IV.

29 3 0
                                    

Ligaw


"It's an aftershock! Everyone, out. Now!" Sigaw ni Capitana. 


Sa pagmamadali, sumabit pa ang kaliwang binti ko sa mga bakal na nakaharang sa daan namin kaya dumugo pa 'yon. 


Dinala na namin ang mga workers na nailabas sa loob ng tent bago ako lumabas. Sinalubong naman kami ni Kidd para sabihing kumpleto na raw ang mga nasa listahan. Pagkatapos no'n narinig namin si Chief na okay na raw at pwede nang umuwi. 


"Facundo," Nanlamig ako nang marinig ang boses ni Coach. 


"Calvin, Kidd!" Narinig kong tawag kela Calvin at Kidd nung Vaughn. Mukhang may aayusin sila kaya bago sila umalis, nilingon muna nila ako bago nagmadaling maglakad para tumulong do'n. 


"Yes, Coach?" Magalang na tanong ko habang nakalagay ang dalawang braso sa likod. 


Tinignan niya ang binti ko bago binalik ang tingin sa mata ko. "Nakikita mo 'yon? Si Dr. Lopez, ipalinis mo 'yan tapos aalis na tayo," Aniya. 


Gulat akong nag-angat ng tingin sa kaniya dahil mukhang hindi siya galit. 


"Bakit? Masakit ba?" Tanong niya dahil nakatingin lang ako sa kaniya. 


Umiling ako. "Hindi po, Coach.." Sabi ko bago muling tumingin do'n sa doktor dahil ginagamot niya na ang braso ni Capitana. 


Bumuntong-hininga si Coach bago nilibot ang paningin sa loob ng tent. 


"Ayon, kay Dr. Fuentez.." Turo niya sa isang doktor. 


Mabilis akong lumapit sa kaniya para magamot na ang sugat ko at makauwi na kami. 


"Anong height mo, sis?" Tanong ni Dr. Fuentez. 


"5'8 po," Sagot ko. 


"Taray! Ang tangkad, ah?" Aniya habang ginagamot ang sugat ko. 


Nagpasalamat naman ako agad matapos malagyan ng benda ang sugat ko. Pagkatapos no'n, lumapit na ako kay Coach bilang senyales na maayos na ako at pwede nang umalis. Tumango lang siya bago naglakad palapit sa sasakyan. 


Papasok na 'ko sa driver's seat nang maunahan niya ako. 


"Ako na ang magmamaneho," Aniya kaya umurong ako para makaikot sa kabila. Pagkasakay ko, lumingon siya para tignan kung nakalagay na ang seatbelt ko bago pinatakbo ang sasakyan. Malapit lang naman ang bahay do'n sa site at kakayanin na lakarin kaso sa lagay ng paa ko, baka matagalan kami kung naglakad pa. 


"Babalik tayo sa headquarters bukas, ah?" Paalala niya. 


"Po?" Nag-aalalang tanong ko dahil baka hindi na ako payagan dito sa Illano. 


"May mga kukuhanin tayong rifle do'n tsaka 'yung baril mo," Aniya. 

Exquisite Destruction (Prime Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon