Chapter 9

171 5 1
                                    

When you someone says that tommorow might be good for something new, I know its true. World doesn't always offer you a life in paradise but there's more than that. There is something you never discovered yet.

Kanina pa tapos ang exam ngunit kakalabas ko lang. Medyo nahirapan ako sa trial balance dahilan para mahuli sa pagpasa.

Naririnig ko ang mga kaklase kong nagkukumpulan sa labas ng AVR. Nagsisitanungan kung ilan ang total amount nila sa worksheet. Napahinto ako sa paghakbang at napatingin sa grupo nila Shan nang marinig kong humihikbi si Joanna.

"Bakit naman kasi nauna kang lumabas. Hindi mo man lang sinigurado ang sagot mo. Hindi pa nakadouble rule."

Kahit na pinapatahan ni Claire ang kaibigan ay mahihimigan pa rin ang paninisi nito. She was tapping Joanna's back as she is soathing her.

"Kahit naman naka-double rule ay mali pa rin ang sagot ko!" I silently heard her tantrumps. "82,000 sagot ko pero 'yung sa inyo 24,000 lang. Akala ko kasi kapag nabalance na ay tama na."

"Tapos nauna ka pang lumabas, ha!" si Etyl na lalo pang inaasar ang kaklase.

Samantalang ang iba naman ay napabungisngis lang nang marinig ang tamang sagot doon. Wala naman silang pakialam dahil mali rin naman sila. That subject was trying to get me out of the room earlier. Ni hindi ko mahanap kung saan napunta ang piso!

I went to powder room after. Nadatnan ko roon ang mga kaibigan na nagsisilagayan ng kolorete sa mukha. Napailing na lang ako piniling pumasok na lamang sa vacant cubicle.

When I went out, Dee and Crisa are waiting for me. Akmang aalis na kami roon nang tawagin ako ng isang lalaki sa likuran. He was just standing there meters away from us. His eyes pierced on me. Hindi siya pamilyar sa akin kaya nagtaka ako kung bakit niya ako tinawag.

"Uh, maybe this is yours?" He lifted the envelope in my front.

I heaved breath and choose to thanked him for giving it back to me.

"Nahulog mo ito noong nagkabanggaan tayo. You're in a rush so..." he trailed off.

I shrugged as I flash a smiled at him. "Salamat talaga. Ilang araw ko rin 'tong hinanap pero hindi ko makita."

Pasikreto akong kinalabit ni Crisa sa gilid. Dahil may pupuntahan pa kami at naiinip na rin silang dalawa.

"Uh, see you around... what is your name by the way?"

"Carlo."

"Yeah, salamat ulit dito, Carlo." Bahagya kong tinaas ang envelope. "Mauuna na kami." Ngiting paalam ko.

"Gwapo no'n, ah?" si Crisa na parang hindi nakakita ng gwapong lalaki sa buong buhay niya.

"Mas gwapo kapatid mo ro'n."

"Ikaw Dee, ah? Crush mo pala si Jian, ah!"

She blushed. Grabe sa tagal naming magkaibigan ngayon ko lang siya nakitang kiligin dahil sa isang lalaki! Maybe I'll tease her more often now.

"Kaso may girlfriend si Jian," pambabasag ni Crisa.

"H-hindi ko naman crush!" pagtatanggi nito.

"Hindi raw pero nauutal."

"T-tigilan mo ako, Lyka!" She threw me a piece of sheet. "Baka nakalimutan mong may alam ako sa inyo ni Zack!"

Doon ako napatahimik. We rarely see each other now. Wala naman akong balak na kikitain siya araw-araw. Masyado lang siyang busy sa pag aaral. I want this way. I would hate him for making me his priority because he's courting me now.

Jailed With You (Architect Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon