Pagbaba ko ng lift ay marami din tao like the usual. Gamit na ni Alice ang sasakyan niya na hiniram ko kaya mag cocommute na ako araw araw. Sabi niya next month ay bibili siya ng sasakyan para magamit ko ang kanya.

Sinabi ko na wag nalang dahil malapit  lang naman ang trabaho ko sa condo ko. Nakakahiya naman kung gagastos pa siya at siya ang mag aadjust para sa akin.

Tahimik akong nag hantay ng taxi sa lobby. Rush hour ngaun kaya madalang ang dumadaan.

"Wala po bang available na taxi?" Tanong ko sa guard.

"Nako ma'am, wala po masyado pag ganitong oras." Sagot niya. Napabuntong hininga ako. I only have thirty minutes. At kung maghihintay pa ako dito ay malelate ako.

I decided to walk. Kahit medyo hassle dahil naka skirt ako ay binalewala ko na. Nang tatawid ako sa kabilang street. Isang BMW na itim ang huminto sa harap ko.

Kumunot ang noo ko. Bumaba ang salamin sa back seat nito. "Why are you walking?" Nagulat ako ng si sir Anton pala ito. Unlike the usual grumpy Anton. He looks happier at mas lalong naging gwapo.

"Hi!" Bati naman ng babae na katabi niya. Kumunot ang noo ko at kinabahan bigla. I know this girl! Pero hindi ko siya matandaan. Sa huli, ngumiti nalang ako sa kanya.

"Tara, sumabay kana." Salita ni sir Anton. Hindi na ako umalma. Nagmadali nalang ako pumasok sa front seat katabi ng driver dahil sunod sunod na ang busina ng mga sasakyan sa likuran.

"How's the office?" Salita niya ng makapasok ako. Diretso lang ang tingin ko sa daan. Nang mapatingin ako sa rearview mirror, nakita kong magkahawak ang kamay nila nung babae.

Umiwas ako ng tingin dahil sa kahihiyan. Nagtama kase ang mga mata namin ng babae at saka siya ngumiti. She's is so pretty. Simple lang siya but she is screaming for class and elegance.

" baby, she is Gotica--" si sir Anton na hindi na natapos ang sasabihin.

"Yeah, I know her. Sa LSU din siya diba? I remember her." Yung babaeng kasama ni sir Anton. Umalon ang bagsak at itim niyang buok ng hinawi niya ito. Para siyang anghel na bumaba sa lupa.

"Anyway, she's Bree. My wife." Si Anton ulit. Nanlake ang mga mata ko kahit di nila nakikita. I know Bree pero anlaki na ng nagbago sa kanya. Kumirot ng bahagya ang puso ko at hindi napigilan ikumpara ang sarili sa kanya. Now I know why Raj was totally smitten to her.

Ano nangyare sa kanila ni Raj? Bakit kasal na sila ni sir Anton? Sa dami ng tanong sa utak ko ay binalewala ko nalang. Wala ako sa lugar para makialam sa kung ano man ang nangyari sa kanila.

Tahimik kami sa byahe mahinhin na hagikgik ni Bree ang naririnig ko. Hiyang hiya ako ng makarating kami sa Ibanez.

"Sabay kana samin." Si Bree. Nagpahuli na nga akong maglakad pero bumalik pa siya para hilahin ako at makasabay sa kanila.

Halos hindi ako makalakad. Lahat ng staff ay manghang nakatingin sa kanya at kay sir Anton. There were also girls that silently cried nang inanunsyo ni Sir Anton na asawa niya ito.

Ilang na ilang ako sumabay sa kanila. Palihim pa ako na nangingiti sa dalawa. They seems so happy and contented. I don't know what happened to her and Raj pero kitang kita how genuine her love for sir Anton. Ganun din naman si sir Anton. The cold in him was all gone.

Nang makarating kami sa office ay naging pormal ang dalawa. Bumukas ang lift. Naunang lumabas si Bree at pinauna na ako ni Sir Anton lumabas bago siya.

Ingay ang narinig ko paglabas ng lift. Hindi ko na alam kung nasaan ang mag asawa. Dumiretso ako sa offie ni Sir Brent na sana ay hindi ko nalang ginawa.

Tatlong pormal na lalake ang nandoon kasama si Raj na napahinto sa kung ano man ang ponapaliwanag niya ng dumating ako. This is so awkward dahil lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Good morning," Salita ko sabay nag iwas ng tingin kay Raj. Narinig ko ang pag tikhim ni sir Brent.

"Good morning, Gotica. Sit here and take notes." Sabi ni si Brent tumango ako at dinampot ang Ipad.

Parang nag gulaman ang tuhod ko habang papalapit. Walang ka kurap  kurap si Raj sa paninitig habang naglalakad ako. Umupo ako sa gilid ni sir Brent. Tikhim ni Raj ang narinig ko kaya napatingin ako sa kanya. Magkasalubong ang mga kilay niya na tila ba galit at nag iigiting ang panga.

"So.. where are we?" Salita ni sir Brent.

Napatingin si Raj sa akin at nahuli niya na nakatingin din ako sa kanya. Napayuko nalang ako dala ng kahihiyan. Bakit ba kasi ako nakatingin sa kanya?

Nagsimula siyang mag discuss ulit at manghang mangha ako sa bawat buka at lumalabas sa bibig niya. He's a monster! Kung baga sa tindera, alam na alam ni Raj ang ginagawa at sinasabi niya. Punong puno ng confidence at mapapabilib ka talaga.

Patuloy ako sa pakikinig at pag-nonotes sa mga nangyayare. Paminsan minsan ay hindi ko talaga maiwasan mapatingin sa kanya. Nahihiya nalang ako sa sarili kapag nahuhuli niya ako dahil napapangisi siya.

"Well done, Raj." Pumalakpak si sir Brent kasama ang dalawang lalaki ng matapos si Raj sa pag di-discuss. Mangha mangha ako at hindi ko maitago ang pagiging proud sa kanya. Alam na alam ko na magaling siya but seeing him live doing his things, iba pala sa pakiramdam.

Ngaun alam ko na kung bakit siya succesful at halimaw sa industriyang pinasok niya.

Pinatay ni Raj ang laptop niya. Isa isang lumapit sa kanya ang mga nasa silid at nakipag kamay.

"Congratulations, you never failed me." Si sir Brent.

Tinanggap ni Raj ang kamay ni sir Brent pero sa akin pa din siya nakatingin. Nakakahiya! Kasabay pa nun ang pagbaling sa akin ni sir Brent na nakataas ang kilay at nakangisi.

Nang makaalis ang dalawang lalake, nanatili si Raj sa silid habang kausap si  sir Brent. I also made them coffee.

"Uh, hi!" Napatingin kami sa pumasok. Si Bree kasama si sir Anton habang magkahawak ang kamay nila. Tumayo si sir Brent at humalik sa pisngi nito habang tango lang ang binigay niya sa kakambal. This is awkward!

Nakatingin si Raj sa kanila at tumango . Pag katapos nun ay binalik lang ang mata sa kape niya.

Bigla akong nalungkot para sa kanya. Maybe, it's hard for him to see them. They've been together for a long time pero hindi sila sa huli.

"I'll just email the details." Salita niya sabay tayo ni Raj. Hindi pa nakakaupo ang mag asawa.

Hilaw na ngumisi si sir Brent at tumango. "Okay, then. Thank you." At saka niya kinamayan si Raj.

Ang buong akala ko ay aalis na siya pero lumapit pa siya sa akin. "Can we have lunch?" He asked me.

Hindi ko alam kung anong itsura ko pero alam ko na nawindang ako! Takang taka si Bree na nakatingin pero nakangiti siya sa amin.

All of a sudden, gusto kong kainin ako ng lupa sa sobrang kahihiyan! What the heck is he doing?

"Go on, Gotica. You can have your lunch." Si sir Anton ang nagsalita. Pumikit ako ng mariin at nagmura. Napatingin ako sa kanya. He is so serious.

Gusto kong umalma at isalba ang sarili mula sa kahihiyan. Gusto kong sigawan si Raj but seeing him so serious and his hopefull eyes made me speechless.

"Sir," magsasalita sana ako kay sir Brent when he smiled. "Go on, it's just lunch though." Kumindat siya sa akin. Ugh! Is this really happening? Talagang pinagtutulungan nila ako!

Matyagang naghintay sa akin si Raj nang niligpit ko ang silid ni sir Brent. Actually, all of them are looking at me. Seriously?

Nang maayos na ang lahat ay kinuha ko ang bag ko. "Enjoy lunch," si sir Brent na may halong pangungutya.

Hindi ko siya pinansin dahil lahat sila ay nakaupo at nakamasid sa amin. Para kaming bida sa isang teleserye ni Raj na sinusubaybayan nila.

Nagpaalam na ako. Napatingin ako kay Raj na nanatili ang titig sa akin. "Lets go," salita  niya ng makalapit ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin at umirap. Nakita ko kung paano umangat ang gilid ng kanyang labi.

I was going to walk when he put his left arm on my waist without even asking. What the hell? Halos madapa ako ng marahan niya akong hinila habang nakahawak sa beywang ko.

Our Strings (Strings Series 3) Where stories live. Discover now