XXVIII.

44 1 0
                                    

The trial


The Judge announced that the court would recess until tomorrow. Tumayo ako at inayos ang mga gamit namin ni Trent. Sobra akong namomroblema sa kaso na 'to dahil hanggang ngayon hindi pa rin nahahanap si Mr. Dan, 'yong driver ng kliyente namin. Dagdag pa ang hindi pag-grant ng bail application namin para mailabas si Mr. Suarez sa kulungan. 


A gold specs was also seen when the last victim was found. Nang makita namin ang salamin na nasa crime scene, we suspected na baka may nabiktima pa siya bago 'yong huling namatay. Nagkakagulo tuloy ang prosecution pati kami dahil sa suspetya na 'yon. Hindi pa rin namin makausap ngayon si Miss Dela Cruz dahil nagkaroon lang siya ng malay kaninang umaga. 


Hinawi ko ang buhok ko habang naglalakad sa hallway para bumalik sa hotel at magpahinga saglit. Kailangan kong magpahinga para makapag-isip.


"Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Trent. 


"Your boyfriend's heading to our hotel room," Aniya kaya napakunot ang noo ko. "Pero susunod din kami ro'n nila Connor," Dagdag niya pa. 


Nagpaalam na ako sa kaniya at nagmadaling sumakay ng taxi para bumalik na sa hotel. Gusto ko talaga siyang makita kahit na sobrang bigat ng kasong 'to. Habang nakasakay sa taxi, nag-message ako kay Yael na mag-lock ng mga pinto ro'n. Mga ganito kasing oras, nakauwi na siya galing school. 


Pagbaba ko, dumiretso na agad ako sa lobby para sumakay sa elevator. I didn't mind if my heels were clicking and the people who were looking at me dahil nagmamadali ako. Naghintay ako sa tapat ng elevator at sinagot ang tawag ng kapatid ko. 


"Ate," Panimula niya. "Uwian mo 'ko ng brownies ni Tita Tracey.." Sambit niya. 


Kumunot ang noo ko. "Ano ba 'to? Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo diyan, e.." Sabi ko. 


"Tsaka sabihin mo kay Trina, replyan niya 'ko kung okay lang.." Aniya bago binaba ang tawag. 


Napangiti naman ako habang umiiling dahil sa narinig. Alam ko naman na gusto niya si Trina, hindi lang niya inaamin sa akin. Wala naman akong problema kung may magustuhan siyang babae kasi sa tingin ko naman normal 'yon. 


"Good afternoon, Attorney.." Napalingon ako sa lalaking tumabi sa akin sa tapat ng elevator. "Nag-lunch ka na?" Tanong ni Bullet bago inabot ang bouquet ng tulips. 


"Hindi pa," Sagot ko pagkakuha ng bulaklak. 


"Tara," Nilahad niya ang kamay niya pero hawak ko sa magkabilang kamay ko ang bulaklak at bag ko kaya hindi ko mahawakan ang kamay niya. 


Tumawa ako nang kuhanin niya ang bouquet para mahawakan ko ang kamay niya. 


"Ayaw mo bang kumain?" Tanong ko. 


"Magpapabili na lang ako ng groceries para makapagluto ako," Sambit niya. "Pupunta sila Connor dito mamaya, may inaasikaso lang.." Dagdag niya. 

Exquisite Destruction (Prime Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon