"Bawal iyan, kakambal. Anak siya ng taong misyon mo." Nakangising pang aasar ni Ian sa kakambal.

Napaiwas ng tingin si Ion. Napabuga siya ng hangin.

"Bakit sakin iyan binigay ni dad?" Tanong ni Ion habang nakatanaw sa malayo.

"Hmm.. well, dad knows you do the dirty work. He wants Alejandro's head." Simpleng sagot ni Ian bago uminom ng alak.

Nanatiling tahimik si Ion.

"Twinny, you can't like that Colombian girl. Everything will be put at risk if you continue doing that." Pahayag ni Ian habang iniikot-ikot ang baso.

"I have no plans of liking her. I'm planning how to easily end this fucking work." Pagsagot ni Ion sa sinabi ng kakambal.

Nanatili ang ngisi ni Ian.

"Yung mga tingin mo kay Antonella, parang yung mga tingin ko noon kay Kristine nung unang punta nila sa bahay natin." Makahulugang sabi ni Ian.

Napaigos si Ion.

"So may intensiyon kang patayin noon si Kristine?" Walang gana na sabi ni Ion.

"No!" Mariing iling ni Ian. "Kunyari ka pang siraulo ka eh kitang-kita ko sa mga mata mo na hahabul-habulin mo si Antonella pagdating ng panahon."

Umirap sa kaniya si Ion.

"Huwag kang gumawa ng kwento." Igos ni Ion. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair.

Pumunta siya sa harapan ng lamesa kung saan nakadisplay ang kaniyang mga katana. Kinuha niya ang isa bago ito tinanggal sa pinakalalagyan.

"What do you think will happen after I brutally killed the most influential criminal in Colombia?" Malamig na tanong ni Ion.

"Hmm.. maybe you'll be hunt down by the sicarios?" Natatawang sabi ni Ian.

Walang buhay na napatawa naman si Ion habang hawak-hawak ang katana.

"You know I always enjoy that."

Napailing si Ian.

"Ikaw lang ata ang natutuwa kapag hinahabol ng mga killer." Umiiling-iling na sabi ni Ian.

Itinapat ni Ion ang katana sa direksyon ng malaking glass window.

"I'm sure if Dianne is still here, kanina ka pa niya piningot sa tainga. Ayaw na ayaw pa naman noon na humahawak ka ng mga armas lalo na kung sa harapan ng anak ninyo." Malungkot ngunit nakangiti pa rin si Ian.

Napatigil si Ion sa pagtutok ng katana sa glass window. Hearing Dianne's name is his totally mood changer.

Inilapag niya muli ang katana sa kaniyang lamesa.

"I don't want to talk about Dianne and my daughter." Tila nawalang ganang sabi ni Ion.

Sa nakalipas na limang taon ay patuloy pa rin si Ion sa pagkalimot sa mapait na nangyari sa kaniyang pamilya.

His girlfriend and daughter died. Pakiramdam niya ay kasama din siyang namatay sa mga ito. Hindi niya kinakaya ang sakit na nararamdaman. Para bang gusto na lamang niyang paulit-ulit na lunurin ang sarili dahil sa pagkangulila sa nobya at sa kaniyang anak.

Nasa Colombia siya noong maambush ang sinasakyang sasakyan ng kaniyang mag ina dito sa Pilipinas. Papunta na sana ang mga ito sa airport upang bumyahe papuntang Singapore. Napagkasunduan kasi nila ni Dianne na sa Singapore icelebrate ang ikaapat na kaarawan ni Imari na siyang anak nila.

Namatay si Dianne at Imari ng dahil sa pagsabog ng sinasakyang kotse nito. Maging ang mga nakasunod na sasakyan sa kanila ay nadamay sa gulo.

Labis na pinagsisisihan ni Ion na hindi man lang niya nagawang iligtas ang mag ina. Na imbis na nasa Colombia siya ay dapat nasa tabi siya ng mga ito, subalit hindi, ipinilit pa rin niya ang gustong makapagtraining sa pag aakalang iyon ang kaniyang magagamit upang maprotektahan ang kaniyang mag ina.

Ang masakit pa ay nang dahil sa kaniya kung bakit naambush ang sinasakyan ng mga ito. Si Ion talaga ang target ng mga taong iyon, sasakyan niya ang gamit-gamit kaya akala ng mga kalaban ay siya ang nasa loob.

Sana nga ay siya nalang ang nasa loob ng sasakyang iyon, sana nga ay siya nalang ang namatay at hindi ang kaniyang mag ina.

Galit na galit siya sa mga taong gumawa ng bagay na iyon sa kaniyang mag ina, nalaman niyang ang mga Kalavaraj ang utak ng nangyaring ambush kaya naman gigil na gigil siyang ubusin ang lahat ng mayroon ang mga Kalavaraj. Subalit mas lubos na nagagalit siya sa kaniyang sarili dahil wala siyang nagawa para sa kaniyang pamilya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makuha-kuha ang hustisya para sa kaniyang mag ina. Galit na galit siya. Sa sobrang galit niya ay gustong-gusto na niyang durugin ang mukha ng Sauron Kalavaraj na iyon.

"It's been five years, Ion. Hindi magiging masaya ang mag ina mo kung mananatili kang ganito. Alam kong gusto rin nilang sumaya ka. Gusto nilang makita na nagiging maayos ka na." Pahayag pa ni Ian.

"Shut it, Ian. Hindi ako magiging maayos hanggat hindi ko napapatay ang Sauron na iyon. Hanggat hindi napapasakamay ko ang ulo niya, hinding-hindi ako titigil." Gigil na sabi ni Ion.

"Alam mong hindi iyan magugustuhan ni Dianne-"

"Fucking shut it, Ian!" Galit na sigaw ni Ion. Lalo lamang kumukulo ang kaniyang dugo sa tuwing naririnig niya ang pangalan ng nobya, naalala niya kung paano ito nawala sa kaniya, kung paano ito kinitil ng mga Kalavaraj.

Marahas na napahinga si Ian at nanahimik na lamang.

_*_

Maria - Marya
Ion - Ayon
Ian - Ayan
Ien - Ayen
Ivo - Avo
Aiana - Ayana
Icarius - Ikaryus
Kalavaraj - Kalavarah

UnintentionalWhere stories live. Discover now