"Time to shine, baby" pangaasar neto sa kaibigan niya. At wala siyang pake kung pupunta yung gf neto ngayon. Lumapit siya kay Rosè at magkaholding hands sila ngayon. Hindi naman tumanggi si Rosè dahil palagi naman silang ganun ni Joy.


"Lets watch them, and pag nagkagulo ikaw ang umawat." Bulong ni Jisoo sa gf niya na ngayon ay kasama niya na naglalakad.


"Babe! Dun tayo sa T-Express!" masayang sabi ni Lisa kay Joohyun. "Nah, lets wait for Tzuyu and IU para naman may matulak ako, at magkaron ng thrill." sabi ni Irene sakanaya sabay kiss sa lips niya dahilan para matulala si Lisa.


"Whipped Manoban (2)" pangaasar ni Seulgi at nagtawanan naman sila Rosè.


"Ikaw Chaeng? May gusto ka ba? Puntahan natin habang wala pa sila" masayang sabi ni Joy kay Chaeng, habang yung dalaga naman ay masayang nakatingin sakanya.


"Tara sa Horror Maze!" masayang sabi ni Chaeng sa mga kaibigan niya. At masaya naman sila na sumunod sa dalawang nauuna ngayon.


"Sure ka di ka takot ha?" nagaalalang tanong ni Rosè kay Joy. Takot man siya, pero nag nod na lang siya dahil yun yung gustong puntahan ng mahal niya.


Sabay sabay silang pumasok ng magkaka holding hands. Pagkapasok nila ay sobrang dilim, nagsimula na agad makaramdam si Joy ng takot. Ayaw niya kasi sa dilim. Habang naglalakad sila ay naramdaman niya na may umakap sa bewang niya.


"I got you, dont worry" di man niya nakikita yung itsura ni Chaeng ngayon. Masaya siya dahil alam niyang nandiyan si Chaeng para sakanya. Habang naglalakad sila ay yumakap na rin siya sa bewang ni Rosè. Maya maya ay biglang lumabas si Jason, na nakatitig lang sakanila.


"Sige, subukan mo ko hawakan para for real ka na mapunta sa kabilang buhay." Walang buhay na sabi ni Joohyun sa naka disguise na Freddie. Nagtawanan naman tuloy yung mga kaibigan nila at maya maya ay biglang sumigaw sila Jisoo, Seulgi, Rosè at Joy ng biglang lumabas yung isang lalaki na putol yung braso.


Nagsimula na silang magtakbuhan, at may nakita naman silang isang babae na ngayon ay punong puno ng dugo sa katawan. Parang nasa scene sila ngayon ng isang horror movie, dahil na rin sa sounds at effects sa loob ng horror house. Nagsisimula ng manginig si Joy sa takot at naramdaman yun ni Rosè kaya lalo niya binalot yung sarili niya kay Joy.


Napansin naman yun ng dalawa sa likod nila, dahilan para mapa ngiti sila ng palihim.


Para na sila ngayon nasa scene ng mga monster na hinahabol habang papalapit sila sa exit. Ang lakas na ng sigaw nila, si Jisoo na halos umiyak na dahil hinatak bigla yung paa niya. Si seulgi na nagulat sa biglang bumaba sa taas. Habang si Lisa na nakangiti lang na naglalakad, dahil takot sila lumapit kay Joohyun. Yung dalawa naman ay nasa gitna at yakap yakap ni Rosè ngayon si Joy.


"Malapit na tayo lumabas baby okay? Please tahan na" sabi ni Rosè kay Joy. Habang pinupunasan niya yung luha sa mga mata nito at yakap yakap sa gitna. Napatingin naman yung apat tuloy sa dalawa na ngayon ay kala mo nasa kdrama.


"Hmm" sabi lang ni Jisoo at nakangiti naman yung gf niya na nanonood habang pinapanood yung dalawang kaibigan nila na magkayakap.


"Sayang sila no?" bulong ni Lisa sa gf niya na yakap yakap niya ngayon.


Huminga naman ng malalim muna si Irene bago sumagot. "Yeah, and hindi ko to gusto. Hindi ko itotolerate si Joy na mangagaw ng gf ng iba." Sabi ni Joohyun at napa nod naman si Lisa dahil sa sinabi niya.


Makalipas ang ilang minuto ay sa wakas nakalabas na rin sila. Tuwang tuwa yung apat sa naging experience nila sa loob. "Ang saya dun, kahit papano nakasigaw ako at nabasawan yung stress ko" sabi ni Jisoo sa tatlo niyang kasama. "Yup, ako rin. Grabe! Ang ganda ng effects!" natatawang sabi ni Lisa. Habang si Seulgi at Joohyun naman ay nakatingin lang sa dalawa na nasa harapan nila ngayon.


Idols (Suzy x Rosè)Where stories live. Discover now