sa pasalubong ha!
[YassiAquino]: oks lang kahit ano, kahit keychain ulit na tit* yan tulad nung pasalubong mo samin last year galing baguio.
[CarolUy]: HAHAHAHAHA may pasalubong kayo non? :)
[KatyaPascua]: luh ayan nanaman sige na nga bye na, tatampo nanaman si ate mo caroline.
[Niko]: ganyan talaga kat, mag tatampo sa gc pero di naman na nag papakita saatin. Ayoko nalang mag drop name.
(Carol Uy left the group.)
[GonzalesKian]: HAHAHAHA hoy add niyo agad mag tatampo talaga yan
[KatyaPascua]: bahala na kayo jan wala akong kinalaman jan ha!
[GavinLangTo] ingats, wag ka sana mamatay

At pinatay ko na phone ko. Nasa terminal na ako at namimili na ako ng pasalubong. Binigyan ako ni mommy ng pang bili ng pasalubong kase wala rin naman akong pera, parang ayoko na nga lang silang bigyan mga patay gutom yun eh, pero pag dating sa pili nut eh mas patay gutom ako.

Madami dami na akong bitbit at hinanap ko na yung bus na sasakyan ko, saktong kakarating lang at agad naman akong sumakay.

Umalis na ang bus na sinasakyan ko ng napagisipan kong mag halungkat ng friend request ko, actually nag aunfriend na ako kase noong junior high ako eh kung sino sino ina-add at accept ko dahil feeling famous ako.

Habang nag i-scroll down ako ay may nakita akong familiar na pangalan.

Cyrus Villegas

Villegas? So pinsan to ng ex ni Yassi?

Inistalk ko muna siya baka kase nagkakamali ako at mayroon kaming 113 na mutual friend.

Nakita ko ngang pinsan siya ni Justin kaya inaccept ko siya at feeling ko naman eh school mate ko siya before.

Mag e ml sana ako dahil sa sobrang pagkabored ko ng biglang nag notif ang messenger ko.

Cyrus villegas waved at you.

Sineen ko lang.

Ako talaga yung tipo ng tao na gustong kausap minsan pero sobrang tamad mag reply, and the fact na di talaga ako nakikipag usap ng kung sino sino.

Kaya naman ay nanuod nalang ako ng mga video sa facebook at nag share ng mga memes specially about kpop at ml.

Tinawagan ko si Lily, alas dose na kase tapos online pa siya kaya naman iistorbohin ko na dahil bored din ako.

"Alam ko na bat katumawag kat." Intro ni Lily

"Ano?" Malisyoso kong tanong.

"Anniversary niyo dapat kase ngayon ng dalawa mong ex hahaha so obviously, eto yung pinakahate mong araw." Sabi niya

November 17 ngayon, at totoo mga sinabi niya.

"oo nga pala muntikan ko ng makalimutan." Sabi ko

"Happy anniversary sayo, ako na babati para sa dalawa mong ex." Pang aasar ni Lily.

"Ay ewan ko sayo sige na matulog ka na tutulog nalang din ako dito."

"Sige ingat ka ha bye labyu."

At binaba ko na ang tawag. Inaantok na rin ako kaya matutulog na muna ako tutal malayo layo pa naman ang biyahe.

Pagkatapos ng tatlong stop over, biyahe ng 8 hours ay nasa alabang na ako, at nakita ko na agad ang kotse namin dahil sinundo ako ni mommy.

"Oh kamusta biyahe?" Panimula ni mommy.

"Okay lang naman, naka tatlong stop over pero ayun panay kape lang ako." Sabi ko habang papasok sa kotse.

"Ahh sige drive thru tayo." Sabi ni mommy.

Alas singko ng madaling araw palang naman kase kaya natulog lang ulit ako sa biyahe.

Pagkauwi namin ay natulog nalang ulit ako.

Nagising ako ng bandang alas tres na ng hapon at agad ko namang chineck ang messenger ko.

[CyrusVillegas] Ml tayo sis. :[]

Hindi ko sana rereplayan kaso naisip ko ml lang naman kaya sige pumayag na ako.

[KatyaPascua] hala weak ako eh hahaha pero sige

Agad naman siyang nag reply.

[CyrusVillegas] lakas mo nga eh, ano ign mo? Add kita laro tayo. :))

[KatyaPascua] uhm xKatyA  ign ko, sige ikaw ba ano ign mo? Ol na ako hehe support lang role ko ha

[CyrusVillegas] hisokaaae ign ko, sige mag kocore ako. Open mic tayo ah :))

At agad naman akong nag bukas ng ml kahit hindi pa ako nag hihilamos at nag mumumog.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love, PleasureWhere stories live. Discover now