V.

33 3 0
                                    

Isang Gabi


Nagising ako nang alas kwatro na nang hapon dahil sa hampas sa akin ni Kidd ng unan. Ang lakas pa ng patugtog ni Calvin sa loob ng kwarto habang nagliligpit sila. Alas kwatro na kasi kami nakauwi at hindi rin naman ako agad nakatulog dahil sa narinig ko kagabi. Nalaman ko pang bubuksan ang kaso ni Yller, 'yung kapatid ni Chief, para imbestigahan ng Venom. Sa kasamaang palad, hindi ako kasama sa mga pangalan na pwedeng tumulong sa imbestigasyon.


"Bumangon ka na riyan, 'di ka pa nanananghalian!" Ulit ni Kidd. 


"Oo na. Teka lang kasi," Inis na sabi ko dahil inaantok pa ako. 


Pumasok ako sa banyo para maligo. Makaraan no'n, nagsuot ako ng isang itim na pantalon na tinernuhan ng maroon na pang-itaas bago nilagyan ng balisong ang leather jacket ko. Hindi pa naibibigay sa akin ni Coach ang baril ko pero sinigurado kong may paglalagyan ako no'n sa bulsa. Tinuyo ko rin ang buhok ko bago iyon tinali nang mataas. Kinuha ko ang earpiece ko bago lumabas para mag-ayos ng gamit at ng kama. 


Mag-aalas singko na nang tumayo si Kidd sa higaan para magpalit lang ng shirt at ayusin ang buhok. Inayos din nila ang ilang gamit nila habang nag-aayos ako kaya sabay kaming nakababa. 


Tinawag ako ni Coach para ayusin at i-check ang connection ng earpiece namin. Pinaliwanag niya pa sa akin ang lahat ng mga kailangan naming gawin. Konektado kasi ang hawak namin na kaso sa kailangang asikasuhin nila Sir Gun. Panay ang ulit ni Coach sa akin ng mga gagawin hanggang sa may nilabas siyang mapa. Tinuro niya sa akin ang possible locations kung saan pwedeng dumaan ang serial killer. 


"Kaya gagamitin mo 'yung kotse ko, tapos dito ka.." May binilugan siya na location do'n sa mapa bago muling tumingin sa akin para tignan kung naunawaan ko. "Tapos dito ako sa kabila. 'Wag ka nang maysadong umikot dahil baka mahalata ka. 'Yung mga surveillance camera naman diyan sa area, maayos na kay Angie.." Aniya bago tumayo nang maayos. 


"Tapos eto," Sambit niya sabay abot ng isang itim na pistol at ang posas. "Naintindihan mo ba lahat ng pinaliwanag ko?" Tanong niya. 


"Yes, Coach.." 


"Isantabi mo muna 'yung kung anong laman ng isip mo ngayon para maganda 'yung performance mo mamaya. Dito nakadepende kung ibabalik kita sa headquarters.." Aniya kaya napaayos ako ng tayo.


Hindi ako pwedeng ibalik sa capital dahil wala na akong magagawa kapag gano'n. Hirap na hirap na nga ako dahil sa Venom ako pumasok, paano pa kaya kung malayo ako sa mga Griego. Kung tutuusin, mas okay na 'tong ganito. 


Nagpaalam na kami kay Miss Angie para umalis at pinasakay na ako ni Coach sa sasakyan niya. 


"Sabihan mo agad ako kapag nakarating ka na," Aniya bago tumango kaya binaba ko na ang bintana bago pinatakbo ang sa sasakyan. 


Mabilis naman akong nakarating sa location kung saan ako maghihintay. Bumaba ako para ilagay ang mga road blocks at sumenyas sa ibang mga driver na sa kabila na lang dumaan. Nilabas ko pa ang posas ko dahil mukhang hindi naniniwala ang isang driver. 

Exquisite Destruction (Prime Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon