Paunang salita (Prologue)

80 10 1
                                    


Year 1887

"Marami mang hadlang sa ating pagmamahalan ngunit pag-ibig ko sa iyo Hindi mapapantayan habang buhay kitang iibigin at Hindi maghahangad ng anumang kapalit.....Mahal Kita sinta ko!...at Ipapangako ko sayo na puso'y hindi magbabago...ipaglalaban Kita kahit anong mangyari Feliza."

"Ganon din ako sayo Lorenzo..Magkaiba man tayo ikaw ma'y mabubuhay ng ilang dekada samantalang ako..ang panginoon lang ang nakakaalam Kung kailan ang katapusan ko ngunit Kung dadating man yun...ipapangako ko sayo babalik ako para sayo at muli nating sisimulan ang naudlot nating pagmamahalan...Ang pagibig mo ang kalakasan ko Kaya babaunin ko Ito hanggang sa dulo ng buhay ko."

Mga pangako na kailanma'y Hindi mababaon sa limot.

Mga pusong pinaglapit at pinagtagpo ng tadhana ngunit ng dahil rin sa paninibugho ito'y nasira.

"Ano itong nababalitaan ko?!May namamagitan daw sa inyo ni LORENZO?!TOTOO BA ITO?!"

"Batid Kong hindi ko na Ito maitatago pa..... sasabihin ko na sayo ang totoo..OO..may namamagitan naho sa aming dalawa."

"Totoo nga haka-haka....paano mo na gawa sakin Ito?!Bakit mo nakuhang agawin sya sakin?!BATID MO SIMULA PA LANG MAHAL KO SYA...KILALA MO KO FELIZA!!!ALAM MONG AYOKO SA MGA TAONG MANG-AAGAW....OO noon nagawa mong maagaw lahat sakin pero sa pagkakataong Ito hindi ko hahayaan na agawin mo sya sakin....AKIN LANG SYA AT HINDI SAYO!!!"

"Patawad kapatid ko!Nagsusumamo ako sayo wag mong gawin ang binabalak mo!Patawad dahil kahit anong iwas ko at anong gagawin ko hindi ko maiiwasan ang nararamdaman ko.........Patawad ulit ngunit Hindi ko ma--didikta-han ang puso ko..Mahal ko sya at Mahal din nya ako... Patawarin mo Sana ako kapatid ko ngunit Mahal ko sya at Hindi ko sya kayang bitawan."

"Kung gayon hindi ko hahayaan na maging masaya Ka sa piling niya....kilala mo ko Feliza Hindi ako titigil hangga't Hindi ko makukuha ang gusto ko....at sa tingin ko ikaw lang hahadlang nito Kaya mas mabuting mawala Ka na sa buhay naming dalawa!"

"WAG!!MAA------"

Kasabay ng pagbaon sa punyal sa dibdib ng dalagita at ang pagdanak ng dugo sa lupa ay ang pagkaputol sa sinumpaan ng dalawang taong nagmamahalan. 
"Ang pag-ibig ang bubuhay sa ating dalawa."-Lorenzo at Feliza

ALL ABOUT USWhere stories live. Discover now