KABANATA 32

27 2 4
                                    

Nakasunod Lang ako Kay Lorenzo Kung saan Ito pupunta.

Buti na lang sabado ngayon at walang pasok.
Nilibot ko muna ang Mata ko sa nakikitang magandang paligid.
Malinis,maaliwalas at may preskong hangin.
Napapikit na lang ako pero sa pagpikit ko ang mukha Ng matanda ang nakikita ko.

"Tinatawag Kita Fatima!Pumarito Ka!"

Mabilis akong napamulat pero sa pagmulat ko iba na ang lugar ang nakikita ko.

Nakalanghap kaagad ako Ng usok Kaya napaubo ako.

Madilim at nakakakilabot.

Paano ako napunta dito?

"Fatima!"palinga-linga ako sa paligid at hinahanap ang taong tumawag sakin.

"Fatima!"

Ang boses nito parang sumabay sa usok.

"Fatima!"

"Fatima!"

Napapikit na lang ako at napaupo sabay takip sa magkabilang tenga ko.

"Tama na!"sigaw ko dahil sa takot.

"Fatima!"
Bulong ulit nito sa tenga ko.

"Anong kailangan mo?"tanong ko.

Pinakiramdaman ko ang paligid parang tumahimik Kaya minulat ko ang mga mata ko ganun na Lang ang pagkagulat ko Ng bumungad sakin ang mukha Ng matanda,maitim ang mga mata nito at may pangil.

Napalunok ako at nanginig sa takot.

"KAILANGAN KO ANG KATAWAN MO!"
Napapikit ako Ng mabilis at tinakpan ulit ang tenga ko dahil sa pag-eecho Ng boses nito sa tenga ko.

"Hahahaha..."malademonyong tawa nito na nag-echo parin sa tenga ko.

Nanginig ako sa takot.Paano Kung may gagawin itong masama?
Naramdaman ko na Lang ang pagagos Ng luha sa mga mata ko.

Natatakot ako sa maaring gagawin niya.

Paulit-ulit ang boses nya sa tenga ko Kaya mas lalo akong kinakilabotan.

"KAILANGAN KO ANG KATAWAN MO!"

"KAILANGAN KO ANG KATAWAN MO!"

"KAILANGAN KO ANG KATAWAN MO!"

"TAMA NA!"sigaw ko at Hindi mapigilan ang paghagulgul.

"FATIMA!"

Nagulat na lang ako sa taong humawak sa magkabilang balikat ko Kaya mabilis ko itong kinuha at umatras dahil sa nawalan ako Ng balanse na paupo ako sa sahig.

"What's happening to you?"

Nawala ang takot ko Ng marinig ko ang boses niya tumingala ako para kompermahen nga Ito.

Napangiti ako at agad na tumayo mabilis kong pinulupot ang braso ko sa leeg nya at napayakap.

"Lorenzo!"humihikbing tawag ko sa kanya.Hindi ko nararamdaman ang paggalaw nya para syang nakatirik na kandila na natiling nakatayo.
Alam Kong hanggang ngayon gulat sya sa ginawa ko Kaya mabilis akong kumalas dahil narealize ko rin ang ginawa ko.

"Sorry!"nakayukong Sabi ko at napapunas sa mga luha ko.
Napasulyap ako sa kanya nakatulala Lang sya nakatitig sakin na parang wala sa sarili.
Nakita ko din na namutla Ito at napahawak sa dibdib nya.

"Lorenzo,ok Ka lang?"tarantang tanong ko sa kanya at hinawakan sya sa braso parang napasong gumalaw sya at mabilis na kinuha ang kamay ko.

"Ok Ka Lang?"paguulit ko.Nagaalala Kasi ako na baka nahigpigtan ko ang pagyakap sa kanya Kaya ganun na Lang ang naging epekto.

"Sorry,may masakit ba sayo? Sabihin mo Lang,saan?"sunod-sunod na Sabi ko hahawakan ko na Sana sya Ng mabilis nyang hinawakan ang braso ko.
Napatitig ako sa kamay niya na humawak sa braso ko.Nagtaka Naman akong wala akong makita na vision sa kanya.May kakaibang dumaloy na Kung ano sa katawan ko Ng dumikit ang balat namin.
Nalipat Naman ang tingin ko sa mukha niya nabigla nalang ako Ng magkatugma ang Mata namin sa isa't isa.

Bakit may kakaiba akong nararamdaman?

At Bakit ngayon ko Lang nararamdaman sa buong buhay ko?

Ang pakiramdam na parang sumabog na ang puso mo sa mabilis na pagtibok nito.Sa oras ding Ito sobrang kinakabahan ako Ng Hindi ko alam ang dahilan.

Habang nakatingin ako sa kanya parang tumigil ang oras at tanging sya Lang ang nakikita Ng mga mata ko.

Bakit ganito?

Ano ba tong nararamdaman ko?

"Anong ginawa mo sakin Fatima?Bakit ako nagkaganito?"rinig ko mula sa kanya habang Hindi parin pinutol ang titigan sa isa't isa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ALL ABOUT USWhere stories live. Discover now