Chapter 3

2 0 0
                                    

Belle's POV

Maaga akong pumasok sa university ngayon dahil nagpatawag ng meeting ang president ng music club. Isa nga pala akong member ng music club.

"Okay everyone, we have new members. I hope na magkasundo kayo." sabi ng class president namin sabay lingon sa pinto.

"Magsipasok na kayo." dagdag niya kaya napalingon na rin ako sa pinto.

Bumukas na ang pinto at unti-unti ko na ring naaaninag yung mga pumapasok. Unang pumasok yung magandang babae, mukha siyang mabait. Sumunod naman yung lalaking katamtaman lang ang height pero mukhang may lahing japanese, cute siya at mukhang friendly. Huli namang pumasok si....... Kavin?!!!

>_<

Nag-umpisa na silang magpakilala.
I learned na Trixia pala yung pangalan nung babae at Kenjie naman yung pangalan nung mukhang japanese at tama nga ang hinala kong may lahi siyang hapon.

"Magkakaroon nga pala tayo ng Music festival dito sa university at inaasahan ng dean na magpeperform ang music club sa event na ito. Since limitado lang ang oras na binigay ng dean para sa performance ng club natin kaya hindi muna makakasali ang lahat. Magkakaroon tayo ng individual, pair at group performance. Sa next meeting ko nalang sasabihin kung sino ang napili ko. Puwede na kayong bumalik sa mga klase niyo at para sa mga hindi pa naman nag-ii-start ang klase, You can stay here for a while para mag-practice. That's all"

Since after lunch pa naman yung class ko naupo muna ako sa isa sa mga upuan para mag-practice. Inilabas ko sa lalagyan ang gitara ko at nag-umpisa nang ii-strum ito. Nanatili akong nasa ganoong posisyon nang may umupo sa tabi ko at kilala niyo na siguro kung sino yon. Walang iba kundi si......Kavin. Siyempre siya lang naman ang may lakas ng loob na kausapin ako.

"Hi!" bati niya.

nginitian ko lang siya nang may naalala ako. May nagpapaabot nga pala ng chocolate at love letter sa kaniya kaya agad ko yung nilabas sa bag ko.

"May nagpapaabot nga pala niyan sa'yo"sabi ko.

Napatingin naman siya sa hawak ko sabay tingin sa'kin with matching nanglalaking mata pa pero biglang napalitan yung ng mapang-asar na tingin kaya nagtaka ako.

"Crush mo pala ako. Hindi mo naman kailangang magbigay ng ganito. Nag-abala ka pa"

Gulat ko naman siyang tinignan

"Huh? But hindi naman talaga galing sa'kin yan at mas lalong wala akong gusto sa'yo"

Natawa naman siya. May sapak ba 'to?

"Biro lang hahaha. Sa'yo na lang, allergic ako sa chocolate eh."

Abot niya sa'kin sabay tayo at lumabas na sa room ng music club.

Ano namang gagawin ko rito. Eh ang dami nito???

∑( ̄□ ̄;)???

Love You UnexpectedlyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang