Tumango naman si Sky at ganoon din ang pagsasayaw ng mga organs ko na tila nag pa-party!

Lumabas na kami sa bahay nila pero hindi sumunod si Sky.Nasaan na yun?

"Sama ka na sa amin.Ayaw kong ako lang dito sa kotse ni Jack baka gahasain pa ako." Mataray na sabi ni Chess.

I sighed.

"I said sorry babe."

"Che!"

"Hep,hep,hep!tumigil nga kayo.Buti pa Jack, date mo 'tong si Chess ngayon.May hahatid naman sa'kin."

"Sino?" Chess asked.

"Si Sky."

"Whoa,pagkakataon mo ng gahasain sa loob ng kotse yung crush mo BWAHA—aray!"

Hinampas ko naman ang balikat ni Chess.Kahit kailan topakin talaga 'to.Even if I'm obsessed to Sky ay hindi ko gagahasain yun 'no.

Nakareserve na siya sa honeymoon namin in the future.

"Joke lang e!"

I rolled my eyes.

"You like Sky?"
Singit ni Jack.

"Joiner." Saway ni Chess.

"Oo pero kapag pinagkalat mo, papatayin kita."

Chess smiled.

"Sige Jack,sabihin mo kay Sky na may gusto si Sasha sa kaniya para mapatay kana.Ngayon din."

I burst out of laughing.Masyadong high blood si Chess kay Jack.May pagkababaero kasi.

Gulat naman silang napatingin sa likod ko.Kumunot ang aking noo.

"Sige,mauna na kami.Bye!"
Chess kissed my cheeks.

"Wala din ba ako?"
Nanghihinayang na si Jack.He's like a poor child begging for a kiss.

"Wala.Tara na bilis!"

Nakatunganga lang akong sinundan ang pag-alis ng kotse nila.

"Hey Sasha?"

I immediately turned back and saw Sky.

"Sky!"

He smiled.

"I'll drive you home."

Naalala ko naman na kailangan kong maghanap ng part time job.Napakamot ako sa leeg.Nahihiya kase akong malaman ni Sky na mag pa-part time job ako.

Baka...ma-disappoint siya sa akin.

"Ano kase Sky,pwede sa super market mo na lang ako ihatid?"

Nakita ko kasi sa Super Market na may bakanteng trabaho pa doon and I hope it's not too late.

"Sure,may bibilhin ka ba?If there is,I'll help you."

I smiled.Pero kumunot ang noo ko nang nawala ang ngiti niya.Alam kong nakatingin siya sa gilid ng likuran ko.

"Uh,Sky?" hindi siya natinag.Ilang beses ko pa siyang tinawag at lilingon na sana ako sa likuran ko nang bigla niyang hinapit ang bewang ko.

Ngayon ay nakangisi na siyang nakatingin,like parang nang-aasar?

I was so shock.Nagkakagulo na ang nasa loob ng sistema ko!

"I have to tell you something..."
He smirked.

Naalala ko naman yung kambal niya.Ganiyan siya ngumisi.

"A-ano?" Halos hindi na ako makahinga nang mas nilapit pa niya ang katawan ko sa kaniya!

Oh god!What is he doing?

"What if I-"

"What the freaking hell are you two doing."
Isang matigas na boses ang narinig namin na nasa likuran ko lang.

Alam ko talaga kung sino iyon!Napatayo naman ako ng matuwid at inalis ang kamay ni Sky.

"Why are you here?" Sky asked.They both looked at each other kaya pabalik-balik ang tingin ko sa kanila.

"I'm the one who should drive her home."
Napanganga ako sa sinabi ni Cloud.Kanina lang,hindi niya gustong ihatid ako.

"You just said-"

"And si dad,may ipapagawa siya sa'yo so I should be the one who has a responsibility to her."

I was dumbfounded at those moments.The last thing I know ay hinila ako ni Cloud papasok sa kotse niya at pinaharurot ito.

"So, where's your house?" Tulala pa rin ako.

"Oo..."

"Huh?"

"Oo nga..."

Doon ako natauhan nang pinitikan niya ang noo ko.

"Aray!Ano ba?"

"Tinatanong kita e wala namang connect 'yung sagot mo."

"Ano bang tanong mo?"

"Malalim yata iniisip mo."

I looked at him frustratingly.

"Nasaan 'yung tanong doon?"
Iritadong tanong ko.

"Kanina lang 'yun,iba ngayon."

"Ewan ko sa'yo Elperes.Nalilito talaga ako sa'yo tapos nakakalito ka pang kausap."

"Mas nakakalito ka,Valdico."
He looked at me.

"Kaya ka nalilito sa akin kase nakakalito ka kaya nalilito ako,kaya ngayon ay nalilito na tayo."

"No.Kaya ka nalilito kase sira 'yang utak mo." I looked at him with a poker face.Pinipikon niya ako!

"Porket bobo akong estudyante,may matino akong utak,Elperes!" At doon ko na siya pinaghahampas.

"Stop it!"

"Hindi.'Yoko." Mahina lang naman ang hampas ko sa balikat niya.

"Gusto mo bang madisgrasya tayo?!"
Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes!Pero ikaw lang kase mahilig ako manood ng movies.Base sa napanood ko,para hindi sila mamamatay sa disgrasya ay tatalon sila sa bintana ng kotse at gugulong tapos boom!Buhay!"

Mahilig kase ako manood ng action movies noong bata pa lang ako habang ang dalawa kong spoiled na kapatid ay barbie pinapanood.

He pressed his lips na parang pinipigilan ang pagtawa.Totoo naman!

"Bakit ka tumatawa!" I asked frustratingly.

"Hindi." Pinipigilan ang tawa.

"Hindi ako naniniwala, natatawa ka!I'm telling the truth!Kahit i-demo pa natin in reality.Sige,look at that."

Turo ko sa malaking truck na nasa other way ng kalsada.

"Try mong magpadisgrasya diyaan tapos tatalon ako para mabuhay."
I glared at him.

"Are you freaking serious?!"

"Oo naman!Para maniwala ka!"
I saw him bite his lower lips at umiling-iling.

"I'm not ready yet,may mamahalin pa ako."

Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Daming alam."

Inirapan ko na lang siya.Kapag na disgrasya kami hindi ko talaga 'to tutulungan.

The Bad Boy's ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon