Chapter 3

222 13 2
                                    

Kakababa ko lang galing sa faculty nang matapos ang aming meeting. Kasama ko ang ibang President sa iba't-ibang section bumaba. They we're mumbling about the event next week.

Naririnig ko pa silang nagrereklamo hanggang sa nagpaalam na ako sa kanila. Tumango naman sila at ang iba ay nag iba rin ng daan.

Pagpasok ko pa lang sa loob ng AVR sumalubong na sa akin ang nakakarinding sigawan ng magkakaibigan. Etyl and Shan throwing each other a crumbled paper. Some are playing cards and some are doing their stuffs silently. Sila lang talaga ang maiingay sa silid na ito.

"Please, quite for a while!" Mahina kong hinahampas ang lamesa para makuha ang atensyon nila. Sandali naman silang natigilan at tumingin sa akin gamit ang natatanong na mga mukha.

Kaya lang ang dalawa ay patuloy pa rin sa pagbabatohan ng papel. Umiling ako at pinulot ang binilog na papel sa gilid ko at binigay kay Mimay para ibato sa dalawang hindi pa rin matigil-tigil sa ginagawa.

"Huy, tahimik!" Tumama sa pisngi ni Etyl ang papel at parang doon niya lang na realized ang pananahimik ng ibang ka-klase.

"Gaga ka! 'Di mo ako sinabihan! Hmp!" Paninisi niya kay Shan sabay sabunot sa buhok nito bago umupo.

"Okay so nag meeting kami sa taas-"

"Tungkol saan Pres?" Putol sa akin ni Shan.

"Walang magsasalita. Patapusin niyo muna ako para isahang bagsak na lang. Pwede?"

Tumango naman sila na amimo'y maaamong hayop.

"We are having our Intramural next week may magaganap na mga activities, which are quiz bee, got talent, sports, we have also games and of course may Ms. and Mr. Intramural!"

"So, I need 3 representative in quiz bee. Maximum of 5, minimum of 3 members in got talent and pair representative in pageant. Who would like to join?"

"Si Mimay na bahala sa Got Talent, Pres!" Claire suggested.

"Anong Talent ko, ha?!"

"Pabilisan umubos ng empi light at patagalan malasing!" agarang sagot ni Dhalal.

Tama talent nga naman 'yan pero hindi sa paaralang ito. Nagbabangayan na naman sila kaya alam kong wala na itong mapupuntahan.

"To those who wants to participate in Got Talent, just list your names to Missy, please," I smiled at Missy who suddenly pouted after hearing that. But I know it'll be okay with her.

"Pres, ako na sa quiz bee!"

"Sige sige! Thank you, James!" Then he flashes his wide smile.

"Etyl, ikaw na sa pageant," sabi ko na nag palaki ng mga maliliit niyang mga mata.

"Ha? Basta pogi partner ko, G ako!"

"Ikaw na pumili ng partner mo."

"Potcha! Walang pogi rito, e! Pwede sa ibang section? Baka pwede sa kabilang section?"

Sabi ko na nga ba at lalagpas pa siya.

"Hindi pwede. Within the section lang," sabi ko at nagsimula nang isulat ang pangalan niya sa papel.

"E, 'di ikaw na lang maghanap. Kahit kanino na lang. Walang choice..."

"Okay," sagot ko at nilista si James sa katabing pangalan nito.

After the class dumiretso na ako sa faculty para ibigay ang lista sa teacher coordinator for this event. I don't even know what would be the result of this but I do believe in my classmates' capacity on this matter.

Jailed With You (Architect Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon