Ang berde nitong mga mata na parang kapag tinitigan mo ay malulusaw ka sa sobrang talim ng titig niya sa 'yo. Ang aristokrata nitong ilong na talaga namang kaiingitan ng kung sino. Ang labi nitong sing-pula katulad ng rosas at mukhang napakalambot kapag ito'y iyong hinawakan.

At ang malaki nitong pangangatawan na parang kayang pumisa ng tao. Nakakaagaw pansin ang namumutok nitong mga braso at ang mga ugat nito na kitang-kita na parang ang sarap damhin. Napamulat agad ako sa aking naisip.

Iniling-iling ko ang aking ulo dahil nagiging makasalanan na ang aking isipan. Nagdasal muna ako bago ako nakatulog.

Binati namin ni Mother Superior si Father Louie dahil ngayon na ang kaniyang kaarawan. Marami ang dumalo sa kanyang mansion kung saan niya ipinagdiwang ang kaniyang kaarawan.

Marami nang nakausap si Mother at sa bawat grupo na nakausap niya ay pinapakilala niya ako. Ngumingiti lang ako sa kanila at bumabati pabalik. Hindi talaga ako magaling sa pakikipag halubilo sa ibang tao.

Mas gusto ko lang na nasa sulok at pagmasdan ang mga tao. Kaso hindi ko naman maiwan si Mother dahil kailangan kong lagi sa tabi niya.

Sinasanay niya na ako dahil 'yon raw ang mga gagawin ko kapag naging opisyal na madre na ako. At malugod naman akong sumunod sa kanya.

Hindi rin nagtagal ay natapos na ang selebrasyon. Kaya pumanhik na kami ni Mother para makapag pahinga dahil ramdam ko na ang pagkapagod ng aking katawan.

Pumasok na kami sa kanya-kanya naming silid para makapag pahinga na. Lalo na't maaga pa ang byahe namin pabalik sa Maynila.

"Maraming salamat sa pagpapatuloy mo sa 'min dito sa iyong mansion Father Louie. Kami ay nagagalak dahil sa kabutihang ipinagkaloob niyo sa 'min. Napakabait mo talaga simula pa lang noong una kitang nakilala. Nawa'y maging masaya ka sa buong buhay mo Father," malumanay na sabi ni Mother na may ngiti sa labi.

"Maraming salamat din po Father sa pagimbita niyo sa 'min. Masaya po akong nakilala ko ang katulad niyong may napakabuting puso. Paano po at aalis na po kami. Salamat po sa mainit na pagtanggap niyo sa amin," nakangiti kong saad at nagmano sa kanya.

"Ako rin ay nagpapasalamat dahil kahit sa maikling araw lamang ay nakasama ko kayo. Mag-iingat kayo sa paguwi. At Sister Therese, lagi mong iingatan ang sarili mo. At ikaw naman Sister Raffy napakabait mong bata at alam ko na karapat-dapat ka sa pagiging madre. Oh siya, ihahatid ko na kayo papuntang airport. Mas mapapabilis kayo dahil nakahanda na ang kotse sa labas."

Agad naman kaming sumunod sa kanya. Kumaway ako kay Cleo nang matanaw ko siyang nakasilip sa amin. Kumaway rin ito pabalik at binigyan ako ng isang malaking ngiti.

"Gusto niyo po bang pumasok muna sa loob Mother Superior? Kumain muna po tayo sa loob, alam ko pong nagugutom na kayo," sabi ko nang huminto na ang van na sinasakyan namin sa harapan ng bahay namin.

"Sige ba hija, pero saglit lang ha. Nais ko lang magpasalamat sa magulang mo dahil pinayagan ka nilang samahan ako sa Aklan."

"Ayaw niyo po bang magtanghalian dito? Masarap pong magluto si mama," pangungumbinsi ko pa sa kanya.

"Hindi na Sister. May aasikasuhin pa kasi ako pag dating ko sa kombento. Pero salamat sa pag-aalok."

Wala naman akong nagawa kaya hinayaan ko na lang si Mother. Hindi rin talaga siya nagtagal dahil kinausap niya lang saglit si Mama at nagpaalam na ito na aalis na. Hinatid ko siya sa labas ng gate at kumaway na sa kanya.

Pumasok na ako sa bahay at naabutan ko si Mama na binibitbit ang aking maleta. Agad ko naman itong pinigilan at ako na ang nagdala patungo sa taas.

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Where stories live. Discover now