Chapter 7

4.5K 161 20
                                    

Chapter 7: Annoyed


"Oh, akala ko ba ginamot ng Justin na yun, yang sugat mo?" He asked strictly


"Yup, ginamot nya 'to" i said proudly




"Bakit, 'di nya nilagyan ng bandage?"



"Malay ko, di ko alam" i shrugged



"Tss, gagamutin ka na nga lang. Mali mali pa" bulong nya



Kinuha nya yung first aid kit na naka-stock sa SSG Office, kumunot ang noo ko nang makita ko syang binubuhusan ng alcohol yung cotton


"Kai!"



"Ano?"



"Ba't alcohol?! Betadine nalang!" Reklamo ko nang ma-realize na ilalagay nya to sa sugat ko



"Mas effective yung alcohol" he answered simply




"Betadine nalang" pagmamakaawa 'ko



"Nilagyan na yan ng betadine kanina kaya alcohol naman"



Hindi na ako nag-protesta, sya na ang nagpahid nong cotton sa sugat ko. Kung ibang sitwasyon to ay kikiligin ako but fuck! The alcohol is torturing! Sobrang hapdi nito!



Ikinuyom ko ang kamay ko at kinagat ang pang-ibabang labi, I'm not lying! Masakit talaga! It's a freaking open wound!



Hindi ako makatingin kay Kai kahit na nararamdaman ko ang paninimbang nya ng emosyon ko at diretso ang titig sa likuran na nasa harapan ko rin para pigilan ang pagtulo ng luha ko sa kirot na nararamdaman, 



I regret na hinayaan ko pa syang gamutin ako! Kung ganto rin lang kasakit ay wag na!



Narinig ko ang pagsinghap nya, "I'm sorry. Papalitan ko ng betadine" sabi nya,



I nodded and let out a sigh, the time flew like a whirling wind




When Friday came ay nalungkot ako, today will be the last day na i tu-tutor ako ni Kai pero i also thought na siguro mas mabuti na yun para hindi na mas marami yung iisipin at gagawin nya




Kaiden and I are walking at the hallway, as usual, ihahatid nya ulit ako sa gate ng school at hihintayin na makasakay ng taxi



Next week ay hindi nya na ako mahahatid because hindi na ako mag s-stay sa SSG office after class at susunduin na rin naman ako ni Manong Julius



"Call me when you get home" si Kai nang papasok na ako sa taxi, i only nodded and smile



"Oh, hija" bati sakin ni Nanay Lara pagkauwi ko ng bahay,



I greeted back bago dumiretso sa kwarto ko para magbihis




I put my school bag on the couch sa room ko and went in the bathroom to take a half bath, lumabas ako sa kwarto at nagbihis, i wore my color rosegold satin silk sleepwear



Bago ako bumaba sa kusina para kumain i grabbed my phone out of my bag



After kase nong pumunta dito si Kaiden sa bahay kase late na ako nakauwi ay palagi ko na syang tinatawagan para sabihin na nakauwi nako minsan pa nga ay hindi sya naniniwala kaya kailangan ko pa mag send ng selfies sakanya to prove na nasa bahay na talaga ako, kainis! Uto-uto naman ako kaya sinusunod ko rin!



Ngayon, wala ako sa mood for no reason, i don't know...Pero i t-text ko pa rin sya,


Me:
Nakauwi nako.



Chasing Him (Mendarez Series #1)Where stories live. Discover now