KABANATA 16

7 2 0
                                    

Hanggang ngayon tulala parin ako.

Iniisip ko parin Yung litrato.

Siguro nagkamali lang ako.

"El amor nos mantendrá vivos"
Mabilis akong napatingin Kay maam.

"Anong ibig sabihin nun?!Is anybody wants to answer?!"

Parang alam ko ang ibig sabihin nun.

"El amor nos mantendrá vivos"

"Ang pag-ibig ang bubuhay sa ating dalawa."

"Love will keep us alive."bigla na lang akong napabulong Ng may pumasok sa isipan ko.

"Yes!Ms. De Guzman!"
Gulat akong napatingin Kay ma'am at sa mga kakaklase Kong nakatingin sakin except Kay Lorenzo na busy parin sa notebook nya.

Tumayo Naman ako lahat sila hinihintay ang sagot ko.

"Love will keep us alive."habang sinasabi ko Yun nanatili Lang akong nakatingin Kay lorenzo na dahan-dahang lumingon sakin.

~~~Nag-iisang pag-ibig
Ang nais makamit Yun ay ikaw
Nag-iisang pangako
Na Di magbabago para sayo~~~

~~San Ka man ay sana'y maalala mo
Na kailanman aasahan ay Hindi magkakalayo.....oooohhh~~~

Parang may sinabi sya sa titig nya pero Hindi ko maintindihan.

~~~Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik~~~

"Correct."

Sabay Kaming napaiwas sa isa't isa ng magsalita si ma'am.

Muli akong umupo sabay ngiti sa iilang kakaklase ko na  nakatingin parin sakin mabilis Naman silang umiwas.

"Hoy,Paano mo nalaman Yun?!"

Nagulat na lang ako ng hinawakan ni Chelsea ang braso ko na kinabigla ko ng may pumasok sa isip ko.

"You may now kiss the bride."

"I love you Eduardo."

"I love you Chelsea."

Napangiti Naman ako ng makita Yun.

Kinasal si Chelsea at Eduardo.

"Hoy!"agad akong napalingon sa kanya na may pinakalawak na ngiti.

"Anong nangyari sayo?!"

Humagikhik lang ako.

Sila talaga ang magkatuluyan.

Hindi ko sya sinagot at muling ibinalik ang atensyon Kay ma'am.

Kinulit-kulit pa nya ako pero hindi parin ako umimik.

Deadma lang ang peg.

Hindi ko pwedeng sa sasabihin sa kanya basta ako lang ang makakaalam nun.

Alam Kong nagtatampo na sya ngayon pero never parin.

Walang excitement ang mangyari pagsinabi ko Yun.

Hindi pwede!

*****

"Hoy kanina Ka pa pangiti-ngiti Dyan!Ano bang nangyari sayo?!Kailangan na ba tayong magpa-doktor?!"
Mabilis akong napalingon Kay Chelsea.

"Anong doctor ang pinagsasabi mo?!"tanong ko.

ALL ABOUT USWhere stories live. Discover now