KABANATA 1

39 10 2
                                    

ABS(ALL ABOUT US):[MULING PAGKIKITA]

Kakatapos lang ng klase at pauwi na ako sa inuupahan Kong appartamento kasalukuyan akong naglakad ngayon sa isang madilim na eskinita.

Hayst bakit ba Kasi Hindi Ito pinapansin ng mga opisyalis ang ganitong mga dadaan?!Ito tuloy ang pinoproblema ko lalo na't kadalasan na aabotan ako ng dilim.
O sadya lang talaga na wala silang paki alam.

Mabuti na lang may buwan na nagsisilbing liwanag sa madilim na eskinita nato.

"Meow!"

Napaigtad tuloy ako sa narinig ko bigla na lang dumaan sa pwesto ang isang itim na pusa.

"Babalatan talaga Kita Ng buhay pusa Ka.....papatayin mo ko sa gulat..ho!!"pasigaw na Sabi ko sa pusa.

Hahakbang na Sana ako uli ng napansin Kong lumingon ang pusa sakin at tumingin Ng diretso sakin.

Bigla nalang akong nakaramdam ng kilabot sa titig nya.

"Sorry hehehe..Jawk Lang yun...Waahhhhhh!!"
Kumaripas kaagad ako ng takbo.

Aswang ba ang pusa na iyon?!

Naku nakakatakot sya!

Ng mapansin ko naka layo-layo na ako tumigil ako saglit.

Nilibot ko ang tingin sa paligid.

Napalibutan ang daanang Ito ng Puno at sobrang tahimik na parang sa horror movies.

Wala bang katapusan ang katahimikang Ito.

Kung hindi lang sana ako mag-ipon para sa baon at pangangailangan ko Hindi ko to gagawin.

Hay ang hirap pagmahirap!

Nagpatuloy parin ako sa paglalakad at hindi pinapansin ang nakakakilabot na lugar na Ito.

Inayos ko ang salamin ko na ilang sandali pa ay mahuhulog na.

"Pre!!Dito na lang!!"

Napatigil ako ng may napansin na kotse di kalayuan na tumigil sa gilid.

Nagmasid lang ako.
May dalawang lalaki na bumaba.

Nagulat na lang ako sa sunod na nangyari.

"Sigurado akong walang makikita sa bangkay nato...."Sabi nung isa.

Bangkay?!

Patay bayun?!

"Tama Ka nga walang makikita sa crimen na gagawin natin ibig sabihin nun wala tayong problema..."Sabi Naman nung isa.

Pinagtulungan nilang buhatin Yung nakabalut sa maitim na plastic bag na Sure akong Yun ang bangkay na sinabi nila.

At hula ko itapon nila Yun sa pangpang.

Anong gagawin ko?!

Hindi ko maigalaw ang mga paa ko ngayon.

Ano ba tong pinasok ko?!

Ang gusto ko lang naman ng maayos nabuhay,makatapos Ng highschool,at Hindi sa ganito.

Kalma Lang self!

Hindi Ka nila napansin Kaya takbo Lang ang paraan.

Yun nga!!

Tatakbo na Sana ako pagbalik Ng napatingin sakin Yung isa.

"May tao!!"

"Ano saan?!"

Kumabog Ng malakas ang dibdib ko.

Anong gagawin ko?!

"Hoy bata Ka!!Halika nga dito!"

Nagsimula naring maglakad Yung isa papunta sakin.

ALL ABOUT USWhere stories live. Discover now