KABANATA 6

16 7 1
                                    


Mag-ala Una Ng umaga pero Hindi parin ako makatulog.

Kakaiba ang Kaba na nararamdaman ko ngayon at walang ibang nasa isipan ko ay si tita.

Bakit Kinakabahan ako Ng ganito?!

Ano kayang nangyari?!

Napalingon ako Kay Chelsea na mahimbing na natulog sa tabi ko.

Buti pa sya nasanay na sya sa sistema dito.
Ako Kaya?!

Masanay kaya ako?!

Hay!

Pilit ko namang ipikit ang Mata ko.

Bigla Naman akong nagulat Kaya napamulat ako.

Pero may pumasok SA isipan ko.
"Aah!"

"Ayaw mo talagang sabihin?Tsk!Wala Naman akong mapapala sayo.Mas mabuting mamatay kana....kukunin ko ang kaluluwa mo papunta sa kadiliman.At Kung mangyari Yun malalaman at malalaman ko rin Kung saan mo sya tinago...."nakangising Sabi Ng lalaki at tumawa na parang demonyo.

"Waaaaaagggg---"

Bigla na lang naglaho Yun.

At kasabay nito ang pagpatak Ng luha ko.

"Tita.."tawag ko.

Nangyari na Naman ang nangyari dati...alam Kong magkatotoo Yun.

"Alberto...ang ganda Naman dito."ngiting sambit Ng babae habang tinitingnan ang mala-paraisong lugar.

"Kasingganda mo!"sagot Naman Ng lalaki na kinalingon Ng dalagita.

Ilang sandali silang tahimik at walang kumibo pero Hindi na talaga makapigil ang lalaki sa gusto nyang sabihin.

"Feliza.."tawag nito sa pangalan Ng dalagita.
Lumingon Naman Ito.
"Batid Kong Hindi ko na Ito maitatago pa.....Mahal Kita simula palang."pag-aamin nito sa nararamdaman.

Hindi Naman makapagsalita ang babae nabigla din Ito sa natuklasan.

"Pwede ba kitang ligawan?!"

Bumuntong hininga na man ang dalagita tsaka humarap sa binata.

"Hindi pwede..Patawad Alberto pero kapatid na ang Turing ko sayo...Kaya Hindi ko matanggap ang pag-ibig mo....Patawad pero may IBA na akong napupusuan."

Nag-aalab sa galit ang binata.

Matatagap pa nya ang katotohanan na kapatid Lang Turing sa kanya pero sa katotohanang may IBA na syang napupusuan Hindi nya Yun matatanggap.

Naiwan ang binata na Tulala habang tinatanaw ang Mahal niya palayo.

"Aalamin ko Kung sino ang lalaki nayun....Feliza!Mapasa akin Karin!"galit na Sabi nito.

"FATIMA!"

Hiningal-hingal akong napabangon.

Napalingon ako Kay chelsea.

"Bakit??"nag-alalang tanong nito tsaka nilapag ang lugaw sa lamesa.

Pumikit Naman ako para kalmahin ang sarili.

"Gutom Lang ako..."sagot ko tsaka tiningnan sya.

"Saktong-sakto....oh kumain Ka muna!Mainit-init pa ang lugaw nato!"

ALL ABOUT USOù les histoires vivent. Découvrez maintenant